2 RIDER NA LASING TODAS SA HIGHWAY

QUEZON –Patay ang dalawang binatang magka-angkas matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihang bahagi ng nakaparadang sasakyan sa gilid ng Maharlika Highway sa bayan ng Sariaya noong Sabado ng hatinggabi.

Kinilala ang Sariaya Police ang mga biktimang sina Van Jerick Cayabat Magsino, 19-anyos, driver, residente ng Barangay Gibanga, Sariaya, at Jerson Sarion Sayas, 24, backrider, residente ng Barangay Calumpang, Tayabas City.

Batay sa report ng Sariaya Police, tinatahak ng mga ito ang Maharlika Highway sa Barangay Gibanga nang sumalpok sa isang lumang SUV na pansamantalang nakatambak sa gilid ng highway pasado alas-11:00 ng gabi.

Ayon pa sa imbestigasyon, nakainom umano ang dalawang biktima at walang ilaw ang sinasakyang motorsiklo nang mangyari ang insidente.

Isinugod ang mga ito ng nagrespondeng mga tauhan ng Sariaya at Lucena MDRRMO sa Lucena United Doctors Hospital ngunit parehong idineklarang dead on arrival ang mga ito. (NILOU DEL CARMEN)

144

Related posts

Leave a Comment