2 SANGKOT SA DROGA ARESTADO

ARESTADO ang isang obrero at vendor na sideline umano ang pagtutulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief, Col. Rolando Balasabas ang arestadong mga suspek na sina Edwin Decin, 38, at Marlon Castañada, 43, kapwa ng Brgy. San Roque.

Ayon kay Col. Balasabas, alas-7:00 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez, ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Kapalaran 3, Brgy. San Roque.

Agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na umaktong poseur buyer kapalit ng P300 marked money.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 1.25 gramo ng hinihinalang shabu na P8,500 ang halaga, at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)

180

Related posts

Leave a Comment