(NI NICK ECHEVARRIA) HINDI dapat paniwalaan ang mga kumakalat na mga text messages at sa social media ‘news’ kaugnay sa parating na magnitude 8.1 na lindol sa bansa. Ito ang binigyang-diin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ang paliwanag na hindi sa kanila nanggaling ang ipinadadalang mga advisory. Ayon sa ahensya tanging ang “NDRRMC” account lamang ang kanilang ginagamit at hindi ang alin mang mobile numbers. Hinihikayat din ng NDRRMC ang publiko na huwag maniwala sa mga kahinahinalang text messages at iwasang mag-like, mag-share o mag-forward…
Read MoreMonth: April 2019
LGUs KINALAMPAG SA LOCAL DISASTER FUND
(NI NOEL ABUEL) IPINATITIYAK ni Senador Sonny Angara sa mga local government units (LGUs) sa bansa na nagagamit ng tama ang kanilang local disaster funds para matiyak na makaaabot ito sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad. Ito ang hiling ni Angara sa mga alkalde sa buong bansa na agad na matulungan ang nangangailangan. “It is always better to be prepared than hope for the best and deal with the consequences after disaster strikes. LGUs should not hesitate to spend their calamity funds for disaster preparedness,” sabi ng senador. Tugon…
Read MoreMAYAYAMAN SA MARAWI PINATUTULONG SA REHAB
(NI CHRISTIAN DALE) HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mayayayamang negosyante ang rehabilitasyon ng Marawi City na binomba at sinira ng giyera upang magtuluy-tuloy ang pagbangon ng siyudad. Naglaan ang pamahalaan ng P67.99 billion para sa Marawi rehab na nagsimula noong October 2018. Inamin din ni Duterte na hindi kaya ng gobyerno na ibalik ang dating Marawi City kaya’t hinimok niya ang mga may kayang mamamayan na makiisa sa pagbangon. Kaya nga, ipauubaya na niya ang tulong sa mga mayayamang negosyante sa Marawi City na gastusan ang rehabilitasyon ng lungsod…
Read MoreWB: EKONOMIYA NG PINAS, MALAGO
(NI MAC CABREROS) NANANATILING maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, ayon sa World Bank. Sinabi ng World Bank na nasa 6.4 porsiyento ang economic growth ng Pilipinas ngayong taon na mas maganda ang takbo kumpara noong nakaraang taon na 6.2 porsyento. Ngunit haharap sa matinding pagsubok ang paglago ng ekonomiya, diin ng World Bank. “Key domestic risks come from the delayed implementation of the public infrastructure investment projects, partly caused by delayed 2019 budget approval, and policy uncertainty over tax reform programs that could prolong weakened investor…
Read MoreMULTA NG MANILA WATER IBIGAY DAPAT SA CONSUMERS
(NI BERNARD TAGUINOD) IKINATUWA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapataw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng P1.3 bilyong multa sa Manila Water bilang parusa sa krisis sa supply ng tubig sa kanilang mga customers noong nakaraang buwan. Gayunman, sinabi nina Bayan chair Nerie Colmenares at Rep. Carlos Zarate na ang perang ito ay dapat direktang mapakinabangan ng mga apektadong consumers ng Manila Water dahil ang mga ito ang nagdusa. “Ang mga consumer ng Manila Water ang nagdusa at napagastos nang mawalan ng tubig mula Marso. At sa katunayan…
Read More1.5-M CHINESE ‘TOURISTS’ DARAGSA SA ‘PINAS
INAASAHAN ng Chinese Embassy ang pagdagsa ng may 1.5 milyong Chinese tourists sa bansa ngayong 2019. Sa 29.6 porsiyentong pagtaas ng pagdating ng mga Chinese, ang mga ito na umano ang ikalawang lahi na turistang dumaragsa sa Pilipinas, ayon kay Chargé D’affaires Ad Interim Tan Qingsheng. Sinabi nito na kada linggo ay 300 flights ang dumarating sa pagitan ng dalawang bansa. Idinagdag ng Chinese official na ito ay nangangahulugan ng kita ng Pilipinas ng halos P32 bilyon sa ekonomiya. Nasa 1.2 milyong Chinese ang bumisita sa bansa noong nakaraang taon…
Read MoreDISASTER DEPARTMENT HILING ITATAG SA GITNA NG KALAMIDAD
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang sunud-sunod na paglindol sa Luzon at Visayas region, lalong kailangan na magkaroon na ng isang departamento na tututok sa paghahanda at pagtugon sa lahat ng mangyayaring sakuna o kalamidad sa bansa. Ito ang panawagan ni House committee on disaster management chairperson Geraldine Roman, matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon noong Lunes at magnitude 6.5 sa Visayas noong Martes. Ayon kay Roman, naipasa na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbassa noong nakaraang taon pa ang House Bill (HB) 8165…
Read MoreLINDOL SA LUZON, VISAYAS ‘DI MAGKA-UGNAY
(NI DAHLIA ANIN) KAHIT halos magkasunod ang lindol na nangyari noong Lunes sa Luzon at Martes sa Visyas ay wala itong kaugnayan, ayon sa Philippine Volcanology and Seidmology (Phivolcs) kasabay ng pagpapaalala ng kahandaan ng publiko dahil sa mga naitalagang aftershocks. Ayon sa Phivolcs, local fault ang gumalaw kaya’t nagkaroon ng lindol sa Zambales. Malaki ang naging pinsala nito sa ibabaw ng lupa dahil mababaw lamang ang gumalaw na fault. Marahil ay nakaapekto umano ang mabuhanging lupa sa Porac, Guagua at Lubao, Pampanga kaya mabilis itong bumigay at gumalaw. Idinagdag…
Read MoreYELLOW, RED ALERT NA NAMAN SA LUZON
(NI DAHLIA S. ANIN) PINAGHAHANDA ang mga residente ng Luzon dahil maaring magkaroon ng mga power interruption ngayong araw ng Miyerkoles, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ipatutupad ang yellow alert sa Luzon ngayong araw ng Miyerkoles mula alas 8:00 hanggang alas 10:00 ng umaga, alas 4:00 hanggang alas 6:00 naman sa hapon at alas 7:00 hanggang alas 11:00 ng gabi. Nasa red alert naman mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon. At alas 6:00 hanggang alas 7:00 ng gabi. Sinabi ng NGCP na…
Read More