PINOY SA TRIPOLI PINAUUWI NA SA PINAS

tripolo12

HINIMOK ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho sa loob ng 100-kilometer radius ng Tripoli na umuwi na ng Pilipinas sa harap ng tumataas na tensiyon malapit sa sentro ng Libya. Sa statement na inisyu nitong Lunes, sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na hinihimok niya ang mga kababayan doon na pag-aralan ang pag-uwi na lamang dahil sa umiinit na labanan malapit sa kapital ng Libya. Tiniyak naman ni Cato na tutulungan nila ang mga Pinoy na gusto nang umuwi ng bansa. Gayunman, ang mga magpapaiwan…

Read More

AFP, PNP ‘WAG SUMAWSAW SA POLITIKA

BAGO TO

Mahalaga ang propesyonalismo sa serbisyo para sa ating uniformed personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) gayundin sa iba pang sangay ng seguridad. Pero sadyang mayroon talagang ilang bugok sa hanay na kung hindi agad maihiwalay ay malamang damay ang iba pa sa kanilang kabuktutan. Kinang ng salapi ang sumisira sa propesyonalismo, pero iilan lang naman ang nabibiktima nito. Mas marami pa rin ang tapat sa kanilang tungkulin na sundalo at pulis. Isang halimbawa ay ang agarang aksyon ni PNP chief General Oscar Albayalde…

Read More

ARABONG MAY-ARI NG ALLIED INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES, WALANG MALASAKIT? POEA AT OWWA TINATAWAGAN NG PANSIN

BANTAY OFW

Nakatanggap ako ng sumbong mula sa apat na­ting mga kabayani na sina Gina Lanasa, Nasrene Pahuyo, Jonalyn  Formalejo at Elma Co­ralde na nasa Al Madinah, Saudi Arabia. Silang apat ay dineployed ng Allied International Manpower Services Inc. na pag-aari pa naman din ng isang Saudi national na si Salman Al Swelem. Ayon sa sumbong ng apat na kabayani ay ni-recruit sila ng nasabing ahensya bilang kasambahay, ngunit pagdating nila sa Saudi Arabia ay ginawa silang cleaner sa King Fish Restaurant. Ang masaklap sa kanilang dinaranas ay hindi sila binibigyan ng sweldo sa…

Read More

ICE SEGUERRA NAIRITA NANG TAWAGING ‘WIFE’ NI LIZA DINO

ICE SEGUERRA12

(NI KC GUERRERO) TABLA sina Sylvia Sanchez (Jesusa) at Angela Cortez (Jino To Mari) bilang Best Actress sa awards night ng 5th Sinag Maynila indie filmfest na ginanap noong Linggo ng gabi, Abril 7, sa Conrad Hotel. Nang tawagin ang mga pangalan nila, lumapit si Sylvia kay Angela at magkahawak-kamay silang umakyat sa entablado. Naunang nag-acceptance speech si Angela, na nagsabing hindi siya nag-expect na manalo. “Congrats, Angela,” sambit naman ni Sylvia nang ipasa ni Angela ang mic sa kanya. Pahayag ni Sylvia, “Honestly, sa maniwala ho kayo o sa…

Read More

HINDI PAPATULAN NG MAKABAYAN ANG PAKANANG DEBATE NI GEN. PARLADE

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Matagal nang binabato ng putik ang mga kinatawan sa Kongreso mula sa Makabayan ukol sa pagi­ging rebeldeng komunista umano ng mga ito, at hindi na bago ang hamon ni General Antonio Parlade ng isang debate. Ilang beses nang napatunayan sa mga korte na hindi totoo at walang batayan ang akusasyon na ang Bayan Muna at iba pang mga progresibong partido sa ilalim ng Makabayan ay mga rebelde na nais pabagsakin ang gobyerno. Kung ating maaalala noong 2006, kinasuhan ng rebel­yon ang mga kinatawan ng Makabayan sa Kongreso ngunit ito ay…

Read More

KONSULADO NG CHINA PUPUNUIN NG PHL FLAG 

china 12

(NI BERNARD TAGUINOD) PAMUMUTIKTIKIN ng bandila ng Pilipinas ang China Consulate sa Makati City, Martes sa malawakang kilos protesta kaugnay pananakop ng nasabing sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Pinagdadala ng mga militanteng mambabatas ang mga Filipino na lalahok sa kilos-protesta na magdala ng bandila at magsuot ng pula,asul at puti upang maipakita ang pagkakaisa laban sa pananakop ng China sa teritoryo. May hastag na “AtinAngPinas” ang kilos-protesta na itinaon sa Araw ng Kagitingan kung saan ginugunita ang kabayanihan ng mga Filipino na nakipaglaban sa mga mananakop sa…

Read More

BAGONG XIAN LIM-KIM CHIU TELESERYE ‘TINITIMPLA’ NA

(NI JONATHAN ANG) MAY tinitimplang bagong teleserye for Xian Lim at Kim Chiu ang ABS-CBN na nahahawig ang kwento sa blockbuster Hollywood movie na Crazy Rich Asians. Huling pagtatambal sa soap nina Xian at Kim ‘yung TV romantic drama series na “Story Of Us” na umere sa Kapamilya Network nu’ng 2016 pa. Kaya ganu’n na lang ang pagkatuwa ng loyal KimXi fans na magkakaroon uli ng bagong project together ang dalawa after three years. Siyempre pa, worried o malungkot ang kanilang mga tagahanga sa posibilidad na mabuwag ang pinakatatangi nilang…

Read More

KAWALAN NG TRAINED LIFEGUARDS, FIRST AIDERS TUTUTUKAN

drowning12

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL summer season asahan na ang pagdagsa sa mga beach resorts at mga swimming pools, subalit babala ng isang mambabatas, kapos ang mga beach resorts sa mga trained lifeguards at first aiders. Ayon kay Iligan Rep Frederick Siao, batay umano sa datos ng World Health Organization ay nasa 372,000 kada taon ang namamatay sa buong mundo dahil sa pagkalunod. Bunsod nito, umapela ang mambabatas sa mga Local Govenment Units, Department of Tourism, at Department of Interior and Local Government(DILG) na tingnan ang mga nasasakupan nilang beach resorts…

Read More

5 US SENATORS INUPAKAN SA PANGHIHIMASOK SA ‘PINAS

DELIMA123

(NI BETH JULIAN) INAKUSAHAN ng Malacanang ng tahasang panghihimasok sa pamamalakad ng katarungan sa bansa ang resolusyon ng limang senador ng Estados Unidos. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala sa lugar ang resolusyon ng limang US senators na humihiling na palayain na si Senadora Leila de Lima at ibasura ang kaso ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa, gayundin ang pagsusulong ng imbestigasyon ng international community laban sa umano’y kaso ng extra judicial killings (EJK)  sa bansa. Ayon kay Panelo, nalilimutan ng limang dayuhang senador na ang Pilipinas ay…

Read More