(Ni FRANCIS SORIANO) LALO pang lumobo sa 205,275 ang mga bakanteng pwesto sa pamahalaan na kinabibilangan ng mga Department of Education, Department of Finance at Department of Health, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) Dahil dito ay isinisi ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na standard na ipinapatupad ng ilang ahensiya ng gobyerno kaya nagkakaroon ng maraming bakanteng trabaho. Ayon kay CSC chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, panahon na para magbalik- tanaw o kailangan ng rebisahin ang minimum standard qualifications sa mga aplikante para mapunan ang mga bakanteng posisyon.…
Read MoreMonth: April 2019
PITONG ULO
Ang unang ulo ng demonyo ay ang kahirapan at kagutuman, nagpapahirap sa mamamayan, nang-aalipin sa kanilang mga katawan at kaluluwa. Mailap ang saya, malapit masyado ang suliranin, hinahamak ang dignidad, tinatawanan ang katuwiran. Ang bansa ay parang isang ibon na inilagay sa isang hawla, isang sistema na inimbento ng mga nangolonisa at ipinagpatuloy ng oligarkiya upang magpatuloy ang paghahari at masiguradong mapapalamon nito ang sariling pagkaganid magpa-walang-hanggan. Sinisigurado ng sistema na gutom ang tao, na mananatiling sadsad at nahihintakutang nagpupugay sa oligarkiya. Ang ikalawang ulo ng demonyo ay ang pambansang…
Read MoreMAY PAGKAKAIBA BA ANG COLORED PLASTIC BAG AT PLASTIC LABO?
Ano ang pagkakaiba ng mga colored plastic bag at supot kaysa plastik labo na karaniwang ginagamit natin bilang pambalot ng pagkain, paninda at iba pang paggagamitan nito. Ang katanungang ito ay nabuo sa isip natin dala na rin sa nakikita nating mga nagkalat at naglilipanang gamit ng mga plastik labo sa mga basurahan, lansangan, sa daluyan ng mga tubig at sa kung saan-saan na nadadaanan natin na dati ang nakikita natin ay may iba’t ibang kulay na plastik. Kung matatandaan na taong 2012 kauna-unahang nagpasa ng ordinansa ang Muntinlupa City…
Read MoreHUWAG NA SANANG BUMALIK ANG M/V EMERALD
Mabuti naman kung hindi na matutuloy ang dredging project sa Lobo, Batangas at hinarang na ito ng lokal na pamahalaan doon. Ito kasi ang pinakahuling ulat sa ngayon na alam natin, na kahit paano ay lulusaw sa pangamba ng mga residente ng Lobo. Kahit papaano ay makakahinga na ang mamamayan ng Lobo at may kapanatagan na rin ang bansa. Gayunman, dapat alerto at nakahanda pa rin tayo sa anumang puwedeng mangyari dahil maaaring bumalik ang foreign dredging vessel na M/V Emerald at magpatuloy ito sa kanilang layunin. Nilisan ng dredging vessel ang naturang lugar…
Read MoreDAGDAG-PRESYO MATAPOS ANG KAKARAMPOT NA ROLLBACK
(NI ROSE PULGAR) NITONG nakaraang Martes ay kakarampot lamang ang ipinatupad na rollback, sa susunod na linggo ay mayroon na namang inaasahan taas-presyo sa mga produktong petrolyo. Sa pagtaya ng Jetti Petroleum batay sa naging trading mula Lunes hanggang Huwebes, nasa P0.25 kada litro ang itataas ng presyo ng gasoline habang sa diesel naman ay posibleng madagdagan din ng P0.15 kada litro. Wala naman inihayag kung may pagtaas sa presyo ng kerosene. Ang pinal na presyo ng itataas ng petrolyo ay depende sa naging resulta ng trading kahapon Posibleng ngayong…
Read More18 BI EMPLOYEES SA ‘EXTORT TRY’ SA 15 KOREANS SUSUSPINDEHIN
(NI FROILAN MORELLOS) NAGPALABAS ng suspension order ang Department of Justice (DoJ) laban sa 18 empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa pagkakasangkot ng mga ito sa extortion attempt sa Angeles, Pampanga nitong nakalipas na buwan. Ito ay makaraang maghain ng reklamo ang 15 Korean national sa opisina ni Pangulong Rodrig0 Duterte at sa DoJ na may kinalaman sa panghihingi umano ng pera sa mga biktima ng mga tauhan ng intelligence department ng Bureau of Immigration . Bukod sa kasong kriminal na ihahain sa korte, kakaharapin pa ng mga suspek…
Read MoreMMDA MAGIGING AKTIBO SA ANTI-JAYWALKING ORDINANCE
(NI ROSE PULGAR) NAKATAKDANG magpa-deputize ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lokal government unit sa Metro Manila para sa panghuhuli ng mga traffic violator lalu na sa anti-jaywalking. “If we are already deputized by the local government units in Metro Manila, that’s the time that we can start apprehending traffic violators not only for jaywalking,” pahayag ni MMDA Traffic Czar Bong Nebrija. Kung kaya’t sasailalim pa rin sa pagsasanay ang ilang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga na-deputize. Ang naging pahayag ni Nebrija ay bunsod sa MMDA Resolution No.…
Read MoreDFA SA MGA PINOY: ‘WAG PASAWAY SA TRIPOLI
(NI DAVE MEDINA) PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga nakabakasyong Filipino rito sa bansa na huwag na munang bumalik sa Tripoli, Libya dahil sa tumitinding kaguluhan ngayon sa nasabing bansa. Kasabay nito ay pinag-iingat na mabuti ngayon ng DFA ang mga Filipino sa 100 kilometrong radius ng kapitolyo ng Tripoli dahil sa lumalalang tensyon doon. Pinaalalahanan din ang mga Pinoy na huwag lumapit sa kaguluhan. Ipinaalala rin ang kahilingan ng Philippine Embassy sa Libya sa may 1,000 Filipino naninirahan sa Tripoli na manatili muna sa kanilang mga bahay, iwasan…
Read MoreNCRPO NASA FULL ALERT SA SEMANA SANTA
(NI DAVE MEDINA) ILALAGAY SA full alert ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Guillermo Eleazar ang lahat ng pulis sa Kalakhang Maynila sa panahon ng Semana Santa. Ayon kay Eleazar, kasalukuyang nasa heightened alert status ngayon ang NCRPO Philippine National Police (NCPO-PNP) at gagawing full alert sa Mahal na Araw hindi dahil may nagbabantang panganib kundi dahil inaasahan nilang ang mga terminal ng bus at iba pang lugar hintayan ay mapupuno ng mga taong uuwi ng probinsya kaya kailangan ang dagdag na proteksyon sa ating mga kababayan.…
Read More