10-K LUMANG PHL FLAGS PAPALITAN

flags

(NI BETH JULIAN) NASA 10,000 mga lumang Philippine flag ang nakatakdang palitan ng bago bilang bahagi ng pagdiriwang Heritage Month sa Mayo. Sinabi ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) chairman Rene Escalante,  may kasunduan silang ipinasok sa pagitan ng NHCP, Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG) at isang foundation na layuning mamahagi ng mga bagong watawat sa mga public elementary schools sa buong bansa. Ayon kay Escalante, napansin nila na walang masyadong pondo ang Department of Education (DepEd) para palitan ang mga lumang…

Read More

ROTC CADETS SASANAYIN SA DISASTER MANAGEMENT

rotc

(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI ng isang minority congressman na sanayin din ang mga  Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Cadets sa disaster management upang makatulong ang mga ito sa panahon ng kalamidad. Ginawa ni House assistant minority leader Salvador Belaro Jr., ang mungkahi sa gitna ng sunud-sunod na lindol na naranasan sa iba’t ibang panig ng bansa sa mga nakaarang mga araw. “Kasama rin dapat ang disaster management sa mga itinuturo sa ROTC. Iyang ROTC, hindi iyan dapat puro martsa at pagbibilad sa araw. Civic duty and responsibility dapat ang focus niyan,” ani…

Read More

2 LOKAL NA OPISYAL DINAMPOT SA MOISES PADILLA AMBUSH

moises12

ARESTADO ang dalawang lokal na opisyal ng Moises Padilla town sa Negros Occidental dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa ambush na ikinamatay ng isang konsehal at tiyuhin nito noong Huwebes. Dalawang kaso ng murder ang isinampa laban kina Councilor Agustin Grande, ng  Moises Padilla town at Joe Cesar, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team, ayon kay Police Capt. Junji Liba, Moises Padilla police chief Itinanggi ni Grande ang pagkakasangkot sa pagkamatay ni reelectionist Moises Padilla Councilor Michael Garcia at tiyuhin nito na si Mark Garcia. Inaresto ang dalawa matapos ituro…

Read More

NEGOSYANTE NG PEKENG SIGARILYO ‘SWAK’ SA P3.4-B TAX EVASION

bir18

Ni NELSON S. BADILLA SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyanteng nakabase sa Pangasinan dahil sa hindi pagbabayad ng P3.4 bilyong excise tax mula sa pagnenegosyo ng pekeng sigarilyo simula noong 2013. Isinampa ang kaso laban kay Danilo Calugay makaraang madiskubre ng BIR na ang kanyang negosyong pagawaan ng mga pekeng sigarilyo sa Bugallon at Magaldan (parehong mga bayan sa Pangasinan) ay “hindi rehistrado,  hindi nagpasa ng excise tax returns [sa BIR], pagkakaroon ng mga artikulong kailangang bayaran…

Read More

KAPILYA NG INC PINAGBABATO NG MGA LASING; KAPITAN, IBA PA LUMABAG SA R.A. 8749, R.A. 9514

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, pakikalampag naman po ang kapulisan ng Nabua Camarines Sur. Dahil nagulat na lamang kami habang nagsasagawa po kami ng panata nang paulanan ng mga bato ang loob ng a­ming kapilya rito sa Nabua, CamSur. Nang silipin po namin kung sino ang mga ito, nakita namin na may mga dalang itak at mga lasing na kinilalang mga pamilya ng Villa­mero, Ani at Mina. ‘Yong isa ay isang alyas Akoy. Sila ay mga kilalang siga po sa aming lugar, katuna­yan iyong isa naming may tungkulin na dumaan lang sa harapan ng…

Read More

MAS LUMAKAS ANG EKONOMIYA SA MGA REHIYON PERO MANIPIS PA RIN ANG ATING PITAKA

USAPANG KABUHAYAN

Naging mas malakas noong 2018 ang mga negosyo at kabuhayan sa mga rehiyon ng Pilipinas sa pangunguna ng Bicolandia na nagtala ng pinakamala­king antas ng paglaki ng ekonomiya nito. Pero ang National Capital Region o Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon pa rin ang may pinakamalaking kontribusyon sa buong ekonomiya ng ating bansa dahil halos kalahati ng kita ng buong bansa ay nangga­ling sa tatlong rehiyon na ito nu’ng isang taon. Sa pinakahuling balita ng Philippine Statistics Authority (PSA), naging lider ang Bicolandia kung tutuusin ang 8.9 porsyento na paglaki…

Read More

SALAULA TAYONG MGA PINOY 

BAGWIS

(HULING BAHAGI) Nitong nakaraang kolum natin ay ikinuwento natin ang kawalan ng disiplina ng ilan sa ating mga kababayan sa bayan ng Sagada. Ito ‘yung mga naninigaril­yo kahit sa pampublikong lugar at mga nagtatapon ng basura kung saan-saan sa halip na ilagay ito sa tamang lagayan. Ganitung-ganito rin ang ating obserbasyon sa isla naman ng Bantayan sa lalawigan ng Cebu. Pasimuno ang ating mga kababayan sa pagiging salaula. Ang nakakalungkot ay napakaganda nitong Bantayan. Pino at maputi ang mga dalampasigan at napakarami ang maaaring pasyalan maliban pa sa mga inaalok…

Read More

COMELEC NAGDAGDAG NG PONDO SA ABSENTEE VOTERS

COMELEC12

(NI HARVEY PEREZ) BINIGYAN ng karagdagang pondo ng Commission on Elections (Comelec) ang Overseas Absentee Voting (OAV) na gagamitin sa postal service ng mga balotang hindi pa naipadadala. Ito ang kinumpirma ni Comelec Comm. Rowena Guanzon  kung saan aprub na sa Comele en banc ang paglalaan ng karagdagang pondo para sa OAV. Una nang nagamit ng Ccomelec ang ibang bahagi ng pondo ng OAV pero hindi umano ito naging sapat dahil gumagastos din ng milyun-milyon ang poll body sa pagpapadala ng mga balota. Kasabay nito,sinabi ni Guanzon na walang dapat…

Read More

LOW WATER LEVEL SA ANGAT DAM TATAMA NA SA LINGGO

angatdam12

(NI ABBY MENDOZA) PAGDATING ng araw ng Linggo ay inaasahan ng National Water Resources Board (NWRB) na tatama na sa 180 meter low water level ang antas ng tubig sa Angat dam. Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nitong Biyernes ay nasa 180.73 meter mark na ang Angat dam kaya pagsapit ng Linggo ay aabutin na nito ang low level na 180 meters. Aminado ang NWRB na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng tubig at sa kanilang pagtanya, pagsapit ng buwan ng Mayo ay aabot na ito sa 170 meter.…

Read More