MAY mga nakukuhang impormasyon ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent na marami sa mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa ating bansa ay mga walang silbi sa China. Parang noong panahon ng Kastila na ang mga Espanyol na nasa Pilipinas na kanilang sinakop ay mula sa mga mahihirap na probinsya sa Espanya at sinasabing ‘patapon’ din sa kanilang bansa at walang oportunidad kaya ipinadala nila sa ating bansa. Pagdating ng mga Espanyol na ito sa Pilipinas naging powerful samantalang noong nasa Espanya ay sila…
Read MoreMonth: February 2020
Alab Pilipinas naka-2 sa Saigon Heat; FIELDS IPINALIT KAY DEGUARA
IBINUHOS ng San Miguel Alab Pilipinas ang ngitngit nito mula sa 80-92 loss sa Malaysia, nang hambalusin ang Saigon Heat, 99-79, Linggo ng gabi sa Sta. Rosa Multi Purpose Sports Complex sa Laguna. Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Alab laban sa Saigon Heat matapos ang kanilang unang paghaharap noong Pebrero 9 (82-75). Ang Alab ay may 10-6 win-loss card na ngayon sa 2019-2020 Asian Basketball League (ABL). Dalawang import lang ang lumaro sa Alab, matapos na bigo pa rin si Brgy. Ginebra resident import Justin Brownlee na makabalik…
Read MoreTUGAWIN SA STAGE 2, BORDEOS SA OVERALL
LEGAZPI, Albay – Inangkin ni Tarlac Central Luzon team captain Ryan Tugawin ang panalo sa 154.5 kilometrong Stage 2 ng Ronda habang napanatili ni Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop Army ang kapit bilang overall leader. Ito ang kaganapan sa 10-leg 2020 LBC Ronda Pilipinas na nagsimula sa Sorsogon. Nagawang makalusot ng 30-anyos mula Solano, Nueva Viscaya na si Tugawin mula sa malaking pulutong ng mga siklista na halos sabay-sabay na tinawid ang finish line. “Medyo nakalusot mula sa likod. Nakatutok lang po ako. Si George po umatake na. Hinabol…
Read MorePETECIO, DIAZ; 12 PA PSA MAJOR AWARDEES
PANGUNGUNAHAN nina boxer Nesthy Petecio at weightlifter Hidilyn Diaz ang 12 tatanggap ng major awards sa annual SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Ipiprisinta ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, Rain or Shine, at Air Asia, sina Petecio at Diaz ay miyembro rin ng Team Philippines na tatanggap ng pinamataas na karangalan bilang Athlte of the Year, bunga ng overall championship finish sa nakaraang 30th SEA Games. Si Petecio, 27, ay wagi ng featherweight gold sa AIBA…
Read MoreGILAS, IMPRESIBO SA PANALO
Indonesia pinahirapan “THE future of Philippine basketball is bright.” Ito ang masayang pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa panalo ng Gilas Pilipinas kontra Indonesia, 100-70, sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers. “What we saw in the game against Indonesia was just a glimpse of what could be and we’re all excited to explore what’s next in the development of our young players and the whole team,” pahayag pa ng SBP. Bumida si Thirdy Ravena para sa Gilas nang umiskor ng 23, kabilang ang tatlong triples,…
Read MoreBUCKS UMABANTE SA NBA PLAYOFFS
PASOK na sa National Basketball Association (NBA) playoffs ang Milwaukee Bucks. Nabatid na Milwaukee ang team na pinakamabilis na nakarating sa playoff berth sa loob ng 15 taon, ayon sa Elias Sports Bureau research. Mayroon pang 55 araw bago ang NBA postseason. Sa ngayon ay may 48-8 record ang Bucks at nasa tamang direksyon na makaabot sa 70 games na panalo. Tanging 1995-96 Chicago Bulls ang NBA team na nakapagtala ng 72 wins, na hinigitan ng Golden State Warriors (73 wins) noong 2015-16 season. Ang Bucks, nangungunang team sa NBA…
Read MoreHABAL-HABAL DRIVER PATAY SA AKALA’Y PASAHERO
AGUSAN – Patay ang isang habal-habal driver makaraan parahin bago pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang matapos manggaling sa palengke ng Agusan del Norte, iniulat kahapon ng umaga. Ang biktimang si John Rey Rabadan, 25, ng Kabayawa Poblacion, Carmen, Agusan del Norte, agad namatay matapos magtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan. Base sa imbestigasyon, minamaneho ni Rabadan ang kanyang habal-habal kasama ang kanyang 3-anyos na pamangkin bandang alas-10 sa District Dagohoy, Barangay Poblacion nang parahin ng isang lalaki. Isinakay ni Rabadan ang lalaki bago ibinaba…
Read MoreSA PAGDINIG SA ABS-CBN FRANCHISE CAYETANO SINUPALPAL SA SENADO
MISTULANG sinupalpal si House Speaker Alan Peter Cayetano nang sabihin ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na hindi paglabag sa Saligang Batas ang isasagawang pagdinig ng Senate committee on public services hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation kahit wala pang inaprubahang panukala sa mababang kapulungan. Sa pahayag, sinabi ni Angara na matagal nang kalakaran sa Kongreso na isinasagawa ang pagdinig sa anomang panukala tulad ng pambansang badyet kahit hindi pa naihahain sa mataas na kapulungan ang General Appropriations Bill (GAB). “There is no violation of the Constitution with regard to…
Read MoreDITO TELECOM. MASOSOLO NG CHINA
HINDI malayong solohin na ng China ang Dito Telecommunity kapag tuluyang naamyendahan ang Public Service Act na magbibigay ng 100% ownership ng mga dayuhan sa mga negosyo sa bansa. Ito ang pinangangambahan ni ACT party-list Rep. France Castro kaya kontra ang mga ito sa nasabing panukala na nakatakdang pagtibayin ng Kamara ngayong linggo sa ikatlo at huling pagbasa. Sa ngayon, ang Dito Telecom na pinapasok ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang third player sa telecom industry ay 40% pag-aari ng China Telecom habang 60% ang pag-aari umano ng Udenna Corporation at…
Read More