PNP, NBI, BI PINAKILOS VS CHINESE SYNDICATE

IPINATUTUGIS ni Senador Sherwin Gatchalian sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang mga Chinese syndicate na nambibiktima sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Pangamba ng senador na posibleng ang mga Filipino ang susunod na magiging biktima ng mga Chinese syndicate sa likod ng POGO industry sa bansa. Ang pagkabahala ng mambabatas ay kaugnay sa sunud-sunod na insidente ng pangingidnap ng mga sindikatong ito sa mga kapwa nila Chinese na nagtatrabaho sa POGO. Aniya, maaaring ang mga Pinoy na…

Read More

GORDON ‘SASAWSAW’ NA SA PASTILLAS PROBE

SEN RICHARD GORDON

PAPASOK na rin si Senador Richard Gordon sa pag-iimbestiga sa nakikitang anomalya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa pamamagitan ng Senate Blue Ribbon Committee. Sa pahayag, sinabi ni Gordon na anomang oras, puwedeng magsagawa ng imbestigasyon ang Blue Ribbon hinggil sa sinasabing “pastillas” scheme sa airport na maluwag na nakapapasok ang kriminal mula mainland China kapalit ng malaking halaga. Aniya, sasanib-puwersa na siya sa pag-iimbestiga ng anomalya sa POGO sa isinasagawang imbestigasyon ni Senador Risa Hontiveros hinggil sa prostitusyon at iba pang krimen tulad ng human trafficking…

Read More

PANGGUGULANG SA BAYAN TAPUSIN NA – DEFENSOR OLIGARCH HABULIN SA P95-B UTANG

NAIS ng ilang mambabatas na obligahing magbayad ng pagkakautang ang malalaking kumpanya. Kaya naman sinabi ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na tutulungan nila sa Kongreso ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) na masingil ang mga negosyanteng magpapahirap sa taumbayan dahil sila ang papasan sa hindi mababayarang pagkakautang ng mga ito. Wala umanong planong manahimik ang ilang mambabatas sa mistulang panggugulang ng malalaking negosyante sa bansa, ani House committee on good government chairman Rep. Jose Sy- Alvarado na katuwang ni House committee on public accountability chairman Defensor sa…

Read More

LGUs PINAKIKILOS VS ASF

NANAWAGAN ang Department of Agriculture (DA) sa lahat ng local government units (LGU’s) sa bansa na makipagtulungan sa kanila para mapadali ang pagsugpo at maiwasan ang pagkalat pa ng African Swine Fever o ASF virus sa mga alagang baboy sa buong kapuluan. Ito ay matapos na kumpirmahin ng DA na umabot na sa lalawigan ng Camarines Sur ang nasabing virus sa maraming alagang baboy na isinailalim sa culling operation. Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na kailangan umanong mas higpitan pa ng LGUs ang pagpapatupad ng quarantine checkpoint sa lahat…

Read More

COVID-9 DEATH TOLL: 2,400

PUMALO na sa mahigit 2,400 ang namatay sa China nang dahil sa coronavirus (COVID-19) epidemic. May 96 katao mula sa Hubei ang nadagdag sa bilang ng mga namatay. Karamihan sa mga namatay base sa bilang ay mula sa Wuhan, kung saan nagmula umano ang sakit at unang natunton noong Disyembre. Mayroon na ring 630 na bagong kaso, kaya pumalo na sa mahigit 77,000 ang natamaan ng Covid-19 sa China. Kumalat na rin ang virus sa 25 bansa sa buong mundo kabilang sa Europe, Middle East at Asia maging sa US.…

Read More

KALUSUGAN PRAYORIDAD NI CONG. NOGRALES

ANG kalusugan ng mamamayan ang isa sa mga prayoridad ni Congressman Fidel Nograles, ng Rizal 2nd District. Kaya naman nitong nakaraang linggo ay dinaluhan ni Cong. Nograles kasama ni Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares bilang mga panauhing pandangal ang “inauguration and ribbon cutting ceremony” ng Montalban Dialysis Hub. Dumalo rin sa okasyon sina Josephine Dayao, isang Registered Nurse; Maria Carmela Javier, MD, DPPS, MHA Municipal Health Officer; Marissa Elizabeth Lardizabal-Lim, MD Nephrologist; Montalban Mayor Dennis Hernandez; Rev. Fr. Jeffrey Santos; Philippine National Police Provincial Director Sr. Supt. Renato Alba at…

Read More

MGA KORAP SA OPISINA NI MORENTE TIBA-TIBA P20-M KOLEKSYON ARAW-ARAW NI: NELSON S. BADILLA

NAIA-7

UMAABOT sa P20 milyon araw-araw ang nakukolekta ng mga korap na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kung pagsasamahing lahat ang ibinibigay ng mga Chinese sa kanila upang ‘malayang’ makapasok sa bansa, sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sinabi ni Immigration Officer 1 Allison Chiong sa pagdinig sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senadora Ana Theresia “Riza” Hontiveros nitong Huwebes na umaabot sa 2,000 ang pumapasok na Intsik sa bansa gamit ang NAIA. Ang impormasyon ni Chiong ay pagpapatibay at…

Read More

7 DRUG PEDDLER NALAMBAT

BULACAN – Natimbog ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Plaridel PNP ang pitong hinihinalang mga drug peddler, kabilang ang tatlong umano’y tulak na buhat sa Tondo, Manila, at siyang nagbabagsak ng shabu, makaraang kumagat sa apat na magkakasunod na buy-bust operation sa bayan ng Plaridel sa lalawigang ito, kamakalawa ng gabi. Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang mga arestado na sina Edgar Camua, at Rico Rial, kapwa nasa drug watchlist list ng Plaridel PNP; Evangeline Lazaro, 32;…

Read More

NANGUPIT NA KAHERA BUKING SA CCTV

CAVITE – Kung noong una ay umubra, nabuking sa pangalawang pagkakataon ang modus operandi ng isang 19-anyos na kahera na umano’y nabudol siya ng tinatayang P15,000 ngunit kinontra ito ng kanyang mga ikinilos na nakita sa footage ng Close Circuit Television (CCTV)  na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa bayan ng Naic sa lalawigang ito. Sinampahan ng kasong qualified theft ang suspek na si Maria Veronica Herbolingo, may live-in partner at residente ng B8, L15, Belmont Homes, Brgy. Halang, Naic Cavite, dahil sa reklamo ng kanyang amo na si Mercedes Famoso,…

Read More