NANAWAGAN si Senate Pro-Tempore Ralph Recto sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag nang hintayin ang liquidation report ng local government units (LGUs) bago ibigay ang 2nd tranche ng Social Amelioration Program sa mga nangangailangan. Giit ni Recto, sa mga ordinaryong pagkakataon, ang panuntunan sa pag-audit ay dapat na sundin nang mahigpit ngunit sa gitna ng pandemya, maaari itong luwagan. Sinabi pa nito na marami nang mamamayan ang wala nang pera at pag-asa at umaasa na lamang sa tulong pinansyal mula sa gobyerno. “Why should the people…
Read MoreMonth: May 2020
WILKINS VILLANUEVA BAGONG PDEA DIRECTOR GENERAL
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Wilkins M. Villanueva bilang Director General of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Pinalitan ni Villanueva si Aaron N. Aquino. May petsang May 22 ang appointment paper ni Villanueva. Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Malakanyang si Aquino para sa kanyang napakalawak na kontribusyon sa campaign against illegal drugs ng pamahalaan. Dahil sa magandang performance ni Aquino ay kaagad siyang binigyan ng bagong ‘assignment’ ni Pangulong Duterte sa Clark International Airport. Samantala, si DG Villanueva ay hindi na estranghero…
Read More143 BRGY. OFF’LS KINASUHAN SA SAP ANOMALY
UMABOT sa 143 barangay officials ang sinampahan ng kaso kaugnay sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) cash subsidy ng gobyerno, ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año nitong Martes. Sinabi ng kalihim, sa isinagawang Laging Handa public briefing, nakahain na sa piskalya ang mga kaso laban sa barangay officials na hinihinalang nakinabang sa SAP. Habang nagpasalamat si SILG Año kay Justice Sec. Menardo Guevarra sa pagbibigay prayoridad sa kanilang inihaing kaso kaugnay ng napabalitang anomalya sa SAP distribution. Nanawagan ang kalihim sa publiko na manatiling mapagmatyag…
Read MoreP20-B OWWA TRUST FUND, IBIGAY SA OFWS – FFW
INIHAYAG ng Federation of Free Workers (FFW) ang solidong suporta nito sa panawagan ni Senador Franklin Drilon na ipamahagi ang malaking bahagi ng P20 bilyong trust fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa milyun-milyong manggagawang Filipino na natigil ang pagtatrabaho dahil sa malawakang hagupit ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa iba’t ibang bansa. Banggit ng pangulo ng FFW na si Atty. Jose Sonny Matula sa manunulat na ito na, “Yes po. Agree kami sa panawagan ni Senador Drilon” na gamitin bilang suportang pinansiyal ang malaking bahagi ng P20 bilyong OWWA…
Read MoreBAGONG PETSA NG SCHOOL OPENING TATALAKAYIN SA SENADO
PORMAL nang binuksan sa Senado ang talakayan hinggil sa pagbubukas ng klase kontra sa itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 24 ngayong taon. Inihain ni Senador Win Gatchalian, na siyang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ang Senate Bill No. 1541 na naglalayong amiyendahan ang Section 3 ng Republic Act No. 7797 o “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days.” Sa ilalim ng naturang panukala, magkakaroon ang Pangulo ng…
Read MoreOFW ADVISORY COUNCIL SA LGU, NAPAPANAHON NA
MABUTI na lamang at inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapauwi ang mga stranded na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa quarantine facilities ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Halos araw-araw ay laman ng mga balita sa telebisyon, radyo, social media at mga pahayagan ang mga reklamo tungkol sa pagkainip ng mga OFW na nasa mga hotel. Maging ako ay araw-araw na tinatawagan ng ilang OFWs na humihingi ng tulong upang makakuha sila ng kanilang Covid Test Clearance. Target ng reklamo ang OWWA dahil akala ng mga nagrereklamo na OWWA…
Read MoreMGA EMPLEYADO NG ABS-CBN, BIKTIMA
MAITUTURING na biktima ang mga manggagawa ng Kapamilya Network sa pagkawala ng trabaho ng mga ito at kung tutuusin ay walang ibang dapat sisihin sa pagkapaso ng prangkisa ng nasabing kumpanya kung hindi mismong ABS-CBN at mga may-ari nito na pamilya Lopez. Paulit-ulit na nga nating nababasa sa diyaryo at internet at naririnig sa mga radyo at telebisyon ang mga balita na sa panahon pa ng kanilang kakampi na si dating Pangulong Noynoy Aquino ay alam na nilang kailangang isalang sa kongreso ang prangkisa upang ma-renew subalit mistulang nagkampante ang…
Read MoreMGA DRIVER SA BINANGONAN, GINAWANG ‘RUNNER’
RIZAL – Nakaisip ng paraan ang pamahalaang bayan ng Binangonan upang hindi ito tuluyang malugmok sa gitna ng patuloy na umiiral na general community quarantine. Sa isang pagpupulong ng mga lokal na opisyal ng kanilang bayan, napagkasunduan nina Mayor Cesar Ynares at mga bumubuo ng Sangguniang Bayan na gawing mga “kaagapay” ang mga sektor na lubhang naapektuhan ng tigil negosyo bunsod ng umiiral na GCQ sa buong lalawigan. Kabilang sa kanilang sinaklolohan ang mga drayber ng tricycle at mga habal-habal. Batay sa patakarang inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging…
Read MoreENGINEER, 2 PA TIMBOG SA ALAK
CAVITE – Nabuking ang kahon-kahon na alak na dala ng isang engineer at dalawang kasama nito sa isang checkpoint sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito. Nakakulong na sa Carmona Custodial Center ang arestadong mga suspek na sina Erwin Ariola, 30, engineer; Jerome Jamin, 42, treasury staff ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas, City, at Nilo Taro, 42-anyos. Ayon sa ulat ni P/Major Diana Del Rosario, hepe ng Carmona Municipal Police Station, dakong alas-12:00 nang madiskubre ng mga awtoridad sa checkpoint sa Governor’s Drive sa Brgy. Maduya ang kahong-kahong alak sa…
Read More