MAGSASAKA PINAG-DINNER BAGO ITINUMBA

DAVAO DEL SUR – Nalagutan ng hininga ang isang 23-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin sa kanyang bahay matapos maghapunan sa Brgy. Tagaytay sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jerwin Masamloc Tiban, may asawa, miyembro ng tribung B’laan. Ayon kay Major Jeffmar Tercero, hepe ng Magsaysay Municipal Police Station, isinugod ng kanyang mga kaanak ang biktima sa Viacrusis Medical Hospital ngunit idineklarnag dead on arrival. (DONDON DINOY) 209

Read More

2 TIRADOR NG MOTOR, NAPATAY SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang dalawang magnanakaw ng motorsiklo makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Pablo City sa lalawigang ito noong Lunes ng gabi. Kinilala ng San Pablo City police ang mga napatay na sina June Balaba Bernal, lider ng grupo, at John Lloyd Bernal, parehong residente ng Brgy. III-C ng nabanggit na lungsod. Batay sa report ng pulisya, ang nanlaban sa mga pulis ang mga suspek sa drug buy-bust operation sa San Ignacio, San Pablo City, na nagresulta sa kanilang pagkamatay. Nakuha sa mga suspek ang ilang sachet ng…

Read More

2 BIFF NALAGAS SA PHIL. ARMY

MAGUINDANAO – Patay ang dalawang kasapi ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos makasagupa ang mga tauhan ng Philippine Army 33rd Infantry Battalion sa checkpoint sa bahagi ng Barangay Tuka sa bayan ng Mamasapano sa lalawigang ito. Ayon sa Joint Task Force Central (JTFC), agad namataan ng mga sundalo ang paparating na tatlong armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo. Bago pa makarating sa posisyon ng mga sundalo ay agad silang pinaputukan ng mga bandido kaya nagkaroon ng maikling sagupaan. Nang humupa ang palitan ng putok ay dalawang bangkay ang natagpuan…

Read More

P40-M SHABU NASABAT SA BOHOL

BOHOL – Sa gitna ng pandemyang ng COVID-19 sa bansa ay tuloy pa rin ng counter illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency patunay ang mahigit P40 milyong halaga ng shabu na nasabat ng mga operatiba nito kasama ang Bohol Provincial Police Office sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan. Unang naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Sitio Antipolo, Brgy. Dampas, Tagbilaran City na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na mga suspek at nakumpiska ang dalawang kilo ng shabu na tinatayang P13.7 milyon ang market value.…

Read More

KASO NG COVID-19 SA PINAS, 14,669 NA

MAY nadagdag na naman sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Batay sa huling case bulletin ng Department of Health, umakyat na sa 14,669 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID- 19 bunsod ng 350 na bagong naitala. Sa data ng Health department, noong April 3 huling nakapagtala ng higit 300 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas sa loob ng isang araw kung saan pumalo ito noon sa 385. Ang mga gumaling naman ay nasa 3,412 na dahil sa nadagdag na 89 recoveries. Habang ang mga namatay ay nasa 886…

Read More

CLASS OPENING SA AGOSTO 24, TATALAKAYIN SA SENADO

BUBUSISIIN ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian kung nararapat bang buksan ang klase sa buong bansa sa Agosto 24 alinsunod sa itinakda ng Department of Education (DepEd), mayroon mang vaccine o wala. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on Basic Education, na kanyang inihain ang Senate Bill No. 1541 na may layunin na amyendahan ang Section 3 ng Republic Act No. 7797 o “an Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days.” Sa ilalim ng…

Read More

HOARDERS, PROFITEERS BINALAAN NI PDUTERTE

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga negosyante laban sa ‘profiteering at hoarding ng essential medical equipment’ habang nakikipaglaban ang bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Dahil dito, inatasan ng Pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) na tingnan ang alegasyon na ang local supplier ay nag-overprice ng COVID-19 testing kits and machines at naantala ang delivery ng mga medical equipment sa bansa. Sa public address ng Pangulo ay sinabi nito na ang hoarding ay ‘unacceptable act’ ng negosyante sa panahon ng pandemic. “Alam mo, itong mga p*t*ng*n*ng…

Read More

Mga pobre sapul na naman KWEK-KWEK, CAMOTE QUE, BUBUWISAN

PINALAGAN ng isang progresibong mambabatas ang panukala ni Albay Rep. Joey Salceda na buwisan ang mga junk food na pantawid gutom ng mahihirap habang pinababa naman ang buwis ng malalaking kumpanya. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, maituturing na isang “anti-poor” ang panukalang ito dahil wala na umanong ginawa ang gobyerno kundi buwisan ang mahihirap samantalang babawasan naman ang corporate income tax ng mayayaman. Inihalintulad ng mambabatas ang panukalang ito sa “ASIN Tax” na inatras ng gobyerno noong 17th Congress matapos palagan ng taumbayan dahil papatawan ng buwis…

Read More

ABS-CBN PAG-AARI NG KANO

HINDI Filipino kundi Amerikano ang may-ari at namahala sa ABS-CBN simula noong isoli ni dating Pangulong Corazon Aquino sa pamilyang Lopez ang nasabing network noong 1986. Ito ang isiniwalat ni House deputy speaker Rodante Marcoleta na siyang main oppositor sa aplikasyon ng nasabing network na bigyan muli sila 25 taong prangkisa, sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at good government and public accountability nitong Martes. Ayon kay Marcoleta, 1986 pa lamang ay nilabag na umano ng ABS-CBN ang Saligang Batas patungkol sa foreign ownership nang maging director…

Read More