Bully noon, api raw ngayon? ABS-CBN PATULOY SA ‘PAAWA’ EFFECT

MISTULANG ginamit ng pamunuan ng ABS-CBN ang Joint Hearing ng House committee on legislative franchise at good government and public accountability para magmukhang kaawa-awa ang mga ito. Sa opening statement ni Carlo Katigbak, chairman ng ABS-CBN, maramdamin itong humingi ng tulong sa kanyang kapamilya para makuha ang suporta ng kanilang mga congressman. “May mga nagsasabi sa social media na nagpapaawa lang kami. Sana po makausap nyo ang isang tatay o nanay na mawawalan ng hanapbuhay,” ani Katigbak dahil sa susunod na linggo aniya ay mapipilitan na ang mga ito na…

Read More

PATAS NA IMBESTIGASYON SA ‘OVERPRICED’ PPE, MAGANAP KAYA?

MAGANAP kaya ang panawagan ni Senador Franklin Drilon na imbestigasyong “patas” at “walang kinikilingan” hinggil sa binili ng Department of Health (DOH) na umano’y “overpriced” personnel protective equipments (PPEs). Ang pananaw ni Drilon ay may kinalaman sa pagsalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anomang pagkukulang o paglabag sa batas na nagawa ng DOH na pinamumunuan ni Dr. Francisco Duque III hinggil sa ‘napakamahal’ na PPEs. Sa kanyang ulat sa Kongreso nitong Mayo 25 hinggil sa kalagayan ng P275 bilyong pondong itinakda ng Bayanihan to Heal as One Law para ipambili…

Read More

‘DI PAG-RENEW SA PRANGKISA NG ABS-CBN, TAMA LANG – REP. MARCOLETA

NANINIWALA si House Deputy Speaker at SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na hindi dapat i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN dahil na rin sa mga paglabag nito. Sa joint hearing ng House committee on legislative franchises at House committee on good government and accountability, sinabi ni Marcoleta na may dahilan para hindi na i-renew ang 25 taong prangkisa ng giant TV network kung titignan ang “flagrant violations” nito. Sa kanyang halos kalahating oras na opening statement sa naganap na hearing ay inisa-isa ni Marcoleta ang mga paglabag ng TV network kabilang…

Read More

MONOPOLYO SA KURYENTE PINAPUPUTOL SA ERC

NANAWAGAN sina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares sa Energy Regulatory Commission (ERC) na putulin na ang monopolyo sa kuryente. Ito ay matapos iutos ng ERC ang pagsasagawa ng actual meter reading bago maningil sa mga consumer ng kuryente. “Many of us suffered electric bill shock when we received our electric bills recently. The order of ERC requiring Meralco to conduct actual meter reading before issuing electric bills is certainly welcome,” ayon kay Colmenares. Binigyang diin ni Colmenares, na…

Read More

PRRD, KINONTRA NI DUQUE

duque21

TALIWAS sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na ligtas nang buksan ang klase para sa school year 2020-2021 sa August 24. Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography, sinabi ni Duque na kailangan lamang tiyakin ng Department of Education (DepEd) na nakalatag ang minimum health standards tulad ng pagpapatupad ng physical distancing, palagiang paghuhugas ng kamay at regular na disinfection sa mga silid-aralan. Dapat din anyang may suplay ng alcohol at sanitizers ang mga paaralan bukod pa sa pagkakaroon ng thermal…

Read More

KASO NG ONLINE EXPLOITATION SA MGA BATA TUMAAS HABANG NAKA-LOCKDOWN

LUMOBO ang kaso ng online child exploitation habang nasa ilalim ng lockdown ang bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon sa Department of Justice-Office of Cybercrime (DoJ-OoC). Batay sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC) CyberTipline Report, ang paglobo ay bunga rin ng pagtaas sa paggamit ng Internet dahil karamihan sa mga tao ay nakakulong sa mga bahay para maiwasan ang pagkalat ng virus. Nakasaad sa March 1-May 24, 2020 report na tumaas ng 202,605 ang kaso ng online child exploitation magmula nang ipatupad ang enhanced…

Read More

NAVOTAS NAGLABAS NG ORDINANSA SA MORATORIUM SA HOUSING FEES

NAGPASA ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng ordinansa na naglalayong hindi muna pabayaran ang maintenance fee sa pabahay at renta sa mga pasilidad nito. Sa City Ordinance No. 2020-29, hindi muna pababayarin ang mga residente ng NavotaAs Residences sa Brgy. San Roque at NavotaAs Homes 1 at 2 sa Brgy. Tanza 2 ng P300 buwanang maintenance fee ng kanilang housing unit hanggang Hunyo ngayong taon. Libre rin munang magagamit ang mga stall sa NavoKabuhayan at ang tatlong multi-purpose hall sa NavotaAs Homes 1 at 2 hanggang Hunyo. Ang ibinayad para…

Read More

US$11.8-M AYUDA NG USAID, INILAAN SA COVID

NAGLAAN ng US$11.8 milyon ang Philippine Business for Social Progress o PBSP, sa pamamagitan ng ACCESS TB Project, bilang kontribusyon sa paglaban ng bansa sa coronavirus disease o COVID-19. Sa katatapos na “Business-not-as-usual” webinar, inilahad ni PBSP ACCESS TB Project Program Manager Arnyl Araneta na nagmula ang naturang pondo sa 10 porsyentong bahagi ng kabuuang 118.5 milyong dolyar na ayuda ng United States Agency for International Development o USAID para sa mga programa upang pagalingin ang mga pasyenteng may tuberculosis o TB. Ipinaliwanag ni Araneta, ang naturang alokasyon ay makatutulong…

Read More

LGUs PINAGTATAKDA NG BIKE LANES

HINIKAYAT ng Malakanyang ang local government units (LGUs) na magtakda ng bike lanes sa kani-kanilang lokalidad dulot ng limitadong public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng community quarantine. Ang panawagang ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagkilala sa naging hakbang ng mga Filipino na gumagamit ngayon ng bisikleta bilang ideal mode of transportation na pasado sa physical distancing. “Nananawagan po kami sa LGUs, mag-provide po kayo ng mga bike lanes at ito nga po ang pet project ng ating Senator Francis Tolentino,” ang apela ni Sec.…

Read More