2 ARESTADO SA PAGBEBENTA NG FAKE Q PASS

BULACAN – Kalaboso ang dalawa katao na nagbebenta ng pekeng quarantine pass makaraang madakip sa entrapment operation ng mga awtoridad sa Sitio Kabyawan, Barangay Mojon, Malolos City sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga arestadong sina Roberto Sacdalan Jr., 41, negosyante, ng Virgo St., Barangay Mojon, at Virgilio Escano, 40, contruction worker, ng Barangay Mojon, kapwa sa Malolos City. Base sa report ni P/Lt. Col. Jacqueline Puapo, chief of police ng Malolos City Police, nakatanggap sila ng impormasyon…

Read More

HINDI NAGBAYAD NG UTANG, SINAKSAK

CEBU CITY – Patay ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay nang hindi mabayaran ang utang sa huli nitong Lunes ng umaga sa Lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Randy Aguilar, nasa hustong gulang, habang nadakip naman ang suspek na si Jecery Moneno, kapwa residente ng B. Rodriguez Extension, Barangay Guadalupe, Cebu City. Napag-alaman, nakita sa CCTV camera na sinisingil ng suspek ang biktima sa matagal na nitong utang na P1,200 ngunit tumanggi umanong magbayad ang huli. Bunsod nito, bumunot ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak…

Read More

BRITON PATAY SA AKSIDENTE SA LAGUNA

LAGUNA – Binawian ng buhay ang isang British national makaraang sumalpok ang minamanehong kotse sa isang poste sa Sta. Rosa City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Stephen John Worland, 68, residente ng Avida Settings Nuvali, Canlubang, Calamba City. Batay sa report ng Sta. Rosa City police, tinatahak ng biktima ang Balibago-Tagaytay Road ngunit pagsapit sa isang intersection at sumalpok ito sa kongkretong poste. Isinugod ang biktima sa The Medical City Hospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN) 253

Read More

2 MAGSASAKA PINAGTATAGA, PATAY

DAVAO de Oro City – Dalawang magsasaka ang natagpuang patay sa bukiring bahagi ng Brgy. Mainit, sa bayan ng Maco sa lalawigang ito, noong Linggo. Ayon sa ulat ng Maco Municipal Police Station, kinilala ang mga biktimang sina Eddie Andayo, 44, binata, at Boyet Poler Dagsangan, kapwa residente ng Purok Pagbabahayan, Barangay Mainit. Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isinalaysay ng isang Ramil Dagsangan na alas-dos ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng kanyang kaanak na si Boyet na may mga taga sa katawan. Agad humingi ng tulong si Ramil…

Read More

EX-JOURNALIST NILIKIDA SA COTABATO

COTABATO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang dating journalist at kasalukuyang executive secretary ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, matapos itong pagbabarilin habang nag-aalmusal sa isang karinderya sa Notre Dame ng nasabing siyudad. Kinilala ng Cotabato City Police Office ang biktimang na si Aniceto “Boy” Rasalan, 58, na binaril nasa loob ng Sehua Eatery sa Notre Dame Avenue, Brgy. Rosary Heights 2, Cotabato City. Ayon kay Rolen Balquin, pinuno ng Cotabato City Public Safety Office, ang biktima ay binaril ng riding in tandem suspects. Noong Hulyo 25, 2015,…

Read More

2 NEW COVID-19 CASES, NAITALA SA DASMARINAS, CAVITE

CAVITE – Nagtala ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dasmarinas, isa rito ay namatay noong Linggo habang naka-confine sa isang pribadong ospital. Sa Facebook account nina Congressman Pidi Barzaga at City Mayor Jenny Barzaga, umabot na sa 49 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dasmarinas, kung saan ang pinakabago ay isang 25-anyos na call center na lalaki at 54-anyos na babae ang nadagdag sa bilang. Si patient 48 ay isang call center agent sa Makati City  na roon din nangungupahan. Nahawa ito kay Patient 46 na…

Read More

Panalangin sa Eid’l Fitr, sinabayan ng pagsabog 2 BATA PATAY, 8 SUGATAN

MAGUINDANAO – Dalawang bata ang namatay habang walo ang sugatan sa pagsabog sa gitna ng kanilang pagdarasal kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr nitong Lunes sa lalawigang ito. Kinilala ang mga namatay na sina Aslamiah Tambak,10, at Sadam Tambak, 7, habang ginagamot naman sa ospital ang walong sugatan na pawang mga residente ng Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao. Ayon kay Datu Saudi Ampatuan Municipal Administrator Musib Tan, bago ang pagsabog ay nagkasagupa umano ang militar at BIFF sa Brgy. Elian, hindi kalayuan sa naturang barangay. Sinabi ng mga residente,…

Read More

30K TESTS KADA ARAW, NAABOT NA NG PILIPINAS

NAABOT na ng Pilipinas ang target nitong 30,000 tests kada araw bago ang Mayo 30, ayon sa Malakanyang ngayong Lunes. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, umabot na sa 32,100 ang daily testing capacity hanggang Mayo 20. Sinabi rin ni Roque na mayroon nang 66 na COVID-19 testing laboratories sa bansa. Layunin ng Pilipinas na masuri ang 50,000 indibidwal kada araw sa Hunyo. Mahigit 272,000 katao na ang nasuri para sa COVID-19 hanggang nitong Mayo 23, ayon sa online tracker ng Department of Health. Plano ng pamahalaan na masuri ang…

Read More

OSPITAL NG TONDO, BUKAS NA SA PUBLIKO

MULING binuksan sa publiko ang Ospital ng Tondo sa Jose Abad Santos Avenue, Maynila matapos itong pansamantalang pinadlak mula Mayo 11 hanggang Mayo 24. Ang anunsiyo mula kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsabing ngayong araw ng Lunes ay maaari na muling mag-operate ang OSTON. Dahil dito, muli nang tatanggap ng pasyente ang ospital. Isinara ang OSTON dahil sa isinagawang terminal cleaning, disinfection, pest control at pagsasaayos ng pasilidad para sa COVID-19-related operations. Sinabi ni Director Myrna Paloma, ang pagsasara ng pagamutan ay para mailagay sa quarantine at…

Read More