ITINUTULAK ng isang kongresista ang mabilis at sistematikong mass testing sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa mundo. Sa pamamagitan ng Video message, inilahad ni ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo, ang mga suhestyon at hakbangin kung sino-sino ang dapat i-test, anong klaseng test kit ang gagamitin at sino ang gagastos sa large scale testing. Ayon kay Rep. Tulfo, inaprubahan na ng House Committee on Defeat COVID-19 ang aabot sa halagang P1.3 Trillion economic stimulus fund para sa taong 2020, 2021 at 2022 at sa ngayon ay pinaplantsa na…
Read MoreMonth: May 2020
6 ARESTADO SA P680-K HALAGA NG SHABU
NASA P680 thousand halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa anim na drug personalities, kabilang ang mag-asawa na nasakote sa magkahiwalay na buy-bust operation sa siyudad ng Malabon at Valenzuela, Huwebes ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong alas-9 ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan, si Marlon Echapare, 32, (pusher/listed), Virgilio Buenaventura, 39, kapwa ng Brgy. Longos at Reggie Manlugon, 36, ng Brgy. Tanza, Navotas City sa buy-bust operation…
Read MoreSABAY-SABAY NA ENROLLMENT IWASAN – DEPED
PINAYUHAN NG Department of Education ang mga magulang na huwag magsabay-sabay ng enrollment ng kanilang mga anak lalo na sa Hunyo 1, Lunes. Sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na pinayuhan na nila ang mga eskwelahan na magpatupad ng kani-kanilang paraan ng enrollment maging ang tamang social distancing measures para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. “Do not go to school on June 1…Wait for the call. On Monday they do not need to go to schools. They will wait in their homes,” sinabi ni Malaluan. Magbubukas ang school year 2020-2021…
Read MoreBIKERS DI LIBRE SA TRAFFIC RULES
HINDI libre sa mga batas trapiko ang bikers dahil may katapat na parusa sa mgapasaway lalo na kung masasangkot ang mga ito sa disgrasya at may masasaktan o kaya may mamatay. Sa virtual hearing ng House committee on transportation, inaprubahan na ang panukalang batas na maglagay ng bike lanes sa lahat ng lansangan dahil ito na ang mauusong transportasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan limitado na ang papayagang sumakay sa mga public utility vehicle. Gayunpaman, sa ilalim ng House Bill (HB) 2550 na inakda ni PBA party-list Jericho…
Read MoreRAIL OPERATIONS BALIK NA SA LUNES
BALIK-operasyon na ang lahat ng rail operations subalit may limitadong kapasidad simula Hunyo 1. Ang nasabing petsa, ang unang araw ng general community quarantine sa Metro Manila. Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na ang LRT at MRT trains ay papayagan lamang sa 10% hanggang 12% ng passenger capacity, habang ang Philippine National Railways’ trains ay magbibyahe naman ng 35% passenger capacity per trip. “Kung tayo’y mag-transition from MECQ to GCQ, on the first day we can already put into operation our…
Read More‘Wag mabahala sa pagtaas ng kaso – Malakanyang NAMAMATAY SA COVID-19 SA PINAS, KAKAUNTI
WALANG dapat ipangamba ang publiko kung patuloy na tumataas ang bilang ng mga confirmed COVID-19 cases sa bansa. Ang katuwiran ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay mababa naman kasi ang mortality rate ng Pilipinas mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). “You will see that the Philippines, ratio and proportion, vis-a-vis with the population, we have a low rate of mortality here in this country,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public message nitong Huwebes. “All in all, para sa akin, hindi naman masama ito,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.…
Read MoreDapat unang inalagaan ang sariling workers MALASAKIT NG ABS-CBN ‘PEKE’
KUNG talagang may pagpapahalaga ang ABS-CBN sa taumbayan, dapat una nilang ipinaramdam sa kanilang mahigit 8,500 contractual employees at maging sa mga tauhan nila na tinanggal sa trabaho. Ito ang tila mensahe ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa pamunuan ng ABS-CBN dahil ipinangangalandakan nito ang mga natulungan ng kanilang Lingkod Kapamilya Foundation habang pinababayaan naman umano ng kumpanya ang kanilang mga empleyado. Sa pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN noong Martes sa House committee on legislative franchise, inungkat ni Marcoleta ang kalagayan ng mga empleyado ng nasabing kumpanya kung saan sa…
Read MoreLEGAL ANG TAX AVOIDANCE BADILLA NGAYON
ILANG ulit nang binanggit ng mga reporter at news reader ng TV Patrol ng Alto Broadcasting System – Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN) sa mga nakalipas na buwan na nagbabayad ng buwis ang kanilang kumpanya. Gamit ang datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR), idiniin ng mga reporter at news reader ng TV Patrol na walang utang na buwis ang ABS-CBN sa pamahalaan, lalo na sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang paulit-ulit na pagdiin nila sa publiko ay direktang sagot sa mga nag-aakusa sa ABS-CBN na hindi ito nagbabayad ng…
Read MoreHINDI DAPAT CONGRESSMEN HUMINGI NG PRANGKISA NG NETWORK
KAILANGAN sigurong baguhin ang sistema sa paghahain ng aplikasyon sa prangkisa ng mga broadcast network upang hindi mapagdudahan ang mga kongresista na mayroon silang personal na interest sa kumpanya. Sa ngayon kasi, ang mga kongresista ang mismong naghahain ng panukala para sa aplikasyon ng prangkisa ng mga television at radio station kaya talagang pagdududahan sila ng mga tao. Tulad nitong prangkisa ng ABS-CBN, 18 Congressmen/women ang nasa likod ng 12 panukalang batas sa Kamara para i-extend ang prangkisa ng network ng panibagong 25 taon. Sigurado, boboto agad ang mga iyan…
Read More