BINALAAN kahapon ng grupong Bayan Muna si Energy Secretary Alfonso Cusi na mananagot ito kapag itinuloy ang planong pagbili ng P2.8-B na halaga ng shares sa Malampaya consortium ni Dennis Uy kasabay ng pagsasabing mapanganib ang naturang investment. Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, maituturing na ‘senseless waste of public funds’ ang pagbili ng shares mula sa Malampaya sa harap na rin ng malaking pangangailangan sa malaking pondo ng bansa dahil sa COVID-19 crisis. “Sec Cusi should oppose such buy out considering the government claim that we have a…
Read MoreMonth: May 2020
GCQ IIRAL SA MM MULA JUNE 1-15
OPISYAL nang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa general community quarantine ang Metro Manila mula June 1 hanggang June 15. Ito’y matapos niyang aprubahan ang panukala ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases na ipatupad ang GCQ sa National Capital Region (NCR) — na itinuturing ngayon na “high-to-moderate-risk area”. Ang iba pang lugar at rehiyon na isinailalim naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa GCQ: – NCR – Davao City – Pangasinan – Albay – Region II – Region III – Region IV-A Halos lahat…
Read More649 KAHON NG SIGARILYO, NASABAT SA CHECKPOINT
ISABELA – Nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang kahon-kahong sigarilyo na ilegal na ibiniyahe ng Korean national at driver nitong Pinoy sa bayan ng Naguilian sa lalawigang ito, noong Huwebes. Sa natanggap na email ng SAKSI NGAYON mula Camp Marcelo A. Addura, Tuguegarao, kinilala ni Regional Director PRO2 P/BGen. Angelito Casimiro sa kanyang report kay PNP P/Gen. Archie Gamboa, ang mga suspek na si Xiu Zou Wu, 42, Korean, negosyante, at driver niyang si Roger Aparilla, 40-anyos. Ayon ulat, nadakip ang mga suspek dakong alas-3:00…
Read MoreANAK NAPATAY NG PULIS
RIZAL – Boluntaryong sumuko sa Cainta Police ang isang pulis makaraang mabaril at mapatay ang kanyang sariling anak sa nasabing bayan sa lalawigang ito. Kinilala ang suspek na si P/Ssgt. Pepito Difuntorum Jr., 41, nakatalaga sa Cainta Police Mobile Police Station, habang ang biktima ay sarili nitong anak na si Paolo Difuntorum, 20, kapwa ng Bohol Street, DM 2 Subdivision, Brgy. San Roque, Cainta, Rizal. Batay sa imbestigasyon ni P/Ssgt. Auggie Baicaure, masayang nag-iinuman ang suspek at asawa nito sa kanilang bahay nang magkaroon sila ng pagtatalo. Hanggang sa itinulak…
Read MoreLANDMINE NA ‘DI SUMABOG, NAKUBKOB NG MILITAR
DAVAO del Sur – Agad kinubkob ng militar at pulisya ang isang improvised smasher landmine na nakita ng isang concerned citizen na inilibing sa gilid ng daan sa may tower sa Brgy. Asbang, sa bayan ng Matanao nitong lalawigan. Daling pinuntahan ng mga miyembro ng 2nd Company ng Davao del Sur Provincial Mobile Force Company (DSPMFC), 1104th Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at 39th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, ang lugar noong Huwebes ng gabi. Ayon kay Captain Rhuel Barachina, hepe ng Matanao Municipal Police Station, ang nasabing eksplosibo…
Read MoreMAG-ASAWA KINATAY NG SOLONG ANAK
CAVITE – Nangangamoy at tadtad ng saksak nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa na umano’y pinatay ng anak na may diperensiya sa pag-iisip nang pilitin umanong uminom ng gamot sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito. Nakakulong na sa Alfonso Custodial Center at sinampahan ng kasong dalawang counts of parricide ang suspek na si Florito Credo, 35, binata, dahil sa pagpatay sa mga magulang niyang sina Rafaeleto Credo, 66, magsasaka, at Flora, 65, pawang mga residente ng Sitio Santonis, Brgy. Taywanak, Ilaya, Alfonso, Cavite. Sa ulat ni P/MSgt. Dante Baje…
Read MorePINTOR BUMULUSOK MULA SA ROOFTOP
CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 39-anyos na pintor nang nahulog mula sa rooftop ng isang gusali sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito. Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Samuel Anacta, may asawa, ng Phase 3, Brgy. Burol, Dasmarinas City. Sa ulat ni P/SMSgt. Jon-Jon Pilapil ng Dasmarinas City Police, dakong alas-8:00 ng umaga noong Huwebes nang kontratahin ng biktima ang pagpipintura sa rooftop ng Dormitory Building ng Dom Geraldo Children Center and Formation Center sa Brgy. Salaban, Amadeo,…
Read More‘TOSS COIN’ MAYOR, PUMANAW NA
BULACAN – Pumanaw na ang masipag na alkalde ng Bocaue, Bulacan na si Mayor Eleanor “Joni” Villanueva-Tugna na tinaguriang “The Toss Coin Mayor” mula sa ilang linggong pagkakaratay sa St. Luke’s Medical Center sa Global City sa Taguig City noong Huwebes ng hapon. Ang kanyang maagang paglisan ay ikinagulat ng mahigit 6 milyong miyembro ng Jesus Is Lord (JIL) at mga Bulakenyos lalo na ang mga kapwa niya Bocaueños na nagdadalamhati at nagluluksa sa maagang pagkamatay ng ina ng bayan ng Bocaue. Sa text message, sinabi ni Atty. Gidgette Villanueva,…
Read MorePAGTUTULUNGAN SA GITNA NG PANDEMYA
KASABAY ng tila pag-graduate ng maraming lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) patungo sa General Community Quarantine (GCQ), naipamalas sa nangyaring pandemya sa buong mundo, ang naging reaksyon ng bawat tao sa mga ganitong klaseng mga bihirang pangyayari. Habang may mga nananamantala, may iba na bagaman katulad din ng marami ang kalagayan ay nagpakita ng bihirang determinasyon sa mga ganitong panahon na maabot ang kapwa at tumulong. Ganyan ang naging sadigan ng mga alumni ng Sta. Teresa College sa Bauan, Batangas, nang ilunsad…
Read More