865K FILM INDUSTRY WORKERS, NAKALIMUTAN SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño na aabot sa 865,000 na manggagawa sa creative economy o ang audio visual industry ang apektado rin ng COVID-19 pandemic. Sa pagdinig ng Senate Committees on Finance at Economic Affairs, ipinaliwanag ni Diño na ang audiovisual industry sector ang unang nagkansela ng mga proyekto at trabaho sa pagputok ng pandemic at sila rin ang huling maibabalik dahilipinagbabawal ang mass gatherings. Idinagdag nito na 70% ng mga manggagawa sa industriya ay freelancers na kailangan din ng cash assistance. Inihayag ni…

Read More

DAGDAG PHILHEALTH CONTRIBUTION PINASUSUSPINDE

philhealth pres12

NAIS ni Senador Manny Pacquiao na ipagpaliban ng isang taon ang pagdaragdag ng premium contributions sa PhilHealth ng health care professionals at iba pang health care workers. Magsisilbi anya itong ‘token’ o konsiderasyon sa sakripisyo ng mga healthcare worker sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic. Sa kanyang Senate Resolution 429, hinikayat ni Pacquiao ang Senado na isulong ang suspensyon ng dagdag na PhilHealth premium contributions para sa healthcare professionals na dapat ipatutupad ngayong taon. Sa ilalim ng Universal Health Care Law, nakatakdang itaas ng PhilHealth ang premium payments mula 2.75% at…

Read More

RENTAL PAYMENT NGAYONG PANDEMIC, PAANO NA?

PUNA

MAY mga natanggap tayong e-mail mula sa mga nangungupahan at nagpapaupa ng apartment na nagtatanong kung ano ang gagawin nila ngayong may kinakaharap na pandemic – ang coronavirus disease 2019. Uunahing bigyan ng pansin ng PUNA ang mga reklamo ng mga mangungupahan laban sa nagpapaupa bagaman may mababait na nagpapaupa na naiintindihan ang sitwasyon ng mga taong umuupa sa kanila na karaniwan ay mga manggagawa na naapektuhan dahil sa tigil trabaho upang maipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na panlaban sa virus habang wala pang natutuklasang gamot o bakuna. Noong…

Read More

STRANDED APPLICANTS ABROAD, NANAWAGAN SA IATF AKO OFW

AKO OFW

HABANG abalang-abala ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa pagpapauwi ng stranded overseas Filipino workers (OFWs), mayroon namang  mga  locally stranded individuals (LSI) na humihingi rin ng pansin at tulong. Sila ang mga aplikante patungong ibang bansa na kasalukuyan nakaistambay sa mga accommodation ng mga Philippine Recruitment Agencies (PRA) dahil hindi natuloy ang pagproseso ng kanilang pag-alis sa bansa bunga ng enhanced community quarantine (ECQ). Sa dokumento na aking nakalap, umaabot sa 4,935 ang kabuuang bilang ng mga stranded na aplikante kung saan 1,016 sa…

Read More

‘RECORD HIGH’ SA COVID-19, NAITALA NG DOH NGAYONG ARAW

MATAAS na bilang ng tinamaan ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health ngayong araw. Batay sa case bulletin ng DOH, 539 ang naitala nila na bagong kaso kaya umakyat na sa 15,588 ang kabuuan ng confirmed COVID-19 cases sa bansa. Mas mataas lang ang numero ng isa mula sa 538 na naitala noong March 31. Sa bilang na 539, 330 ang mula sa National Capital Region. May tig-55 namang naitala sa Central Visayas at mula sa mga repatriated OFWs habang 99 ang mula sa iba’t ibang rehiyon. May 11,069…

Read More

KAMARA OKAY SA 35 ORAS NA TRABAHO BAWAT LINGGO

INAYUNAN sa House committee on labor and employment ang panukalang batas na gawing 35 oras sa halip na 40 oras ang trabaho ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni 1Pacman party-list Rep. Enrico Pineda, inaprubahan ang House Bill (HB) 309 na inakda ni Albay Rep. Joey Salceda na bawasan ng ginugugol na oras ng mga mangagawa sa pribadong sektor. Ayon kay Salceda, lumalabas sa pag-aaral ni Anna Coote ng New Economics Foundation na nakabase sa Australia, mas produktibo umano ang isang mangagawa kung…

Read More

MALINAW NA HEALTH PROTOCOLS PINATITIYAK SA LGUs

HINIKAYAT ni Senador Grace Poe sa national at local government na tiyakin na maipatutupad ang malinaw na health protocol sa pagdedeklara ng general community quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila at ilang lugar sa bansa. Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat maging kampante ang lahat sa transisyon mula sa enhanced community quarantine tungo sa GCQ. “We must not let our guard down even with the transition to general community quarantine. The national and local government should be present every step of the way to set and implement clear protocols…

Read More

Parusa sa ‘di magsusuot ng face mask MAGHAPONG PAGLILINISIN SA KALSADA

MAGHAPONG paglilinisin sa kalsada ang sinomang mahuhuli na walang suot na face mask bilang bahagi ng ipatutupad na protocol sa new normal o better norm habang wala pang gamot sa coronavirus disease 2019. Habang isinusulat ang balitang ito ay nakasalang pa sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 6632 o “Better Normal’ bill matapos itong aprubahan ng House Defeat COVID-19 committee na pinamumunuan ni House majority leader Martin Romualdez sa online hearing, Huwebes ng umaga. Base sa nasabing panukala, mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng…

Read More

MM, HANDA NA SA GCQ – MALAKANYANG

HANDA na ang Metro Manila para sa mas lalo pang pagpapaluwag ng restrictions para labanan ang pagkalat ng COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque ang posibilidad na isailalim na ang National Capital Region mula sa modified enhanced community quarantine sa general community quarantine sa Hunyo 1. “NCR is ready from the data that we have seen but that really depends on the cooperation of everyone,” ayon kay Sec. Roque. Nauna rito, sinabi ni Dr. Tony Leachon, Special Adviser to the National Task Force COVID-19, na inirekomenda ng Inter-Agency Task…

Read More