NUEVA ECIJA – Hindi umabot nang buhay sa kanilang mga customer ang dalawang online seller nang mahagip ng rumaragasang kotse at masalpok pa ng kasalubong na truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Caanawan, San Jose City sa lalawigang ito. Lumilitaw sa imbestigasyon, lulan ng tricycle ang mga biktimang sina Abegail Paragas at Gladys Enopia nang mabangga sila ng isang truck at kotse. Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police, magde-deliver ng panindang gatas ang mga biktima nang masangkot sa karambola ng mga…
Read MoreMonth: May 2020
3 SAF SUGATAN SA SUMALPOK NA TRUCK
BATANGAS – Sugatan ang tatlong miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP nang sumalpok ang sinasakyan nilang 6×6 truck sa pader sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Pat. Kevin Tipon, P/SSgt. Norton Mariano at PSSgt. Julius Caesar Guyao. Batay sa report ng Taal Police, tinatahak ng truck ang highway sa Brgy. Halang dakong alas-2:50 ng madaling araw nang mapadako ito sa hindi pantay na kalsada naging dahilan ulang mawala sa kontrol at tuluyang sumalpok sa pader. (NILOU DEL…
Read MoreNang-harass sa checkpoint PULIS LOCKDOWN SA SELDA
DAVAO City – Na-lockdown sa selda ang isang pulis makaraan umanong mang-harass sa checkpoint sa Kabataan Center, Brgy. Bago Gallera, sa bayan ng Talomo. Ayon sa ulat ng Talomo Police Station, ala- 9:45 ng gabi noong Miyerkoles, habang nagbabantay sa checkpoint si Brgy. Bago Gallera Kagawad Neil De Guzman at iba pang kasamahan, biglang dumating ang isang motorsiklo na minamaneho ni Police Executive Master Sergeant Jefil Millan Ates, 47-anyos, kadestino bilang operation chief clerk sa Lampitok, Maguindanao Police Provincial Office at residente sa Block 13, Lot 13, Samantha Homes, Catalunan…
Read MoreLUCENA CITY NAGTALA NG 10 NEW COVID CASES
LUCENA CITY – Makaraang mag-zero active case ng ilang araw, balik COVID-list ang lungsod na ito matapos makapagtala ng 10 sunod-sunod na panibagong positibong kaso ng nasabing sakit. Batay sa report ng City Health office (CHO) at ng Lucena IATF nitong Mayo 28, sampu ang bagong kasong nadagdag mula noong May 21 at umabot na ang bilang ng kabuuang kaso sa lungsod sa 39. Ayon sa mga awtoridad, ang mga bagong kaso ay naitala sa mga barangay ng Ibabang Iyam na may 3; Domoit, 2, at tig-iisa sa mga barangay…
Read MoreSOBRANG SINGIL NG MERALCO IBABALIK
Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na ibabalik ng mga ito sa kanilang consumers ang sobrang singil sa electric bill ngayong buwan ng Mayo. Sa virtual hearing ng House energy committee na pinamumunuan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, sinabi ni Victor Genuino, vice president at head ng Meralco Corporate Business Group na lahat ng mga nakapagbayad na ng kanilang bill ay magkakaroon ng refund kapag napatunayang sobra ang ipinadalang bill sa mga ito. Una rito, inatasan ni Velasco ang Meralco na muling magsagawa ng meter reading matapos putaktehin ng…
Read MoreKAPALARAN NG MECQ DEDESISYUNAN NI PDU30 MAMAYANG GABI
KAABANG-ABANG ang magiging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa magiging kapalaran ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na ipinatupad sa Metro Manila at sa iba pang high-risk areas sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Can’t confirm,” ang naging sagot ni Presidential spokesperson Harry Roque sa lumabas di umano na memorandum ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), na inirekomenda na i-shift na sa general community quarantine (GCQ) ang mga nasabing lugar mula sa MECQ. “PRRD will announce tonight,” ayon kay Sec. Roque. Base sa sinasabing diumano’y kopya…
Read MoreOFWs, PATUNAYANG BAYANI
MATAGAL nang itinuring na “bayani” ng modernong kasaysayan ng Pilipinas ang overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa natatanging ambag nila sa ekonomiya ng bansa. Ang OFWs ang sumalo sa ekonomiya ng bansa noong panahon ng termino ni Corazon Cojuangco Aquino sapagkat bagsak na bagsak ang ekonomiya natin noon. Dahil sa padalang pera ng mga manggagawang Filipino mula sa iba’t ibang bansa ay hindi naging literal na ‘zero’ ang gross domestic product (GDP) sa panahon ni Aquino. Mula kay Aquino hanggang sa kasalukuyang panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ‘signipikante’ at…
Read MoreEDUKASYON O BUHAY NG ANAK SA GITNA NG COVID-19?
PINAGDEDEBATEHAN kung nararapat bang ituloy ang pagbubukas ng klase para sa school year (SY) 2020-2021 sa Agosto 24. Parehong may katuwiran ang mga pabor at hindi pabor na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase. Puro galing sa mga pulitiko lang ang naririnig nating opinyon pero ang apektado sa isyung ito ay ang mga magulang na sa totoo lang ay nagdadalawang-isip kung ie-enroll ba ang kanilang mga anak ngayong pasukan. Hindi mo masisisi ang mga magulang kung hindi nila ie-enroll ang kanilang mga anak dahil walang kasiguraduhan na ligtas ang mga bata…
Read MoreMEDICAL WORKERS PROTEKSYUNAN – MARCOS
UMAPELA si Senador Imee Marcos na bigyan ng malinaw na legal na proteksyon ang mga health care worker na maaaring maakusahan ng medical malpractice sa kabila ng ginagawa nilang pagbubuwis ng buhay para makapagserbisyo sa mamamayan na tinamaan ng COVID-19. Nangangamba si Marcos na posibleng dumami ang bilang ng mga kahaharaping legal at personal na banta sa buhay ng mga health worker ngayon na inaasahan na ang pagluluwag ng restrictions sa mga ipinatutupad na quarantine kontra sa pagkalat ng virus simula sa Hunyo 1. “Asahan na natin sa Hunyo, maninibago…
Read More