P2-B VIROLOGY INSTITUTE ITATATAG

ping lacson 12

NAGHAIN ng panukalang batas si Senador Panfilo Lacson upang lumikha ng isang Virology Institute sa Pilipinas at maglalaan ng halagang P2 bilyon para sa research and development ng pagtuklas ng mga gamot sa anomang uri ng sakit tulad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sinabi ni Lacson, siyensiya at teknolohiya lamang ang tamang gabay upang malutas ang mga problemang dulot ng pandemya tulad ng COVID-19, kaya kailangan ang pagpapatayo ng isang institusyong tutuklas sa mga solusyon para sa sakit na ito. Sa ilalim ng Senate Bill 1543, layunin ni Lacson na…

Read More

SHUTTLE SERVICE NG PRIVATE COMPANIES DAPAT LIBRE – MALAKANYANG

OBLIGASYON ng mga company owner o employers na magbigay ng libre o free shuttles para sa kanilang mga empleyado na manggagaling sa mga lugar na wala pang operasyon ang mga pampublikong transportasyon dahil sa patuloy na ECQ at modified ECQ implementation. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pinilit ng gobyerno na magbukas ang lahat ng mga kumpanyang pinayagan nang magbalik operasyon sa ilalim ng modified ECQ o GCQ. Una na aniyang sinabi na kung hindi kakayaning makapag-provide ng transportasyon para sa kanilang mga empleyado ang isang kumpanya, mas…

Read More

Kahit tutol si PDu30 sa balik-eskwela sa Agosto ENROLLMENT SA HUNYO TULOY – MALAKANYANG

TULOY pa rin ang enrollment period na una nang itinakda ng Department of Education (DepEd) mula Hunyo 1 hanggang 30 ngayong taon, para sa school year 2020-2021. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bahagi pa rin ito ng paghahandang ginagawa ng Department of Education para sa pagbabalik edukasyon ng mga bata, hindi man face to face learning ay para sa ibang paraan ng pag-aaral. Sa kabila aniya na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagang magbalik ang klase ng mga bata sa paraang pisikal na pumapasok sa…

Read More

BUS, JEEP BAWAL PA RING BUMIYAHE

JEEPNEY

HINDI pa rin papayagang bumiyahe ang mga bus at jeep sakaling ibaba sa general community quarantine (GCQ) ang buong National Capital Region (NCR) ngayong Hunyo 1. Ito ay ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia. Ayon kay Garcia, mahihirapang ipatupad ang social distancing sa mga bus at jeep. Kaya naman, kung sakaling maaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) na ilagay na sa GCQ ang Metro Manila, limitado pa rin ang transportasyon sa buong NCR. Napagkasunduan…

Read More

Umastang political kingmaker ABS-CBN PRO-NOYNOY, POE AT LENI

HINDI lang mga paglabag sa batas ang sinisilip ngayon sa ABS-CBN kundi maging ang paglalaro umano nito sa pulitika sa mga nakaraang eleksyon at pag-astang kingmaker gayung broadcaster ang dapat naging papel nito. Ito ang isa sa mga alegasyon ng main oppositor sa franchise renewal application ng ABS-CBN na si Deputy Speaker Rodante Marcoleta ng Alagad party-list sa pagdinig ng House committee on legislative franchise at good government and public accountability. Ayon sa mambabatas, halatang-halata ang pagka-bias ng ABS-CBN noong 2010 at 2016 presidential election na isa umanong paglabag sa…

Read More

COVID-19 CASES SA PINAS: 15,049

TUMATAAS pa rin ang bilang ng mga naitatalang tinamaan ng COVID-19 sa bansa. Ito ay matapos muling makapagtala ng panibagong higit 300 kaso sa ikalawang araw ang Department of Health (DOH). Batay sa case bulletin ng DOH ngayong araw, may 380 na bagong nagpositibo sa COVID-19 dahilan para umakyat sa kabuuang 15,049 ang kaso nito. Mula sa nasabing total, 10,639 umano ang active cases. Ang bilang naman ng recoveries ay nasa 3,506 dahil sa nadagdag na 94 na gumaling. Samantalang ang death toll ay 904 na matapos madagdagan ng 18.…

Read More

OFWs nagugutom, walang matirhan OWWA KINASITGO NG PALASYO

ofw

IPINAALALA ng Malakanyang sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mandato nitong masigurong natutulungan at naibibigay ang mga pangangailangan ng mga OFW sa iba’t ibang bansa. Kasunod ito ng mga ulat na marami sa mga OFW sa ibayong dagat ang nahinto sa pagtatrabaho dahil sa COVID-19 kaya’t wala nang pambayad sa nirerentahan nilang bahay at ‘yung iba, umaasa na lamang sa ibibigay sa kanilang pagkain ng kapwa OFW. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, malaki ang naitutulong ng remittances ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa kaya ngayon na sila…

Read More

Mga artista ng ABS-CBN binuweltahan AIRWAVES ‘WAG GAMITIN SA PAMBABALAHURA – SOLON

PINAALALAHANAN ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga artista ng ABS-CBN na huwag gamitin ang airwaves ng mga Filipino para paglaruan ang mga tao. Sa online press conference, sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante, pag-aari ng mga Filipino ang airwaves na ginagamit ng ABS-CBN kaya hindi ito dapat gamitin para balahurain ang mga tao. “I understand there are issues with regard to the network. I believe our airwaves should not be used by celebrities to mock other people for their faith,” pahayag ni Abante. Ginawa ng…

Read More

Masarap na buhay, puputulin BATO, INOBLIGANG MAG-REPORT SA SENADO

INATASAN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dumalo sa kanilang sesyon sa Lunes makaraang mag-viral sa social media ang kanyang komento na masarap ang kanilang buhay sa hybrid session. Sa pagtatapos ng sesyon noong Martes, nadinig pa sa live streaming ng Senado ang pahayag ni Dela Rosa na umani ng batikos sa netizens dahil sa pagiging insensitive umano ng mambabatas. “Sarap buhay, sarap ng buhay, ganito na lang tayo palagi ah,” komento ni Dela Rosa. Sa kalagitnaan naman ng sesyon nitong Miyerkoles,…

Read More