NANALO SA 15TH LAS PINAS PAROL FESTIVAL PINARANGALAN

PINARANGALAN ni Sen. Cynthia A. Villar ang mga nanalo sa taunang parol-making competition sa Las Pinas bilang bahagi ng kanyang commitment na suportahan ang lantern industry ng siyudad sa kabila ng COVID-19 pandemic. “I commend all our participants who, despite the challenging circumstances brought about by COVID-19, have continued to pursue their passion in creating unique and environment-friendly parols that make Las Pinas lanterns stand out among the rest,” ayon kay Villar. “I am truly proud that we have once again risen up to the challenge of honoring our annual…

Read More

Sa halip na unahin sa covid vaccine SOTTO: LASUNIN NA LANG ANG MGA POLITIKO

HINDI pabor si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa iminumungkahi ng ilan na unahing sampolan ng bakuna kontra COVID 19 ang mga pulitiko upang kung palpak ay sila ang unang mabibiktima. Sinabi ni Sotto na mali ang naturang paniniwala dahil ang bakuna bago pa man gamitin dito sa Pilipinas ay nagamit na sa ibang bansa at titiyakin muna na ligtas itong gamitin. “Kaya hindi ako sang-ayon doon sa sina-suggest ng iba — alam ko naman pabiro ‘yong iba, pero ‘yong iba sina-suggest ay seryoso — dahil baka daw yong…

Read More

5 ARESTADO SA P272K SHABU

ARESTADO ang dalawang trike driver at tatlong iba pa sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Akiro Badjo, 22, tricycle driver; Lasarito Antolin, 47; Lilibeth Salgado; Alfredo Baysa, 27, at Rodrigo Rodolfo, alyas “Jack Versoza,” 23, tricycle driver. Base sa ulat ni P/Lt. Col. John Guiagui, station commander MPD- Station 3, bandang alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng mga awtoridad ang…

Read More

RIDER TODAS SA TRACTOR HEAD

PATAY ang isang rider nang salpukin ng rumaragasang tractor head ang minamaneho niyang motorsiklo noong Huwebes ng tanghali sa Caloocan City. Hindi umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Gerard Directo, 49, ng Tuazon St., San Andres, Manila sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan habang nadakip naman ng pulisya ang driver ng tractor head na si Wilson Nunez, 31, ng Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Ayon sa tinanggap na ulat ni Caloocan City Police chief, P/Col. Samuel Mina,…

Read More

PUMALAG SA SEARCH WARRANT, PATAY

PATAY ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad na naghain sa kanya ng search warrant sa Malabon City nitong Sabado ng umaga. Ayon sa pulisya, dakong alas-8:15 ng umaga nang isilbi ang search warrant kay Gabriel Fernandez, alyas “Jojo Taba” sa Delos Santos, Brgy. Tonsuya. Desidido umano ang mga parak na madala si Fernandez ngunit ayaw magpahuli ng buhay ng suspek kaya nauwi sa barilan ang operasyon hanggang sa masapol ang huli. Itinakbo ng ambulansya ng Barangay Tonsuya ang suspek sa pinakamalapit na ospital ngunit sa daan pa lamang…

Read More

CAROLING, PARTIES BAWAL DIN SA BULACAN

LUNGSOD NG MALOLOS- Pansamantalang ipinagbabawal ang tradisyunal na Christmas caroling at iba pang kahalintulad na aktibidad gaya ng Christmas party sa lalawigan ng Bulacan mula Disyembre 16, 2020 hanggang Enero 3, 2021 alinsunod sa nakasaad sa Executive Order No. 42, series of 2020 na inilabas ni Gobernador Daniel Fernando upang bigyang regulasyon ang mga tradisyon ng mga Pilipino tuwing Pasko dahil sa COVID-19. Pansamantala ring ipinagbawal ang mga Christmas at New Year party at iba pang katulad na selebrasyon sa anomang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan at mga lokal na pamahalaan…

Read More

GINANG ITINUMBA NG HIRED KILLERS

QUEZON – Patay ang isang ginang makaraang barilin ng riding in tandem habang namamalengke sa Lucena City noong Biyernes ng umaga. Dalawang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang agarang ikinamatay ng biktimang si Susan Constantino, 53, residente ng Barangay Gulang-Gulang. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga, naglalakad ang biktima sa loob ng Gulang-Gulang Satellite Market nang sundan ito ng isa sa mga suspek at malapitang binaril sa ulo. Nang bumulagta ang ginang ay mabilis na tumakas ang suspek at sumakay sa naghihintay na motorsiklong…

Read More

BABAE KULONG SA P.3-M SHABU

ARESTADO ang isang babaeng kabilang sa drug watchlist ng pulisya matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City nitong Sabado ng madaling araw. Knilala ni Northern Police District (NPD) Director, P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang arestadong suspek na si Lyza Andrade, 21, una nang nadakip noong Hulyo 29, 2019 at nakalaya noong Agosto 2019 makaraang maglagak ng pyansa sa RTC Branch 123 ng Caloocan City sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2202). Ayon sa ulat, dakong…

Read More

2 DRUG GROUP MEMBERS, BULAGTA SA SHOOTOUT

LAGUNA – Hindi umabot ng Pasko ang dalawang miyembro ng drug group makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa anti-illegal drug operation sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang mga napatay na sina Gerald Samson at Jomard Bolajo, mga miyembro ng Almazan drug group na sangkot sa illegal drug trade sa mga lungsod sa northern part ng Laguna. Batay sa report, isinagawa ng mga operatiba ng Laguna PNP at mga tauhan ng Sta. Rosa City Police ang operasyon dakong alas-4:30 ng umaga sa Barangay Tagapo. Nakabili…

Read More