ARESTADO ang isang babaeng kabilang sa drug watchlist ng pulisya matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City nitong Sabado ng madaling araw.
Knilala ni Northern Police District (NPD) Director, P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang arestadong suspek na si Lyza Andrade, 21, una nang nadakip noong Hulyo 29, 2019 at nakalaya noong Agosto 2019 makaraang maglagak ng pyansa sa RTC Branch 123 ng Caloocan City sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2202).
Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr., sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Giovanni Hycenth Caliao, sa harap ng #45, Libis Talisay Dulo, Brgy. 12 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 52 gramo ng shabu na tinatayang P353,000 ang halaga. (FRANCIS SORIANO)
