NANGANGAMOY ‘corruption” ang bibilhing COVID-19 vaccines kaya hinamon ng mga militanteng mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin sa isyung ito ang kanyang galit sa katiwalian. Sa virtual press conference ng Makabayan bloc sa Kamara kahapon, kapwa sinabi ni Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite na nakaaamoy ang mga ito ng katiwalian sa pagbili ng COVID-19 vaccines. “Kami ay very much concerned. Etong mga nababalita nitong mga nakaraang araw na parang namamayani ang sinasabi nilang ‘pandemic profiteering sa usapin ng acquisition o procurement ng bakuna,” ani Zarate.…
Read MoreMonth: December 2020
AMBISYON NG OPOSISYON TAOB KAY DIGONG
NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik. Kasabay nito, nanawagan ang pangulo sa publiko na huwag paniwalaan ang oposisyon na wala naman aniyang ginagawa kundi ang mamulitika. “The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik. Kasi kung maaari lang ibigay ko na lang para hindi na sisirain ang Pilipino. Hindi na tayo masira. Ibigay ko na lang. Iyong naiwan ko sige inyo na. Tapos na rin ako ilang taon na. Sa…
Read MoreROBBERY HOLDUP GROUP LEADER, 2 PA TIMBOG
NALAMBAT ng mga tauhan ng Galas Police Station (PS 11) ng Quezon City Police District (QCPD) ang top 1 drug personality at lider ng Buenafe robbery hold-up group, kasama ng dalawa pa, sa buy-bust operation sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong Miyerkoles. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Macerin ang top 1 drug suspect at lider ng grupo na si Ronald Buenafe, 34-anyos, habang ang kanyang mga kasama ay sina John Mike Mosquera, 19, at Mark Christian Mosquera, 20, pawang mula sa Brgy. Tatalon. Ayon sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation…
Read More2 CPP-NPA TERRORIST FRONTS WINASAK NG AFP, PNP
PORMAL na idineklara ng Armed Forces of the Philippine – Northern Luzon Command at PNP’s Directorate for Integrated Police Operations in Northern Luzon, ang pagkawasak ng dalawang CPP-NPA terrorist fronts. Lumagda ang military at police top brass sa Northern Luzon sa dokumentong nagdedeklara sa ‘dismantling’ ng dalawang NPA units na dating kumikilos sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Hudyat ito ng paglupig sa Kilusang Larangang Gerilya Southern Ilocos Sur o KLS SIS, na kumikilos sa hangganan ng Ilocos Sur, Mountain Province at Abra ganoon din sa KLG Quirino-Nueva Vizcaya na nag-o-operate…
Read More5 ARESTADO SA P1-M SHABU
KULONG ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong babae, matapos makumpiskahan ng halos P1 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Caloocan at Malabon nitong Huwebes ng madaling araw. Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madamba ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquitan, ang mga suspek na sina Rachel Carlos, 44; Kristine Torres, 42; Erica Penalosa, 31, at Estilito Berlos, Jr. 49, matapos bentahan ng…
Read More3 beses nabiktima ng snatcher, namaril ‘TRIGGER HAPPY COP’ ARESTADO
ISASAILALIM sa masusing imbestigasyon kung may katotohanan ang depensa ng isang pulis Maynila, makaraang bitbitin ng kanyang mga kabaro nang ireklamo sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa Paco, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Mula sa Manila Police District-Ermita Police Station 5, itinurn-over ang pulis na si Patrolman Gerald Balagan Cabullos, nakatalaga sa MPD-Sta. Mesa Police Station 8, sa tanggapan ng MPD-General Assignment and Investigation Section, upang harapin ang kasong alarm and scandal at indiscriminate firing. Base sa ulat ni P/MSgt. Rodolfo Lachica, bandang alas-7:35 ng gabi nang makarinig…
Read MoreBotika front sa ilegal na aktibidad P2-M SHABU NASABAT SA TULAK
ARESTADO sa buy-bust operation ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) dakong 1:45 ng hapon noong Miyerkoles ang isang tambay sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City. Sa nakuhang inisyal na impormasyon, ginagawang front ng suspek na si Michael Salinas Concepcion ang pagbili ng gamot sa isang botika sa Tramo Uno St., Brgy. San Dionisio sa kanyang mga ilegal na transaksyon ng bawal na droga. Paborito umanong lugar ng suspek sa kanyang ilegal na operasyon ang nasabing drugstore na lehitimo naman ang negosyo. Nakuha sa suspek na si Concepcion bilang ebidensya ang…
Read MorePARTIAL TRUCK BAN IPATUTUPAD SA QC
MAGPAPATUPAD ng partial truck ban ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga area ng Visayas at Mindanao Avenues upang maiwasan ang matinding trapik sa nasabing mga lugar lalo na sa rush hours. Inihayag ito ni Mayor Joy Belmonte matapos aprubahan ang Ordinance No. SP-2984, S-2020 na nagbabawal sa mga truck at iba pang heavy vehicles na dumaan sa naturang pangunahing kalsada mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi. “Naging paborito nang daanan ng truck ang mga nasabing kalsada…
Read MoreINDUSTRIYA NG PAPUTOK, PINABAGSAK NG PANDEMYA
BULACAN – Aminado ang firecrackers manufacturers na bumagsak din ang bilyong pisong halaga ng industriya ng paputok sa lalawigang ito bunga ng pandemya at mayroon lamang ilang lehitimong negosyante at lisensiyadong tindahan ang nagbebenta ng mga paputok ngunit limitado lamang ang suplay at bahagya rin silang nagtaas ng presyo nito. Nakumpirmang lubhang naapektuhan ang industriya ng paputok partikular sa bayan ng Bocaue na itinuturing na ‘firecrackers capital’ ng bansa gayundin ang mga pagawaan ng paputok at fireworks design sa bayan ng Baliwag, San Rafael at Sta. Maria bunga ng pandemic…
Read More