JEEP SUMALPOK SA POSTE, 3 PATAY

LAGUNA – Patay ang driver at dalawa pang sakay ng isang delivery jeepney matapos sumalpok sa kongkretong poste sa gilid ng national highway sa Calamba City, Martes ng madaling araw. Kapwa idineklarang dead on the spot sina Rhyan Aldea, 45, driver ng jeep at ang pahinateng si Arnold Moreno, 33, parehong residente ng Barangay Baybayin, Rosario, Batangas. Dead on arrival naman sa ospital ang negosyanteng si Penny Manalo Britania, 45, may-ari ng jeep at ng mga kargang itlog ng manok na idedeliber sana ng mga ito. Batay sa report ng…

Read More

Malakanyang positibo sa papasok na bagong taon PINOY BABANGON SA 2021

KUMPIYANSA ang Malakanyang na magiging napakaganda ng paparating na taong 2021. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kung hindi man naging maganda ang taong 2020 ay hindi dapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa sa pagpasok ng 2021, lalo na iyong mga labis na nalugmok dahil sa sunod-sunod na mga pagsubok na hinarap ng bansa. Aniya, sabi nga ng matatanda, kapag ikaw ay bumagsak, kinakailangan na ika’y tumayo at mas maging matatag. Kung lumubog man aniya ngayon ang araw ay sisikat din ito sa pagpasok ng susunod na taon at…

Read More

2 NPA ARESTADO SA BAHAY NG QUEZON BOARD MEMBER

ARESTADO ang dalawang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa loob ng pamamahay ng isang bokal nitong Sabado, ika-26 ng Disyembre. Sa ulat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang dalawang rebeldeng NPA na sina Ruel Custodio (alias Baste), ang tumatayong Finance Officer ng grupo at Ruben Istokado (alias Oyo/Miles), nagsisilbi namang political adviser ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest sa loob ng pamamahay ni Rhodora ‘Dhoray’ Tan, isang halal na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan…

Read More

LOCKDOWN MULI, POSIBLE

MAPIPILITAN ang pamahalaan na ilagay muli ang Pilipinas sa ilalim ng lockdown sakali’t mkapasok at kumalat sa bansa ang natukoy na bagong coronavirus strain mula sa United Kingdom. “Actually iyong lockdown is a possibility. I said we are making some projections. But if the severity in numbers would demand that we take corrective measures immediately then we’ll just have to go back to lockdown,” ayon kay Pangulong Duterte. Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na ang muling pagsasailalim sa bansa sa lockdown ay depende sa malalang bilang ng posibleng magkaroon ng…

Read More

Sa importasyon ng covid vaccines SUPER GREEN LANE HIRIT SA BOC

INATASAN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang Bureau of Customs (BOC) na bigyan ng special lane o “super green lane” ang importasyon ng COVID-19 vaccines upang mabilis itong makalabas dahil napakahalaga nito ngayon sa taumbayan at maging sa ekonomiya ng bansa. Ginawa ni House ways and means chairman Joey Salceda ang nasabing kautusan para mabigyan ng top priority ang clearance processing ng mga aangkating bakuna kasama na ang iba pang medial supply na kailangan sa immunization tulad ng heringgilya. “We need all the vaccines we can get, and if the…

Read More

PAG-URONG NI DUTERTE SA PILOT FACE-TO-FACE CLASSES SINUPORTAHAN

SANG-AYON si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag munang ituloy ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa bansa sa Enero 2021. Nauna rito, nitong Sabado, Disyembre 26, ay inatasan ni Pang. Duterte ang mga educational institution na huwag munang magsagawa ng face-to-face classes sa susunod na buwan dahil nananatili pa rin ang banta ng pandemya, at ngayong may sumulpot na bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ikinatuwa naman ni Go ang direktiba ng pangulo dahil matagal na rin siyang nagpahayag ng kanyang reserbasyon laban…

Read More

$325-M PAMBILI NG BAKUNA, IPAUUTANG NG ADB SA PINAS

HANDANG pautangin ng Asian Development (ADB) ng 325 milyong dolyar ang Pilipinas upang magkaroon ito ng perang ipambibili ng milyun-milyong bakunang panlaban sa COVID-19. Ayon sa kay ADB country director Kelly Bird: “The Philippines can access between $400- (million) and $500-million lending for vaccine procurement. At the moment, the government has requested approximately $325 million from the first component of the facility – that’s the vetted response component. And that’s dedicated for financing the procurement of vaccines”. Pananaw ito ng ADB sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangutang sa…

Read More

BIKERS EXEMPTED SA FACE SHIELD SA VALENZUELA

MAAARING hindi magsuot ng face shield ang mga nagbibisikleta sa Valenzuela City. Gayunman, kung magtutungo sa pampublikong lugar o papasok sa establisiyimento, kailangang muling magsuot ng face shield ang bikers. Nagpaalala rin ang pamahalaang lungsod na hangga’t maaari ay manatili na lang sa loob ng tahanan at iwasan ang paglabas ng mga bata, matatanda at mga taong may mahinang resistensya para makaiwas sa COVID-19. Hanggang 10 pm ng Disyembre 21 ay 102 ang active COVID cases sa lungsod. Umabot na ng 8,425 ang tinamaan ng COVID sa Valenzuela.  Sa bilang…

Read More

LIBRENG SWAB TEST SA MAYNILA SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG sinuspinde ng pamahalaang lokal ng Maynila ang libreng swab test bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan. Ilang araw munang sususpendihin ng Manila City government ang pagsasagawa ng libreng mass swab testing sa lungsod laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Base sa inilabas na ulat ng Manila Public Information Office, wala munang mass swab testing simula ngayong araw, Disyembre 23, Miyerkoles. Magtatagal ang suspensiyon ng aktibidad hanggang sa Disyembre 27, Linggo. Nabatid na muli namang magbabalik ang libreng mass swab testing sa Disyembre 28 hanggang Disyembre 30. Gayunman,…

Read More