KANONG PEDOPHILE NALAMBAT NG BI

CEBU – Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa umano’y American pedophile na wanted sa sex crime sa Estados Unidos. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Donald Robert Tyler, 57, nadakip noong Huwebes sa Brgy. San Roque, Ginatilan, Cebu ng pinagsanib na mga operatiba ng bureau’s Fugitive Search Unit (FSU) at National Bureau of Investigation (NBI). Inaresto ang suspek sa bisa ng mission order na inisyu ni Morente base sa kahilingan ng American authorities sa Manila. Nabatid sa ulat mula kay BI FSU chief…

Read More

SIMBANG GABI NG CCP, ONLINE STREAMING MULA SA IBA’T IBANG REHIYON AT ROME

Sa nakalipas na 15 taon, tradisyon na ng Cultural Center of the Philippines na magkaroon ng Simbang Gabi tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Para sa CCP, ang pagkakaroon ng novena (siyam) na misa ay hindi ordinaryong programa; ngunit ito ay isang espesyal na kailangan ng pag-iingat at metikulosong pagpaplano. Sa pakikipag-ugnayan sa Our Lady of Sorrows Parish sa Pasay City at business establishments sa paligid ng CCP Complex, ang Simbang Gabi na ginaganap sa CCP Main Ramp ay nag-aanyaya sa publiko na umaabot sa tinatayang libong mass-goers bawat araw, habang ang…

Read More

Puyat hinihikayat ang mga apektadong manggagawa sa turismo na kunin ang expanded DOT-DOLE financial assistance

Nakikipag-ugnayan ang Department of Tourism (DOT) sa mga manggagawa sa turismo na apektado ng pagsasara ng mga establisimiyento o ang mga nabawasan ng operasyon, na agarang makuha ang expanded financial assistance bilang bahagi ng Bayanihan to Recover as One Act interventions upang bigyang pokus ang resulta ng pandemya sa turismo sa Pilipinas. Sa ilalim ng isang Joint Advisory (JA) sa pagitan ng DOT at ng Department of Labor and Employment (DOLE), pinamagatang Expanded Coverage of Beneficiaries Under DOLE-DOT Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2020-001, ang financial assistance program ay mas sumasaklaw…

Read More

GABINETE PUPULUNGIN NI PDU30 BUKAS

NAKATAKDANG magdaos ng cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bukas (Lunes) Disyembre 14. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pa siyang impormasyon kung ano ang magiging agenda sa cabinet meeting subalit sakali aniyang makakuha ito ng detalye ay agad niya itong ihahayag bago ang kanyang afternoon press briefing bukas. Aniya, ngayong taon ay hindi naging madalas ang pagpupulong ng gabinete dahil na rin sa nagpapatuloy na banta ng pandemya. Sinabi pa ni Sec. Roque, na madalang na lamang ang ipinatatawag na Cabinet meeting ni Pang. Duterte dahil na…

Read More

MALAKANYANG MAY ORAS PANG BUSISIIN ANG 2021 BUDGET

LAKING pasasalamat ng Malakanyang dahil may panahon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para repasuhin ang inaprubahan nang budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, may oras na ang pangulo para matingnan kung mayroong line item veto na dapat niyang gawin. Wala namang binanggit si Sec. Roque kung nakatugon ang Kongreso sa timeline ng pangulo pero nagpapasalamat na lamang daw sila at may pagkakataon pa ang presidente para silipin ang budget proposal para sa susunod na taon. “Well, sabihin na lang po natin na kinakailangan pa…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA PAGSIPA NG COVID CASES

PATULOY na mag-ingat at sumunod sa minimum health standards. Ito ang paalala sa publiko ng isang senador ngayong ipagdiriwang ang Kapaskuhan upang hindi ipagwalang-bahala ang pagkalat ng COVID-19 virus sa sarili at sa mga mahal sa buhay. Sinabi ni Senador Christopher Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health, na dapat pa ring mag-ingat ang lahat upang maiwasan ang pagkalat ng virus. “Ngayong Pasko, mag-ingat tayo. Huwag muna magkumpyansa, ‘wag muna mag-party. Lampasan natin ang pandemya para makapag-celebrate tayo nang maayos sa susunod na taon,” aniya. Ipinaliwanag ni Go na…

Read More

PONDO NG TRB NAKASALALAY KAY DUTERTE

IPINAUUBAYA na ni Senador Christopher Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapasya itong i-veto ang pondo ng Toll Regulatory Board (TRB) bunsod ng kaguluhan sa implementasyon ng cashless transaction sa toll expressways. Ayon sa senador, may ginagawa nang imbestigasyon ang Department of Transportation (DOTr) para maisaayos ang matinding trapiko na nilikha ng instalasyon ng RFID. Kaugnay nito ay tiniyak ni Go na malaki ang tiwala nito kay DOTr Secretary Arthur Tugade na maaayos ang problema sa nasabing usapin. Nanawagan din si Go kay Tugade na suspindehin na ang mga…

Read More

LIBRENG DIALYSIS HANDOG SA MAHIHIRAP

DAAN-DAANG mahihirap na Pilipino na may sakit sa bato ang tinutulungan ng isang foundation para makapag-dialysis simula pa noong Nobyembre. Ayon kay Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster Foundation Inc., “nire-refer namin ang mga pasyente sa pinakamalapit na ospital o dialysis center sa kanila tapos kami ang magbabayad.” “All they have to do is message us sa aming Facebook o Instagram, tapos we contact them and refer them sa dialysis center o ospital,” aniya pa. May 15 partner dialysis centers ang Pitmaster Foundation Inc. sa buong bansa. Umaabot sa…

Read More

‘ULYSSES’ VICTIMS SA MARIKINA INAYUDAHAN

MULING binisita ni Senator Christopher “Bong” Go kamakailan ang Marikina City, na isa sa mga lugar na matinding napinsala ng bagyong Ulysses, upang magbigay ng ayuda sa mga residente doon. “Hindi naman maiiwasan sa panahon ngayon ng climate change, talagang lumalakas ang ulan. So, nandiyan talaga ‘yung banta ng pagbaha. Sa tulong ng buong gobyerno, lalo na ang local government units sa pamamahala ng inyong mayor, ay dapat maiahon kaagad kayo. Importante sa amin ang buhay ng bawat Pilipino. Importanteng buhay kayo,” ayon kay Go. Nabatid na kabilang sa mga…

Read More