Ilang lalawigan nilubog sa baha BAGYONG VICKY NAG-IWAN NG 9 PATAY

BINAHA na naman ang malaking bahagi ng bansa sa pananalasa ng Bagyong Vicky na nag-iwan ng siyam na patay. Magdamag na nakaalerto ang mga tauhan ng Office of Civil Defense-Cagayan at National Disaster Risk Reduction Management Council sa pangambang maulit ang malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng tatlong weather system na umiiral sa bansa kasabay ng muling pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam. Sa ulat ng provincial OCD at PDRRMO, tuloy-tuloy ang naranasang pag-ulan sa kanilang lalawigan kaya’t nakatutok pa rin sila sa…

Read More

Ayudang P165.5-B sa Bayanihan 2 wa epek MSMEs BANGKAROTE PA RIN

UMABOT na sa P105.8 bilyon ang nailabas mula sa P165.5 bilyong pondong nakalaan sa ikalawang batas hinggil sa Bayanihan, ngunit mistulang bangkarote pa rin ang kalagayan ng maliliit na negosyante at mga manggagawa. Nakasaad sa website ng Department of Budget and Management (DBM) na P105.8 bilyon na ang naipamahagi mula sa P165.5 bilyon ng Bayanihan to Recover as One Act. Layunin ng pondo ay ayuda sa mga negosyanteng nakapaloob sa hanay ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), milyun-milyong manggagawa, pinakamahirap na mga pamilya at gastusin ng iba’t ibang ahensya…

Read More

Publiko pinakalma ni Lorenzana BALIK-MECQ SA METRO MANILA, FAKE NEWS

MARIING pinabulaanan kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kumakalat na balitang muling isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila. “I would like to inform the public that the current situation in Metro Manila is stable and manageable and does not warrant a shift back to MECQ,” ayon kay DND Secretary Delfin Lorenzana. Nilinaw rin ng kalihim na walang katotohan na nanggaling sa PNP ang memo na kumakalat sa social media na nagsasabing ibabalik sa mas mahigpit na community quarantine ang National Capital Region. Pero sinabi ng…

Read More

Abogado, huwes, isa-isang tinutumba LAW ENFORCERS MAGTRABAHO KAYO – NOGRALES

KINASTIGO ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang mga law enforcer dahil sa kabiguang pigilan ang kriminalidad sa bansa kasunod ng pamamaslang sa isa na namang law worker sa Cebu noong isang linggo. Si Atty. Baby Marie Concepcion Landero-Ole ay inambush at napatay sa Danao City Highway noong Disyembre 17, at ikalawang abogado na namatay sa Cebu sa loob ng isang buwan. “At this point we have to ask what the authorities are doing about the spate of killings of law workers. We are not asking for special protection—rather,…

Read More

PROSESO SA PAGBILI NG COVID VACCINES DAPAT LIWANAGIN

PINAGPAPALIWANAG ni Senador Christopher Bong Go ang mga health official sa pangunguna ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa taumbayan hinggil sa proseso ng pagbili ng bakuna kontra COVID-19. Kasunod ito ng paninisi kay Duque dahil sa naantalang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Pfizer pharmaceutical company na sinasabing magsu-supply sana ng milyun-milyong doses ng bakuna. Nanawagan si Go na sana iwasan na ang turuan at sisihan dahil hindi maganda na ang mga magkakasama sa gabinete ng pangulo mismo ang nagbabangayan dahil hindi ito nakatutulong sa problemang…

Read More

COVID-19 vaccines walang sapat na pondo KALIGTASAN NG PINOY NASA KAMAY NG FOREIGN LENDERS – DEFENSOR

NAKASALALAY sa awa ng mga foreign lender o mga dayuhang organisasyon na nagpapautang o inuutangan ng Pilipinas ang kaligtasan ng sambayanang Pilipino sa COVID-19. Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil walang kasiguraduhan na makabibili ng sapat na COVID-19 vaccines ang bansa matapos hindi ito pondohan ng gobyerno sa 2021 national budget. “While our officials are quarreling on whether we missed the bus or dropped the ball on the Pfizer vaccine, funding for our procurement remains uncertain,”ayon sa mambabatas. “Thanks to Congress, which, ironically, opted to prefer…

Read More

DRUG GROUP MEMBER ARESTADO SA BIÑAN CITY

LAGUNA – Arestado ang isang high value individual (HVI) na miyembro umano ng Peña drug group, sa buy-bust operation sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Sabado. Ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Director, P/Col. Serafin Petalio II kay CALABARZON Regional Director P/BGen. Felipe Natividad, kinilala ang suspek na si Nilson Cinco Basalo, 36, vendor at residente sa Lot 4, Blk. 9, Citation Residences, Brgy. Sto. Tomas, Biñan City. Napag-alaman, nagkasa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakumpiskahan ng…

Read More

SALVAGE VICTIM ITINAPON SA BANGIN

QUEZON – Isang bangkay ng lalaking hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang nakasabit sa gilid ng matarik na bangin sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Ayon sa report ng Real police, nadiskubre ng mga dumaraan sa lugar ang bangkay ng hindi pa kilalang biktima na sumabit sa mga puno sa gilid ng bangin sa tabi national highway sa Barangay Maragondon. Nakasuot ito ng asul na sando at maong na short na may nakakabit na iba’t ibang mga susi. Ayon sa pulisya, tinatayang ilang araw na…

Read More

SK CHAIRMAN BINOGA SA AWAY-TRAPIKO

BULACAN – Sugatan ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman sa bayan ng San Miguel makaraang barilin ng isa sa apat na kalalakihang nakaalitan sa away-trapiko sa Brgy. Salacot sa lalawigang ito, noong Huwebes. Base sa report kay P/Brig. Gen. Valeriano T. De Leon, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3), kinilala ang biktimang si John Mico Yamson, residente ng Barangay Tigpalas, San Miguel, na agad isinugod sa pagamutan. Mabilis namang nasakote sa follow-up operation ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Karl Wyn Cruz y Juatco habang…

Read More