QUEZON – Isang bangkay ng lalaking hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang nakasabit sa gilid ng matarik na bangin sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga.
Ayon sa report ng Real police, nadiskubre ng mga dumaraan sa lugar ang bangkay ng hindi pa kilalang biktima na sumabit sa mga puno sa gilid ng bangin sa tabi national highway sa Barangay Maragondon.
Nakasuot ito ng asul na sando at maong na short na may nakakabit na iba’t ibang mga susi.
Ayon sa pulisya, tinatayang ilang araw na itong itinapon sa lugar dahil nasa ‘state of decomposition’ na ang mukha nito at namamaga na ang buong katawan.
Dinala ang bangkay sa isang punerarya para sa autopsy at pagsusuri ng SOCO. (NILOU DEL CARMEN)
