PINAS COINLESS NA SA 2025 – BSP

WELCOME sa Malakanyang ang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pagdating ng taong 2025 ay inaasahang magiging coinless society na ang Pilipinas dahil posibleng QR codes na ang gamitin sa maliliit na transactions. Nauna nang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na dahil sa COVID-19, bumilis ang pag-transition ng bansa sa digital financial transactions dahil sa pangangailangan ng contactless payment solutions. “We welcome this po ‘no, dahil ang isang karanasan natin sa COVID-19 ay kinakailangang maging cashless society na nga po tayo. We welcome the…

Read More

Solusyon sa pagbaha sa Marikina MANALO BRIDGE DAPAT GIBAIN – SOLON

MASOSOLUSYUNAN ang malawakang pagbaha sa lungsod ng Marikina at iba pang kalapit nitong lugar kung gigibain ang Manalo Bridge na nakaaapekto sa daloy ng tubig mula sa ilog ng Marikina. Ito ang inihayag ni Deputy Minority Leader at Marikina City 1st District Congressman Bayani “BF” Fernando kasabay ng pagtanggi na ang BFCT ang nagpakitid sa Marikina River na siyang sanhi ng malawakang pagbaha nang manalasa ang bagyong Ulysses nitong nakalipas na taon. Ani Fernando, hindi ang BFCT kundi ang napakakitid na bahagi ng Marikina River sa katabing lungsod ng Pasig…

Read More

‘LETHAL INJECTION’ SA MAPAGSAMANTALA -SOLON

PARA kay Senador Christopher Lawrence “Bong”Go, gusto niyang bigyan ng lethal injection ang sinomang nagpapakalat ng mali (fake news) at nagsasamantala sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa sa pandemya. “Yung mga nagsasamantala dyan habang naghihirap na nga ang kapwa nating Pilipino, dapat kayo unang ma-inject (ng lethal injection),” ang pahayag ni Go. Sinabi ni Go na susuportahan niya ang panukala na magpaparusa sa mga indibidwal na nagpapakalat ng maling impormasyon at nagsasamantala sa vulnerabilities ng Pilipino sa kasalukuyang COVID-19 pandemic. “Kung walang katapusan ang pagdududa, as legislators, why…

Read More

PAF aircraft grounded MILITARY CHOPPER BUMAGSAK, 7 PATAY

GROUNDED sa kasalukuyan ang lahat ng nalalabing UH-1H helicopters ng Philippine Air Force kasunod ng nangyaring pagbagsak ng isa nitong military chopper na ikinamatay ng pitong sundalo sa lalawigan ng Bukidnon. Ayon kay Philippine Air Force spokesperson, Lt. Col. Aristides Galang, bahagi lamang ito ng kanilang standard operating procedure kapag nasasangkot sa aksidente ang isang uri ng kanilang air assets. Ngunit nilinaw naman ng opisyal na “well-maintained” ang bumagsak nilang chopper noong Sabado ng hapon sa bahagi ng Barangay Bulonay, Impasug-ong, Bukidnon na ikinamatay ng pitong sundalo mula sa PAF…

Read More

HUMAN TRAFFICKER, RAPE SUSPECT LAGLAG SA PNP-AKG

ARESTADO ang isang babaeng hinihinalang human trafficker at itinuturing na ugat ng paglaganap ng prostitusyon sa Roxas City, Capiz, sa mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa ikinasang law enforcement operation sa lungsod. Kinilala ni PNP-AKG Public Information Office chief, P/Major Rannie Lumactod, ang nadakip na si Joan Dingcong Granzo, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Human Trafficking in Person). Walang piyansang inerekomenda para sa suspek si Hon. Bienvenido Barrios Jr., Presiding Judge ng RTC Branch 3, 6th Judicial Region, Kalibo,…

Read More

4 NABITAG SA P.2-M SHABU

HALOS P200,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae, matapos madakma sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Navotas nitong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw nitong Linggo, nagsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna P/SSgt. Julius Sembrero, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua, sa pamumuno ni P/Col. Angela Rejano, ng buy-bust operation sa Avocado St., Brgy. Potrero. Nakipagtransaksyon ang isang…

Read More

BINATA NAGBIGTI SA ILALIM NG TULAY

NAGBIGTI ang isang 21-anyos na binata makaraan umanong makipaghiwalay ang kanyang girlfriend, sa Malabon City nitong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Sonny Boy Castillo, ng #142 Azucena St., Merville, Tanza, Navotas City. Ayon sa report nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon Police chief, Col. Angela Rejano, dakong alas-7:00 ng umaga nang makita ni Roberto Villador, 48, ng Blk. 4, Labahita St., Brgy. Longos, ang biktima habang nakabigti sa ilalim ng Tanza-Hulong Duhat Bridge sa Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat. Kaagad ipinaalam ni…

Read More

16 positibo sa Navotas, 2 sa Malabon1 PATAY, 85 NEW COVID CASES SA VALENZUELA

ISA ang namatay habang 85 ang bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City habang 16 ang tinamaan ng nasabing sakit sa Navotas City at dalawa sa Malabon City noong Enero 16. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Valenzuela City, bunsod ng karagdagang nagpositibo mula noong Enero 14 ay 8, 897 na ang confirmed cases sa lungsod at biglang lumobo sa 214 ang active cases. Umabot naman sa 261 ang COVID death toll sa Valenzuela habang 8,422 na ang nakarekober. Bunga nito, pinaalalahanan ang mga Valenzuelano na sumunod…

Read More

KOREANONG WANTED, TIMBOG SA BI

INIHAYAG ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto sa isang South Korean fugitive na wanted sa kasong attempted murder sa Seoul. Kinilala ni Morente ang suspek na si Lee Hoonhee, 47-anyos, naaresto noong Huwebes sa Brgy. Pampang, Angeles City, Pampanga ng mga operatiba mula sa Bureau’s Fugitive Search Unit (FSU). Ayon kay Morente, nag-isyu siya ng mission order para sa pag-aresto kay Lee matapos impormahan ng South Korean Embassy ang BI na may warrant para arestuhin ang suspek na inisyu ng Incheon District Court noong Disyembre 23,…

Read More