HUMAN TRAFFICKER, RAPE SUSPECT LAGLAG SA PNP-AKG

ARESTADO ang isang babaeng hinihinalang human trafficker at itinuturing na ugat ng paglaganap ng prostitusyon sa Roxas City, Capiz, sa mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa ikinasang law enforcement operation sa lungsod.

Kinilala ni PNP-AKG Public Information Office chief, P/Major Rannie Lumactod, ang nadakip na si Joan Dingcong Granzo, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Human Trafficking in Person).

Walang piyansang inerekomenda para sa suspek si Hon. Bienvenido Barrios Jr., Presiding Judge ng RTC Branch 3, 6th Judicial Region, Kalibo, Aklan.

Armado ng warrant of arrest, sinalakay ng mga operatiba ng PNP-AKG Visayan Field Unit, sa pamumuno ni P/Col. Salvador T. Alacyang, at P/Maj. Nestor Acebuche, hepe ng Iloilo-Bacolod Satellite Office, ang pinaglulunggaan ng suspek sa Brgy. Dayao, Purok 2, Roxas City, Capiz, kasama ang mga tauhan ng Roxas City Police Station at Numancia Municipal Police Station.

Sinasabing sangkot ang suspek sa serye ng human trafficking activities simula noong Hunyo 2018.

Napag-alaman, lima sa mga biktima ng suspek, na pawang menor de edad na umano’y pinagtrabaho bilang prostitute at naging sex slave, ang natagpuan sa Queens Inn Motel sa Kalibo, Aklan.

Samantala, nadakip din ng mga tauhan ng PNP-AKG ang itinuturing na no. 10 most wanted person, sa inilunsad na law enforcement operation noong Biyernes ng gabi sa Santo Rosario Subd., Brgy. Nanonga, Hinigaran, Negros Occidental.

Kinilala ni PNP-AKG spokesman, P/Maj. Ronaldo Lumactod ang nadakip na suspek na si Valentino N. Sanong alyas Val.

Ayon kay Maj. Lumactos, si Sanong ay itinuturong gumahasa sa isang 8-anyos na batang babae noong Hulyo 25, 2020 sa Brgy. Gargato, Hinigaran, Negros Occidental.

Walang piyasang inirekmenda si Hon. Walter G. Zorilla, RTC Branch 56, 7th Judicial Region Presiding Judge, sa inilabas nitong warrant of arrest laban sa suspek na tinaguriang isa sa most wanted persons sa Negros Occidental.

Napag-alaman, matapos na makatangap ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek ay nagsagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ni P/Col. Salvador T. Alacyang, pinuno ng PNP-AKG Visayan Field Office, bilang paghahanda sa pagdakip sa suspek, kasama ang mga tauhan ng Bacolod Satellite Office at Hinagaran MPS. (JESSE KABEL)

129

Related posts

Leave a Comment