BINATIKOS ng dalawang senador ang “clearing operation team” ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez dahil sa ‘marahas’ na paghuli sa vendor nang ayaw nitong ibigay ang kanyang kariton sa pangkat ng tagapagpatupad ng batas sa lungsod. Sabi ni Senadora Nancy Binay: “Even the strictest law has a heart in the right place. In these trying times, compassion & the desire to help those in need should be the moral compass. Imbes na saktan, unawain at tulungan na lang sana”. Tinuran naman ni Senador Panfilo Lacson: “Justice and the rule of…
Read MoreDay: January 24, 2021
Matagal nang umiiral – Parlade RECRUITMENT NG CPP-NPA SA 18 UNIBERSIDAD
MATAGAL nang isinasagawa ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang pagrerekrut nila sa mga mag-aaral sa labingwalong pamantasan sa Metro Manila. Kasama sa 18 ang Ateneo de Manila University (ADMU) sa Quezon City at De La Salle University (DLSU) sa Maynila, banggit ni Lt. Gen. Antonio Parlade, hepe ng Southern Luzon Command (SolCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Isa rin si Parlade sa mga tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ahensiyang itinatag sa loob ng Office of…
Read MorePresyo ng bakuna malalaman ng publiko SA TAMANG PANAHON – ROQUE
TINIYAK ng Malakanyang na ipaaalam sa taumbayan ang tunay na presyo ng bakuna sa COVID-19 kapag naisapinal na ang kasunduan para sa gagawing pag-aangkat ng Pilipinas sa ibang bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang panahon na mabibigyan na ng buhay ang karapatan ng taumbayan na malaman ang buong detalye at impormasyon sa pinasok na transaksyon ng pamahalaan. May tamang panahon aniya para ipaalam sa taumbayan kung magkano talaga ang presyo ng bakuna na bibilhin ng Pilipinas sa iba’t ibang vaccine makers. Nakasaad aniya ito sa Saligang…
Read MorePara ‘bumango’ sa 2022 elections – Magalong COVID CASES DINADAYA NG LGUs
HABANG pinagdududahan ng ilang senador ang pambansang pamahalaan na ‘pinagkakakitaan’ ang bakunang galing sa Sinovac Biotech ng China ay kinakamada naman ng maraming alkalde ang numero ng kaso sa COVID-19 sa kani-kanilang nasasakupan bilang paghahanda sa halalang 2022. Nagdududa si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maraming namumuno sa local government units (LGUs) ang binabago ang numero ng mga residenteng tinamaan ng COVID-19 bilang paghahanda sa halalang 2022. Ibinunyag ni Magalong sa online press briefing ng Department of Health (DOH), na maraming pinuno sa LGUs ang sinadya ang pagtatago ng…
Read MoreResulta ng pandemya 5 MILYONG PINOY, JOBLESS
TUMAAS sa 5 milyon ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho mula noong kalagitnaan ng Marso ng nakalipas na taon hanggang Disyembre. Inamin ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan 500,000 sa kanila ay resulta ng pagsasara ng mga kumpanya dahil sa napakaliit ng kita sa negosyo. Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa “enhanced community quarantine” (ECQ) ang National Capital Region (NCR) dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19. Pagkaraan ng dalawang araw, isinama na ni Duterte ang buong Luzon sa ECQ o lockdown. Dahil…
Read MoreIsusulong ni Nograles sa Kamara PROTEKSYON SA LAW PROFESSIONALS
(BERNARD TAGUINOD) PINAG-AARALAN na ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang batas na ihahain sa mababang kapulungan ng Kongreso para mabigyang proteksyon ang mga alagad ng katarungan sa bansa. Kasabay nito, ikinatuwa ng mambabatas ang pagtutulungan ng Supreme Court (SC) at Department of Justice (DOJ) para aksyunan ang patuloy na pagpaslang sa mga law professional na umaabot na sa 56 mula noong 2016. Huling biktima ng pag-atake sa law prefessionals si Atty. Winston Intong na pinatay malapit sa kanilang bahay sa Malaybalay, Bukidnon noong nakaraang linggo, isang araw matapos…
Read MoreRoque napahiya SABLAY NA TELCO IPAKAKASTIGO KAY DUTERTE
IPARARATING ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nangyaring kapalpakan o pagbagsak ng network signal sa loob ng Malakanyang habang ongoing ang virtual press briefing nito, araw ng Huwebes. Tiniyak ni Sec. Roque na isasama niya sa isusumiteng ulat o rekomendasyon kay Pangulong Duterte ang kahiya-hiya aniyang nangyari sa kanyang virtual press briefing na nasaksihan ng buong bansa. Giit ni Sec. Roque, tila wala pa ring pagbabago ang napakahinang internet signal. Kaya ang tanong ni Sec. Roque ay kung kailan kaya mararanasan ng bansa ang sinasabi…
Read MorePRICE CEILING SA BABOY AT MANOK HIRIT NG SOLON
HINILING ni Senator Christopher “Bong” Go sa Executive Department na umaksiyon hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto ng baboy at manok sa bansa, sa pamamagitan nang pagpapatupad ng price ceiling dito. Nabatid na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy ay dahil sa kakulangan ng suplay nito dahil sa African swine fever (ASF) habang sumisipa rin ang presyo ng manok dahil naman sa ilegal na pagmamanipula ng ilang mapagsamantalang mga negosyante. “Umaapela ako sa executive department na pag-aralan ang pag-i-impose ng price ceiling sa karneng…
Read More
 
 
			 
			 
			 
			 
			 
			 
			