MAKARAAN ang sorpresang random drug test na ipinatupad ni EPD Director Brig. Gen. Matthew Baccay sa 76 pulis sa buong Eastern Police District noong Enero 12, agad sinibak ang dalawa sa mga ito makaraang magpositibo sa nasabing pagsusuri. Kinilala ang isinalang sa summary dismissal makaraang magpositibo sa confirmatory test, na sina Cpl. Regie Alilano ng Pasig City Police Sub-Station 6, at Pat. Arnel Agustin ng District Resource and Doctrine Development Office. Binalaan ni Dir. Baccay ang kanyang mga tauhan na itigil na ang kanilang ilegal na gawain dahil tuloy-tuloy ang…
Read MoreMonth: January 2021
P110-P274 TOLL FEE HIRIT SA SKYWAY
HINIHINTAY na lang ng San Miguel Corporation (SMC) ang desisyon ng Toll Regulatory Board (TRB) hinggil sa pagtataas ng toll fee sa SkyWay Stage 3. Inaasahan ng Central Metro Manila Skyway Corporation (CMMSC) na papaboran ng TRB ang kanilang petisyong P110 hanggang P274 toll fee mula sa unahan hanggang duluhan ng Skyway Stage 3, depende sa layo ng tatakbuhan ng mga sasakyan. Ang Skyway ay ang napakahabang elevated highway na proyekto ng SMC na nagdugtong sa South Expressway at North Expressway. Bagama’t mayroong bayad, tiniyak ng SMC na napakabilis ng…
Read More4 QUEZON CITY AREAS NA MAY MATAAS NA COVID-19 CASES, NI-LOCKDOWN
ISINAILALIM ng Quezon City government sa special concern lockdown ang apat na lugar ng lungsod kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 noong holiday season. Kabilang sa mga lugar ay ang No. 62 Agno Extension sa Barangay Tatalon; No. 1 Salary Street sa Barangay Sangandaan; No. 54 Interior, Magsalin Street sa Barangay Apolonio Samson; at 9C, 9D, 97 La Felonila Street sa Barangay Damayang Lagi, na tumaas ang kabuuang bilang ng lockdown areas hanggang anim. Ipinatupad ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ang special concern lockdowns sa…
Read More6 PRESO SA ANGELES NALASON SA MANOK *2 inmates sa Laguna namatay
ANGELES City – Anim na preso ang isinugod sa pagamutan sa lungsod na ito makaraang mabiktima ng food poisoning noong Martes. Ayon sa ulat, dakong tanghali nang dalhin sa ospital ang anim na ‘persons under police custody’ ng Angeles City Police Station 3 dahil sa pagkakalason umano sa kinaing manok na dala ng bisita ng isa sa kanila. Ayon kay Police Col. Rommel Batangan, officer-in-charge ng Angeles City Police Office, dumaing ang mga biktima ng pagkahilo at pananakit ng tiyan na may kasabay na pagsusuka at pagtatae makaraang kumain. Pagdating…
Read MoreKOREAN ARESTADO SA ONLINE PROSTITUTION
PAMPANGA – Arestado sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) noong Miyerkoles ang isang Korean na wanted sa kanyang bansa dahil sa pag-o-operate ng online prostitution advertising site. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang nadakip na si Seo Jungnam, 41, sa operasyon sa Amor Riverside Anunas, Angeles City, Pampanga ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit (BI FSU). Isinagawa ang operasyon sa tulong ng Korean authorities matapos makatanggap ng impormasyon na si Seo ay pugante sa kanilang bansa at may Interpol Seoul Notice na inisyu noong Disyembre.…
Read MorePARATING NA COVID-19 VACCINES PINAGHAHANDAAN NA NG BOC
SINIMULAN na ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang pakikipagtulungan sa kanilang partner agencies at warehouse operators para sa paparating na mga awtorisadong Covid-19 vaccines. Pinangunahan ng BOC-NAIA ang video conference noong Enero 13, 2021 kasama ang labing apat (14) na ahensiya ng gobyerno. Ang mga ito ay kinabibilangan ng kinatawan mula sa Department of Health (DOH) na si Dr. Susana Castillo, Engr. Luzviminda Garcia, Heidi Umadac, Dr. Mico Amansec, Dr. Ariel Valencia at Alice Nader mula sa Global Alliance for Vaccination and Immunization. Kasama rin sa nakiisa ay ang…
Read MoreKITA NG BOC TUMAAS DAHIL SA POST CLEARANCE AUDIT
Bilang bahagi ng hakbang ng Bureau of Customs’ (BOC) sa pagkulekta ng naaayon sa batas na kita, ang Bureau sa pamamagitan ng Post Clearance Audit Group (PCAG) ay nakaabot ng accomplishments dahil sa pagsisikap ng kanilang Post Clearance. Sa kanilang report, ang Post Clearance Audit Group ay binigyan diin ang tagumpay ng kanilang koleksyon ng karagdagang mga kita para sa nakaraang taon 2020. Tinatayang may halagang Php 1.2 billion bilang bahagi ng 168 Audit Notice Letters (ANL) insyu para sa parehong taon. Karagdagan ito para sa ANLs at revenues collected…
Read MoreMICP CUSTOMER CARE CENTER PINASINAYAAN
Isa na namang Customer Care Center (CCC) na nasa ilalim ng Bureau of Customs na makatutulong sa lalo pang pagpapaganda ng serbisyo sa stakeholders, partners at transacting public ng Aduana ang pinasinayaan kamakailan. Kumpleto na ang listahan ng Collection Districts na nagbukas at nag-o-operate ng tinatawag na Customer Care Center (CCC), dahil kasama na rin ngayon ang Manila International Container Port (MICP) na nagpasinaya sa kanilang sariling CCC. Ito ay magsisilbing isang one-stop-shop na malaki ang magagawa para mapadali sa mga Customs stakeholders ang pakikipag-transact sa Port. Ito rin ay…
Read MoreP32-M MGA MAKINA SA PAGGAWA NG SIGARILYO, IBA PANG PARAPHERNALIA SINIRA NG BOC-POM
JOEL O. AMONGO Bilang bahagi ng pangako ng Bureau of Customs’ (BOC) na pigilan ang smuggling at pagkalat ng illegal cigarettes, sinira ng Port of Manila (POM) ang kanilang nakumpiskang mga sigarilyo at cigarette label making machines. Bukod sa mga makina na gamit umano sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo ay sinira rin ang iba pang materyales na gamit sa paggawa ng pekeng selyo at labels ng nabanggit na produkto. Ang aktibidad ay isinagawa sa isang pasilidad sa Carmona, Cavite at sinaksihan ito ng mga personnel mula sa Port’s…
Read More