Defensor sa Cha-Cha PAGSASAYANG NG PERA NG BAYAN

NAGSASAYANG lang ng pera ng bayan ang mababang kapulungan ng Kongreso kung hindi makukumbinsi ni House Speaker Lord Allan Velasco ang kanilang mga counterpart sa Senado na suportahan ang kanilang Charter Change (Cha-Cha). Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaugnay ng economic Cha-Cha na nakatakdang isalang sa plenaryo ng Kamara matapos aprubahan ng House committee on constitutional amendments ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 na inakda ni Velasco. Tatlong beses lang nagpatawag ng pagdinig ang chairman ng nasabing komite na si Rep. Alfredo Garbin Jr.…

Read More

MGA OFW NA MAY KARAMDAMAN, HUMIHINGI NG SAKLOLO

NAG-VIRAL ­kamakailan sa social media ang video message ng isang OFW mula sa ­Riyadh, Saudi Arabia na ­nananawagan na siya ay masaklolohan upang makauwi na sa Pilipinas. Kahabaghabag ­talaga ang hitsura ng ating ­kabayani na nakilalang si OFW Amalia Velasco Cogollo dahil sa sobrang pangangayayat nito na makikita ang hapis na hapis niyang mukha. Nang aking ­matanggap ang impormasyon at kopya ng video na ito na ipinadala ni Usec ­Penelope Belmonte na nagmula sa kamag-anak ni OFW Amalia ay agad ko itong ipinarating sa ­ating Welfare Officer sa ­Riyadh at…

Read More

KITA-KITA NA LANG SA 2022

BINIGLA ng Korte Suprema ang sambayanan nang ipasya nito ang ‘dismissal’ o pagpapa-walang bisa sa election protest na isinampa ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay Bise Presidente Leni Robredo. Ito ay makaraang labing limang (15) mahistrado ang pumabor sa kaso at kahit isa ay walang tumutol sa kanila bilang mga miyembro ng Presidential Electoral Tribunal o PET. Hindi pa inilalabas ng Supreme Court o SC kung ano-ano ang naging batayan ng mga mahistrado habang isinusulat ang pitak na ito kung kaya hindi tayo makapagbigay ngayon ng konklusyon kung…

Read More

PINAS KAKAPUSIN NG COVID VACCINE

HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at United States. Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna ngayong taon para maisakatuparan ang vaccination program. “Sa first quarter, second quarter, magkakahirapan pa rin po tayo dahil kasi ‘yong karamihan ng mga western vaccines ay ginagamit po ng mga tiga Europe at America,” ayon kay Galvez. “Kung titingnan po natin ‘yong…

Read More

METRO MAYORS PINABORAN SA SENADO

PINABORAN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang posisyon ng Metro Manila mayors na humihiling sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na irekonsidera at pag-aralan pa nang husto ang planong pagbubukas ng tradisyunal na sinehan sa gitna ng banta ng COVID-19. Sa pahayag, sinabi ni Go na sang-ayon siya sa posisyon ng mga alkalde sa Kamaynilaan na pag-aralan muna ang pagbubukas ng sinehan sa malls dahil delikado pa. Naunang sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez na kapag binuksan ang sinehan, makababangon ang entertainment industry…

Read More

GOBYERNO KAYANG PONDOHAN ANG P10K AYUDA KADA PAMILYA

MAY mapagkukunan ng pondo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para makapagbigay ng panibagong bugso ng ayuda partikular ang tig-sampung libong piso para sa hanggang 20 milyong pamilyang Pilipino. Binigyang-diin ito ni Camarines Sur 2nd Dist. Rep. Luis Raymund Villafuerte. Ayon sa Bicolano congressman, base sa website ng Department of Budget and Management (DBM), ang national government ay mayroon pang P204 bilyon unobligated, ibig sabihin ay walang malinaw kung saan ilalagay o gagamitin na pondo na “as of December 31, 2020”. Sinabi ng kongresista na bukod dito, mayroon pa aniyang…

Read More

PARUSA SA PAMEMEKE NG COVID TEST PABIBIGATIN

HINDI umano dapat ituring bilang isang simpleng pamemeke ng public document o health record ang pandaraya sa COVID-19 test results dahil nailalagay nito sa peligro ang kaligtasan at kalusugan ng marami kung kaya marapat lamang na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga gumagawa nito. Ito ang binigyan-diin ni Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian sa inihain niyang House Bill (HB) No. 8643. Kasabay nito, nagpahayag ng kalungkutan ang mambabatas dahil posibleng sa mahal ng COVID-19 testing, may iba na mas piniling magpagawa na lamang ng pekeng…

Read More

Nasukol ng mga tauhan ni P/Col. Cardiño TOP I MOST WANTED SA ZAMBALES TIMBOG

NASUKOL ang isang top 1 most wanted person na may kasong rape, ng mga elemento ng PNP San Narciso, Zambales, sa pangunguna ni P/Maj. Jonathan C. Bardaje Acop, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Romano V. Cardiño, provincial director, sa Brgy. Bliss St., La Carlota City, Negros Occidental. Kinilala ni P/Col. Cardiño ang suspek na si Angel Obispo II y Dacayo, residente ng Brgy. Sang-ang II, La Castellana, Negros Occidental, nadakip dakong alas-9:40 ng gabi noong Pebrero 14, bilang bahagi ng one-time big-time operation, sa joint police operations ng mga…

Read More

3 BUMULAGTA SA BUY BUST OPS

CAVITE – Tatlong hinihinalang drug pusher ang patay makaraang makipagpalitan ng putok sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang mga napatay na sina Warlito Sinsay ng Brgy. Pasong Camachille 2, Gen. Trias City; alyas “Bong Samala” ng Naic, at Aldrin Fernandez, 30, ng Brgy. Ibayo Estacion, Naic. Ayon sa ulat, dakong alas-8:40 noong Lunes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Gen. Trias City Police sa Phase 3, Lancaster New City, Brgy. Tapia sa…

Read More