5 NAG-JAMMING SA BANGKA, ARESTADO

IBINALIBAG sa selda ang limang mangingisda makaraang maaktuhan habang bumabatak ng umano’y shabu sa isang abandonadong bangkang pangisda sa Navotas City. Alas-3:30 ng hapon noong Martes, nagpapatrolya ang Maritime Police sa Pier 5 Navotas Fish Port Complex sa Brgy. North Bay Boulevard North nang may marinig sila na parang mga nagkakasiyahan. Nang tuntunin ang pinagmumulan ng ingay ay nabulagang nagpapasahan ng tooter habang humihigop ng usok ng shabu sina Joseph Mendoza, 36; Eduardo Bataanon, 49; Pepito Liwanag, 56; Sonny Umpad, 31, at Alejandro Dayao, 48, pawang mangingisda. Kasama ring dinampot…

Read More

TANDEM TIKLO SA SHABU

ARESTADO sa Maritime Police ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo nang mahulihan ng shabu matapos sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet noong Lunes ng gabi sa Navotas City. Swak sa hoyo sina Francis Valiente, 27, mensahero, ng St. James, Sisa Exit, Tinajeros, Malabon City; at Jhon Mark Durana, 23-anyos. Alas-6:00 ng gabi, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga parak sa harap ng Boss Ben, Market 1 Gate sa Bulungan St., Navotas Fish Port Complex, Brgy. North Bay Boulevard North. Hinanapan ng mga pulis si Valiente ng driver’s license at…

Read More

4 DINAKMA SA TUPADA

NAGPULASAN ang mga sabungero nang salakayin ng mga tauhan ng Manila Police District ang isinasagawang tupada sa isang abandonadong bahay ngunit apat sa mga ito ang nadakma sa Tondo, Manila noong Linggo ng tanghali. Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree (PD) 1602 na inamiyendahan sa Republic Act 9287 (illegal gambling) ang mga nahuli na sina Richiemon Aban, 32, security Guard; Leodefaio Arboleda, 41, vendor; Reggie Gabon, 27, estibador, at isang Jaymark Pasco, 25, vendor, pawang mga residente sa Parola Compound, Tondo. Base sa ulat ni P/Lt. Cristobal Duque na…

Read More

3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NAVOTAS

TATLO sa walong COVID-19 patients na nagpositibo sa swab test ang binawian ng buhay sa Navotas City nooong Pebrero15 habang dalawa lamang ang gumaling. “Marami po sa mga nagpositibo nitong mga nakaraang araw ay mga naghahanap ng trabaho o nagtatrabaho. Dahil sa COVID-19, pansamantalang mahihinto ang kanilang kabuhayan. Kaya nga po ingatan natin ang ating sarili at gawin ang lahat ng makakaya para hindi mahawaan. Kalusugan po at kabuhayan ang nakasalalay rito,” ani Mayor Toby Tiangco. “Parating mag-mask at face shield. Iwasan muna ang pakikipagsalo-salo at pakikipagtipon-tipon. Dumistansya ng 1-2…

Read More

Away sa parking QCPD OFFICIAL VS TAXI DRIVER

NALALAGAY sa balag ng alanganin ng isang mataas na opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang ireklamo ng isang taxi driver sa People’s Law Enforcement Board (PLEB) kamakailan. Si P/Lt. Col. Ariel Capocao, Deputy Director for Operations ng QCPD, ay kinasuhan sa PLEB ng “grave misconduct, conduct unbecoming of a police officer and oppression” ni Marlon Bacsal, taxi driver. Nag-ugat ang alitan nina Capocao at Bacsal dahil sa usapin ng parking. Ayon sa reklamo ni Bacsal, inutos sa kanya ni Capocao na alisin ang kanyang taxi na nakaparada sa…

Read More

COVID-19 CASES TUMAAS SA 8 LUNGSOD NG NCR

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa walong syudad sa National Capital Region (NCR). Ang mga ito ay ang Pasay, Makati, Las Piñas, Malabon, Pasig, Navotas, Valenzuela at Maynila, pahayag ng DOH nitong Martes. Mayroong labing-anim na lungsod at isang munisipalidad ang NCR. Ayon sa DOH, nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ang walong lungsod. Ngunit hindi kasing taas ng mga kaso ng COVID-19 noong nakaraang mga linggo. Inihayag ni Dr. Alethea de Guzman, ng DOH-Epidemiology Bureau, ang “Healthcare Utilization Zone”…

Read More

GOBYERNO KAYANG PONDOHAN ANG P10K AYUDA KADA PAMILYA

MAY mapagkukunan ng pondo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para makapagbigay ng panibagong bugso ng ayuda partikular ang tig-sampung libong piso para sa hanggang 20 milyong pamilyang Pilipino. Binigyang-diin ito ni Camarines Sur 2nd Dist. Rep. Luis Raymund Villafuerte. Ayon sa Bicolano congressman, base sa website ng Department of Budget and Management (DBM), ang national government ay mayroon pang P204 bilyon unobligated, ibig sabihin ay walang malinaw kung saan ilalagay o gagamitin na pondo na “as of December 31, 2020”. Sinabi ng kongresista na bukod dito, mayroon pa aniyang…

Read More

MABIGAT NA PARUSA SA PAMEMEKE

HINDI umano dapat ituring bilang isang simpleng pamemeke ng public document o health record ang pandaraya sa COVID-19 test results dahil nailalagay nito sa peligro ang kaligtasan at kalusugan ng marami kung kaya marapat lamang na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga gumagawa nito. Ito ang binigyan-diin ni Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian sa inihain niyang House Bill (HB) No. 8643. Kasabay nito, nagpahayag ng kalungkutan ang mambabatas dahil posibleng sa mahal ng COVID-19 testing, may iba na mas piniling magpagawa na lamang ng pekeng…

Read More

DRY-RUN NG FACE TO FACE CLASSES, SIMULAN NA

SUPORTADO ni Senador Nancy Binay ang nais ni Education Secretary Leonor Briones na magsagwa na ng dry run ng face-to-face classes sa ilang paaralan na nasa lugar na mababa ang kaso ng COVID-19. “I share the Sec. Liling’s position na mag-conduct ng dry run of face-to-face classes in select schools in areas where there are low-risk or zero-incidences of COVID-19 as long as strict health and safety protocols are implemented in school and community levels,” pahayag ni Binay. Sinabi ng senador na hindi maaaring patagalin pa ang pagkulong sa mga…

Read More