LAGUNA – Nahaharap sa kasong homicide and multiple physical injuries ang isang motorcycle rider makaraang mabundol ang apat na babae habang naglalakad sa Brgy. Canlalay, Biñan City sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Ayon sa ulat kay Biñan City Police chief, Lt. Col. Giovanni Martinez, natukoy ang suspek na si Armindo Gamboa y Evarola, 36. Kinilala naman ang namatay sa insidente na si Jessica Rodriguez y Tarosa, 25-anyos, habang sugatan sina Rubegem Engco, 24; Angela Remoquillo y Belen, 19, at Roselyn Yuzon y Guico, 24, pawang mga residente…
Read MoreMonth: March 2021
1,185 PASAWAY SA PROTOCOL, HULI SA BULACAN
BULACAN – Umabot sa 1,185 katao ang nadakip ng pulisya sa ipinatutupad na health protocols laban COVID-19 sa lalawigan. Base sa report ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, kabilang din sa nadakip ng mga awtoridad ang 13 sugarol sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng Meycauayan PNP at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Barangay Lawa, Meycauayan City at Sapang Palay, San Jose del Monte City. Samantala sa 1,185 protocol violators na nasakote ng Bulacan PNP sa tatlong siyudad at 21 bayan, dalawang citation tickets ang inisyu dahil sa paglabag…
Read MoreDATING KAGAWAD ITINUMBA NG TANDEM
PATAY ang isang negosyanteng dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng riding in tandem noong Linggo ng hapon sa Malabon City. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan, ang biktimang si Ricky Legaspi, 51, residente sa Adante St., Brgy. Tañong. Lumabas sa inisyal na imbestigayon ng pulisya, dakong alas-2:20 ng hapon, nagtungo ang biktima sa Estrella St., Brgy. Tañong at nang iparada ang kanyang motorsiklo ay pinagbabaril ng hindi kilalang gunman. Pagkaraan ay mabilis na sumakay ang gunman sa gate-away motorcycle na…
Read MorePHYSICAL MASSES SA CUBAO, NOVALICHES SINUSPINDE
SINUSPINDE ang pagsasagawa ng misa ng Diocese of Cubao at Novaliches na pawang nasa Quezon City, dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa buong siyudad. Pumayag sina Bishop Most Rev. Fr. Honesto Ongtioco ng Cubao at Bishop Most Rev. Fr. Roberto Gaa ng Novaliches na suspindehin muna pansamantala ang kanilang physical masses matapos ipresenta ni Mayor Joy Belmonte ang data mula sa OCTA research na nagpapakita ng pagdami COVID-cases noong nakaraang Sabado. Ang parehong dioceses ay ipinagbabawal na ang physical masses bago pa man mag-isyu ng bagong panuntunan…
Read MoreCASUALTY SA KAMARA NADAGDAGAN
ISA pang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pumanaw nitong Lunes dahil sa COVID-19. Sa media viber group kasama ang Media Affairs and Public Relations Service (MAPRS), inanunsyo ang pagpanaw ng isang empleyado ng nasabing tanggapan na si Mar Castro. “Mga kapatid sa media. We just wish to inform you that our staff Mar Castro just passed away this morning from COVID. May he rest in peace,” ayon sa isang kasamahan ni Castro. Ang nasabing tanggapan ang umaasiste sa mga kagawad ng media sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nabatid…
Read More5 PA NASAWI SA CAMANAVA
LIMA ang nadagdag na bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 21 habang lumobo na sa 3,348 ang active cases. Sa Caloocan City, isa ang patay habang 1,005 ang active cases. Umabot na sa 16,329 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 14,799 na ang gumaling at 525 ang namatay. Dalawa naman ang patay sa Malabon City dahil sa pandemya, 140 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,254 na ang positive cases sa siyudad, 789 dito ang active…
Read MoreLOCKDOWN AREAS SA QC, UMAKYAT SA 41
MULI na namang nadagdagan ang bilang ng special concern lockdown areas (SCLA) sa Quezon City, na mula sa dating 34 kamakailan ay naging 41 na sa kasalukuyan. Sa nakuhang data sa official Facebook page ng Quezon City government, ang mga isinailalim sa SCLA ay ang mga sumusunod: No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato; K-9th Street, Barangay West Kamias; bahagi ng Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia; No. 138 -178 Orchids Street and No. 153-165 Jasmin Street, Barangay Central; No. 43 Salvador St., Barangay Krus Na Ligas; bahagi…
Read MoreALIENS BINALAAN VS FAKE QUARANTINE BOOKINGS
NAGBABALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente laban sa ‘arriving aliens’ na magsusumite ng fake quarantine bookings, na agad nilang pababalikin ang mga ito sa pinanggalingang bansa. Ang babala ni Morente ay inisyu kasunod ng implementasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases resolution hinggil sa pagsususpinde ng pagbiyahe ng mga dayuhan patungo sa Pilipinas. “Only certain classes of foreign nationals will be allowed starting today, until April 21,” ani Morente. “Despite this, we will still deport aliens who try to evade quarantine.” Babala…
Read MoreSa QC shootout PDEA UNANG NAGPAPUTOK?
HINDI pa batid ng National Bureau of Investigation (NBI) kung kailan matatapos ang imbestigasyon ukol sa madugong engkuwentro ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) dahil binubusisi pa nang husto ng mga imbestigador ang kaso. Kasama sa mga inaalam ay kung sinu-sinong mga miyembro ng QCPD at PDEA ang sangkot sa barilan, kung ilan ang eksaktong bilang ng mga nagpaputok ng kanilang mga baril, kung anu-anong bala ang nakuha sa mga namatay at sa crime scene at layo ng mga bumaril sa…
Read More