5 PA NASAWI SA CAMANAVA

LIMA ang nadagdag na bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 21 habang lumobo na sa 3,348 ang active cases.

Sa Caloocan City, isa ang patay habang 1,005 ang active cases. Umabot na sa 16,329 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 14,799 na ang gumaling at 525 ang namatay.

Dalawa naman ang patay sa Malabon City dahil sa pandemya, 140 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,254 na ang positive cases sa siyudad, 789 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 40 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 7,175 ang ang recovered patients at 290 ang COVID death toll.

Dalawa rin ang namatay sa lungsod ng Navotas at sumampa sa 723 ang active cases makaraang 99 ang magpositibo at 58 lamang ang gumaling.

Umabot na sa 7,105 ang tinamaan ng COVID-19 sa fishing capital. Sa bilang na ito ay 6,164 na ang gumaling at 218 ang namatay.

Walang nadagdag sa 298 pandemic fatalities ng Valenzuela City ngunit lumobo naman sa 831 ang active cases matapos na 115 ang magpositibo at walang naitalang gumaling.

Sumampa na sa 11,606 ang confirmed cases sa lungsod kung saan 10,477 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling. (ALAIN AJERO)

 

414

Related posts

Leave a Comment