PHYSICAL MASSES SA CUBAO, NOVALICHES SINUSPINDE

SINUSPINDE ang pagsasagawa ng misa ng Diocese of Cubao at Novaliches na pawang nasa Quezon City, dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa buong siyudad.

Pumayag sina Bishop Most Rev. Fr. Honesto Ongtioco ng Cubao at Bishop Most Rev. Fr. Roberto Gaa ng Novaliches na suspindehin muna pansamantala ang kanilang physical masses matapos ipresenta ni Mayor Joy Belmonte ang data mula sa OCTA research na nagpapakita ng pagdami COVID-cases noong nakaraang Sabado.

Ang parehong dioceses ay ipinagbabawal na ang physical masses bago pa man mag-isyu ng bagong panuntunan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Bukod sa misa, ipinagbabawal din sa mga simbahan ang iba pang aktibidad mula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021. (JOEL O. AMONGO)

208

Related posts

Leave a Comment