PITO ang naitalang bagong namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at sumipa sa 610 ang active cases noong Marso 12. Umabot naman sa 15,329 ang confirmed cases sa lungsod. Sa bilang na ito ay 14, 224 ang gumaling at 495 ang namatay. Habang tatlo ang bagong namatay sa Malabon City at 77 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 7,637 ang positive cases sa Malabon, 642 dito ang active cases. Nadagdagan naman ng 57 pasyente ang bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,720 ang recovered patients ng lungsod…
Read MoreMonth: March 2021
DATING OPISYAL NG MPD, PATAY SA COVID
PATAY dahil sa mapinsalang SARS COV-2 ang isang dating opisyal ng Manila Police District nitong Sabado ng madaling araw sa pinagdalhang pagamutan sa Quezon City. Si P/Lt. Col. Eugenio Extramadura, nakatalaga bilang hepe ng Regional Headquarters Support Unit sa National Capital Regional Police Office sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, ay namatay bandang ala-1:00 ng madaling araw habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City. Ayon sa ulat, si Lt. Col. Extramadura ay nagpositibo sa SARS-COV2 kaya na-confine sa nabanggit na pagamutan. Bago natalaga si Extramadura sa…
Read MoreSa mga lugar na mataas ang covid cases PULIS, SUNDALO SA LANSANGAN DARAGDAGAN
ASAHAN na ng publiko lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na kaso ng COVID-19 ang maraming bilang ng kapulisan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang direktiba ay ipinalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kailangang ipatupad ng Philippine National Police (PNP). “It is a national policy now,” ayon kay Sec. Roque. Sa ulat, sa ilalim ng direktiba ng DILG ay ipinag-utos nito ang pagdaragdag ng bilang ng kapulisan at maging ng mga sundalo sa lansangan at key areas kung saan may matataas…
Read MorePalasyo sa ‘bloody Sunday’ raids PATAS NA IMBESTIGASYON TINIYAK
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na magiging patas ang Department of Justice sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa marahas at sabay-sabay na raid ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ng ilang aktibista sa rehiyon ng Calabarzon, noong nakaraang Linggo, na ikinamatay ng siyam katao. “We are confident with that probe because no less than Justice Secretary Menardo Guevara wants to get hard answers from the law enforcement agencies,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Nagsalita na aniya si Justice Secretary Menardo Guevarra sa kanyang naging obserbasyon na may mga…
Read MoreNawalan ng trabaho sa pandemya PINASASAKOP SA BATAS NA NAG-AALIS NG BAYARIN SA MGA DOKUMENTO
NAIS ni Senador Lito Lapid na amyendahan ang batas kaugnay sa pag-aalis ng fees at iba pang bayarin para sa mga first time jobseekers upang saklawin na rin ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Inihain ni Lapid ang Senate Bill 2090 na naglalayong amyendahan ang RA 11261 o ang “First Time Jobseekers Assistance Act”. Alinsunod sa panukala lahat ng ahensya ng gobyerno kabilang na ang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), Local Government Units (LGUs), at hindi na maniningil ng anomang fees o charges mula sa mga jobseeker na…
Read MoreDUQUE KINALAMPAG SA ESTADO NG BENEPISYO NG HEALTH WORKERS
HINIMOK ni Senador Sonny Angara si Health Secretary Francisco Duque III na maglabas ng update hinggil sa pamamahagi ng benepisyo sa health workers sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan 2. Sa kanyang sulat noong March 12, hiniling ni Angara, bilang chairman ng Senate Committee on Finance at sponsor ng Bayanihan 2 kay Duque na isumite ang update ng status ng mga benepisyo ng mga health care worker kasunod ng ulat na mayroon pa ring hindi nakatatanggap ng benepisyo. Ito ay makaraang ilang health workers…
Read More18K PULIS MAGPAPATUROK NG SINOVAC VACCINE
MAHIGIT 18,000 on duty na mga opisyal at kasapi ng Philippine National Police (PNP) ang nagpalista sa programang baksinasyon upang maging ligtas sa coronavirus disease -2019 (COVID-19). Ang bilang na ito ay batay sa rekord ng PNP-Administrative Support for COVID-19 Task Force (PNP-ASCOTF). Nabanggit din sa rekord na boluntaryo ang pagpapaturok ng mga opisyal at kawani ng PNP. Tiniyak ni Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, PNP Officer-in-Charge (OIC) na hindi pinuwersa ang mga opisyal at kasapi ng PNP na magpabakuna. Si Eleazar na siyang PNP Deputy Chief for Administration at…
Read MorePACQUIAO PUMALAG KAY CUSI
BINANATAN ni Senador Manny Pacquiao si Energy Secretary Alfonso Cusi sa pagtatangka anyang hatiin ang ruling PDP-Laban party para sa kanyang pansariling interes. Sa ngayon si Pacquiao ang tumatayong acting president ng PDP-Laban habang acting vice-chairman ni Cusi at ang chairman ay si Pangulong Rodrigo Duterte. May kinalaman ito sa ulat na umiikot na umano si Cusi at kinokunsulta ang kanilang partymates hinggil sa resolution na nananawagan kay Pangulong Duterte para kumandidato bilang vice president sa 2022. “Huwag mong dini-divide yung isipan ng mga miyembro ng partido para gamitin mo…
Read MoreMGCQ SUSUBUKAN NGAYONG ABRIL
INAASAHAN na magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buwan ng Abril kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte na siya ay mapangahas na bigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya upang tulungan ang mga tao na nagugutom na makapagtrabaho sa gitna ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases at ang kakulangan ng suplay ng bakuna. “Quarantine classifications are decided on a monthly basis. So, we are…
Read More