MGCQ SUSUBUKAN NGAYONG ABRIL

INAASAHAN na magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buwan ng Abril kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte na siya ay mapangahas na bigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya upang tulungan ang mga tao na nagugutom na makapagtrabaho sa gitna ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases at ang kakulangan ng suplay ng bakuna.

“Quarantine classifications are decided on a monthly basis. So, we are looking at opening the economy by April. It is still mid-March,” ayon kay Sec. Roque.

Aniya, ang pag-extend ng lockdowns ay nangangahulugan ng pinahabang mga paghihirap.

Magkagayon man, mahigpit na mino-monitor ng pamahalaan ang two-week attack rate, daily attack rate, at health care utilization rate ng bansa bilang bahagi ng pagsusuri kung handa na ba ang bansa sa transisyon sa itinuturing na “most relaxed” modified General Community Quarantine (MGCQ) status.

Sa ilalim ng MGCQ, ang isang lugar ay maaari lamang i-occupy ng hanggang 50%.

Nananatili naman ang posisyon ni Sec. Roque na ang pagpapaluwag sa quarantine restrictions ay hindi nangangahulugan na iko-kompromiso na ang kalusugan ng populasyon dahil natuto na aniya ang bansa na iakma ang sitwasyon sa mag-iisang taon nang pandemiya sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

328

Related posts

Leave a Comment