NAGSIMULA nang rumatsada sa lungsod ng Maynila at Caloocan ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa senior citizens. Sa inilabas na schedule ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kabilang sa senior citizens na binakunahan noong Marso 29 ay ang mga taga-Barangay 128 at 32 sa District 1; Barangay 154 at 210 sa District 2; Barangay 345 at 377 sa District 3; Barangay 576 at 419 sa District 4; Barangay 704 at 803 sa District 5, at Barangay 627 at 604 sa District 6. Una na ring nabakunahan ang senior citizens…
Read MoreMonth: March 2021
7 PA PATAY SA CALOOCAN, MALABON
TATLO pa ang nadagdag na namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at apat naman sa Malabon City noong Marso 28. Umakyat na sa 117,352 ang confirmed cases sa Caloocan, kung saan 15,699 na ang gumaling, 1,115 ang active cases at 538 ang death toll. Ayon naman sa Malabon City Health Department, 47 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa at sa kabuuan ay 9,072 na ang positive cases, sa bilang na ito ay 1,061 ang active cases. Habang 74 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan…
Read More5 REBELDE SUMUKO
LIMANG dating rebelde ang sumuko sa pinagsanib na pwersa ng AFP-PNP sa tatlong magkakahiwalay na usapang pangkapayapaan sa buong Calabarzon, ilang araw bago ang anibersaryo ng New People’s Army. Ayon sa tagapagsalita ng 2nd Infantry Division na si Capt. Jayrald Ternio, ang mga rebeldeng New People’s Army na sina alyas “Gio” at alyas “Patrick” na pawang nag-o-operate sa bulubunduking probinsya ng Quezon, ay nagbalik-loob noong Marso 25 sa Brgy. Salipsip, Polilio, Quezon at isinuko ang .45 kalibre, .38 kalibreng baril, at isang granada. Isang alyas “JM” naman na miyembro rin…
Read MoreDISC JOCKEY PINATAY NG PERSONAL DRIVER
NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), sa pamamagitan ni Executive Director Usec. Joel Sy Egco, sa pamilya ng comedian at disc jockey na si Rizalino Torralba ng DYRD102.3 Kiss FM, o kilala bilang “Inday Ruping,” sa pagkamatay nito. “We at the Presidential Task Force wish to extend our deepest condolences and sympathies to the family, friends and colleagues of Rizalino Torralba. We are greatly saddened for your loss.” Si Torralba, miyembro ng LGBTQ community, ay namatay matapos umanong barilin ng kanyang personal driver na si…
Read MoreFUGITIVE RAPE SUSPECT NABITAG NG PNP-AKG
ISANG lalaking wanted sa kasong rape ang nadakip ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo sa inilunsad na law enforcement operation sa Brgy. Cambanac, munisipalidad ng Baclayon, lalawigan ng Bohol. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni P/Brig. Gen. Estomo, kinilala ang arestado na si Jefferson Borja Arosa, suspek sa panggagahasa sa kanyang pamangkin. Armado ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Leo Moises Lison, presiding judge ng RTC Branch 3, 7th Judicial Region, Tagbilaran City, Bohol, isinagawa ang paghuli…
Read MorePOGO BUILDING GAGAWING COVID ISOLATION FACILITY
CAVITE – Pansamantalang gagawing isolation facility para sa COVID-19 patients ang nakatiwangwang na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) facilities sa Imus City sa lalawigang ito. Ayon kay Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, dahil sa dumaraming bilang ng mga COVID-19 positive sa bansa, maging ang Lungsod ng Imus ay namomoblema na rin dahil puno na ang anim na ospital kaya naisipan na pansamantalang ipagamit ang nakatiwangwang na POGO building. Ang POGO building ay matatagpuan sa Brgy. Palico 4 ng naturang Lungsod. Ang pasilidad ay orihinal na itinayo para sa in-house POGO…
Read MoreMaynila, paboritong puntahan ng mga manlalaro ng NBA
APATNAPU at pitong taon na noong Lunes nang nakaraang linggo, ang manlalaro ng NBA na si Elgin “Mr. Inside” Gay Baylor ay dumating sa Maynila kasama ng kauna-unahang koponan ng NBA All Star na naglaro dito sa bansa. Si Baylor na tinawag ding “Rabbit” at namayapa na noong Marso 22 sa Los Angeles, California ay maraming naiwang alaala sa mga Pilipinong mahilig sa larong basketbol dahil sa kahusayan niyang lumusot gamit ang kanyang akrobatikong paggalaw sa ilalim ng basket. Walong manlalaro pa buhat sa iba’t ibang koponan sa kauna-unahang liga…
Read MoreOFW VILLAGE PANGARAP NG MGA OFW
LAGING tagubilin ng aking yumaong ama na hindi masama ang mangarap. Dahil ang mga munting pangarap ay maaring gawing isang inspirasyon. Naalala ko tuloy noong katatapos ko lang maka-graduate sa aking kurso at naging dentista, ay agad akong nangarap na magkaroon ng sariling bahay at klinika, kaya ang aking ginawa ay nagpaguhit ako sa isang kaibigang arkitekto ng isang bahay na may klinika. Ito ay aking idinikit sa wall na nakaharap sa akin sa tuwing ako ay nakahiga sa aking kama. Sa paggising sa umaga ay ito ang agad kong…
Read MoreBIYAHE NG HUMAN TRAFFICKING VICTIM, MAY GO SIGNAL NG TCEU?
MAY pahintulot ba mula sa Travel Control Enforcement Unit (TCEU) na nakabase sa NAIA ang pag-alis ng sinasabing biktima ng human trafficking sa bansang Syria? Ayon sa ating source, makikita sa naka-encode na remarks sa travel record ng Pinay OFW na pinayagan ng TCEU ang pag-alis nito sa bansa kung saan ay walang special treatment o escort service na nangyari. Matatandaang kasama sa isiniwalat ng isang senador na umano’y raket ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang human trafficking na ilang mga kababayan nating Pinay ang ibinenta…
Read More