INTERNET SPEED MULING PINUNA SA SENADO

MULING pinalagan ni Senador Win Gatchalian ang patuloy na mabagal na internet connectivity sa bansa halos tatlong buwan matapos lumipas ang ultimatum ng pangulo sa telecommunications companies na ayusin ang kalidad ng kanilang serbisyo. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na pinalala pa ito nang mabagal na pagtugon ng mga telcos sa mga reklamo ng kanilang subscribers na may kinalaman sa mobile data at palyadong broadband services. “Hindi na natin kailangan pang ipagdiinan na hindi nasusulit ng mga tao ang binabayaran nilang serbisyo. Ang mas hindi katanggap-tanggap ay ang kawalan ng…

Read More

P10K AYUDA BILL HUWAG HALUAN NG PULITIKA -SOLON

UMAPELA ang isang mambabatas mula sa lalawigan ng Cavite sa mga kasamahan sa mababang kapulungan ng Kongreso na iwasang mahaluan ng pulitika ang panukalang P10 libong ayuda sa mahihirap upang mapabilis ang pagpasa nito. Ang panukala ay binuo ng tinaguriang BTS o Balik sa Tao ang Serbisyo group ng Kongreso. Naniniwala si General Trias City 6th District Congressman Jonjon Ferrer na nararapat lamang na agad upuan at balangkasin ang importansiya ng inihaing 10K Ayuda bill dahil ang pakinabang nito ay para sa mga pamilyang labis na naghihirap dulot ng nararanasang…

Read More

4.7 INFLATION RATE NAITALA NOONG PEBRERO

HIGIT pang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong nakalipas na Pebrero. Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumirit sa ikalimang sunod na buwan ang naitalang 4.7 inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Pilipinas. Kumpara noong Enero, bumilis ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin mula sa 4.2 percent inflation kung para sa 4.7 nitong February 2021. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang mabilis na pag-akyat ng halaga ng raw materials para sa pagkain at non-alcoholic…

Read More

ARMY MAY BAGONG PINUNO SA DAVAO

PORMAL nang nagtalaga ang pamunuan ng Philippine Army ng bagong pinuno para sa Army 10th Infantry ‘Agila’ Division (10ID) na nakabase sa Camp General Manuel Yan, Mawab, Davao de Oro. Kasunod ito ng Change of Command and Retirement Ceremony na pinangunahan ni Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Jose C. Faustino Jr. Si. Mgen Ernesto Torres ang humalili sa nagretirong si Maj. Gen. Reuben S Basiao. Malugod namang tinanggap ng 10th Infantry Division si Mgen Torres. Kaakibat nito ang hamon ni Ltgen Fustino na: “To Maj. Gen. Torres, you now…

Read More

AFP AT PDEA UMISKOR NG 1 KILONG SHABU

ARESTADO ang isang bigtime drug personality sa ikinasang operasyon ng sanib-puwersang Armed Forces of the Philippines at Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng shabu na tinatayang isang kilo sa Barangay Porog, Pualas, Lanao del Sur. Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Mindanao Command, “The troops of the 55th Infantry Battalion and Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM conducted a joint buy-bust operation which resulted in the apprehension of Romie Diamillah Hadji Alawi, a.k.a. Ali, 48, resident of the same province.” Sa impormasyong ibinahagi ni…

Read More

MIYEMBRO NG GUN FOR HIRE NADAKMA SA LAGUNA

LAGUNA – Isang hinihinalang hitman na miyembro ng criminal group, ang natimbog ng mga awtoridad sa isang operasyon sa San Pablo City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Ramir Corcolon, miyembro umano ng Asval criminal group na sangkot sa gun for hire, gun running at robbery extortion activities sa Calabarzon area. Naaresto si Corcolon sa Brgy. VII-B sa bisa ng search warrant, ng magkasanib na puwersa ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Mobile Force Battalion PRO 4A, Provincial Intelligence…

Read More

SELOSO BINARIL NG KAPWA SEKYU

LAGUNA – Sugatan ang isang dating sekyu makaraang barilin ng isang security guard na kanyang pinagselosan nang makitang kausap ng suspek ang misis ng una sa harap ng isang mall sa Brgy. VII-E San Pablo City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Norley Enriquez Monteroyo, dating security guard, habang ang asawa naman nito ay si Nimfa Monteroyo, sekyu ng ME and City Department Store sa nasabing lugar. Ang suspek naman ay si Rolando Meroso Malupay, sekyu rin sa nasabing establisiyemento. Ayon sa ulat, habang duty…

Read More

4 PATAY SA BUMALIKTAD NA CARGO TRUCK

ILOILO – Dead on the spot ang dalawang lalaki habang patay naman nang idating sa pagamutan ang dalawang iba pa matapos na mawalan ng kontrol at bumaliktad ang isang cargo truck nitong Biyernes ng madaling araw sa bayan ng Sara sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Sara Police Office, namatay ang mga biktima matapos maaksidente ang truck na may kargang mais, sa Barangay Apelo, sa munisipalidad ng Sara. Kinilala ng mga awtoridad ang unang namatay na sina Henry Diyan Jr., 35-anyos na driver ng truck, at Rey Sinoy, 25,…

Read More

CAMANAVA COVID DEATH TOLL SUMIPA SA 1,066

SUMIPA na sa 1,066 ang COVID-19 death toll sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area makaraang dalawa ang mamatay sa lungsod ng Navotas City at isa naman sa Malabon City, habang lumobo sa 1,171 ang active cases sa dalawang lungsod at sa Valenzuela matapos na 139 ang magpositibo sa nakamamatay na virus at 71 lamang ang gumaling noong Marso 4. Umabot na sa 6,231 ang tinamaan ng COVID sa Navotas at 5,609 sa bilang na ito ang gumaling, 425 ang active cases at 197 ang namatay. Kaugnay nito, dumating na…

Read More