DUTERTE BINATI NG CABINET MEMBERS SA KANYANG 76TH BIRTHDAY

NAGPAABOT ng pagbati ang cabinet members kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ika-76 taong kaarawan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hangad nila na pagkalooban ng Poong Maykapal si Pangulong Duterte ng mas marami pang malusog na taon. “Today, we greet our country’s leader and father of the nation, President Rodrigo Roa Duterte, a happy 76th birthday,” ayon kay Sec. Roque. “We pray to the Almighty to continue giving President Duterte more healthy years ahead so he may continue fulfilling his vision of bringing about genuine and meaningful…

Read More

MGA AASAHAN SA ECQ NILATAG NG PALASYO

INILATAG at inisa-isa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga dapat asahan ng publiko sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula Marso 29 hanggang Abril 4 ng taong kasalukuyan. Kabilang na rito ang mga essential at priority construction projects mapa-publiko man o pribado ay papayagan aniyang mag-operate alinsunod sa ilalabas na guidelines o alituntuin ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Bukas aniya ang mga pampublikong transportasyon kahit ECQ. Bababa lamang ang kapasidad at ang final capacity ay ilalabas ng…

Read More

ISTRIKTONG QUARANTINE IPATUPAD

NANAWAGAN si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa lahat ng law enforcement agency na ipatupad ang istriktong quarantine. Ang pahayag ni Sen. Go ay bunsod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, gayundin ang mga kalapit nitong lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna simula bukas, Marso 29, hanggang Abril 4. Ayon kay Sen. Go, marapat lamang na magpatupad pa ng mas istriktong quarantine restrictions sa mga lugar na may mataas na kaso ng…

Read More

Kaligtasan at proteksyon ng Pinoy BIRTHDAY WISH NI PDUTERTE

SASAILALIM si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa self-quarantine habang ipinagdiriwang ang kanyang ika-76 kaarawan, ngayon, Marso 28 sa Davao City. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pinayuhan ng Presidential Security Group (PSG) at ng kanyang doktor ang pangulo na mag-self-quarantine para na rin sa kanyang proteksyon lalo pa’t sobra siyang na-expose sa mga opisyal at iba’t ibang tao habang ginagampanan ang kanyang presidential duties. Magkagayunman, tiniyak ni Panelo na ipagpapatuloy ng chief executive ang kanyang presidential duties kahit pa sumasailalim ito sa quarantine at habang ipinagdiriwang ang…

Read More

MAV NG PORK IMPORTS PINATATAASAN NI PDU30

KINUMPIRMA ng Malakanyang na nirekomenda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na taasan ang minimum volume ng pork imports ng 350,000 metric tons (MT). “This is to immediately augment the supply of pork, stabilize increasing prices, and address the pressing issues on food security,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Kamakailan, tinitingnan ng Department of Agriculture (DA) na taasan ang minimum access volume (MAV) para sa baboy na 400,000 MT mula sa kasalukuyan 54,000 MT bunsod na rin ng pagbaba ng suplay ng baboy sa bansa dahil sa African swine fever.…

Read More

Benepisyo ng mga miyembro tatalakayin ng Kamara SAPAT NA PONDO SA SSS PENSIONS

UMAABOT na sa P4.3 trillion ang reserve deficit ng Social Security System sa unang bahagi ng 2021. Ito ang nabatid kay House ways and means committee chairman Rep. Joey Salceda kaya nagpatawag na ito ng imbestigasyon upang maresolba ang nasabing problema bago pa tuluyang lumala at walang matanggap na pensyon ang mga batang miyembro sa kasalukuyan. “The problem doesn’t hurt yet, because we still have a very young workforce who exceed our pensioners. But it’s our duty as lawmakers to solve this now rather than hurt our children in the…

Read More

PINAS, ‘SMART INVESTMENT DESTINATION’ – BSP

IBINIDA ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang Pilipinas bilang “smart investment destination” sa kabila ng tumataas na kaso ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Tiniyak ni Diokno sa virtual 2nd Philippines-Singapore Business and Investment Summit nitong Biyernes na maganda pa ring mamuhunan sa Pilipinas dahil tiyak siyang maaabot ng bansa ang 6.5% hanggang 7.5% na positibong gross domestic product (GDP) ngayong 2021 dahil sa pagpapalit ng mga patakaran sa sistemang pananalapi na mayroong positibong tulong sa bagsak na ekonomiya ng bansa. Iwinasiwas ni Diokno…

Read More

UTANG NG PHILHEALTH SA RED CROSS, LUMOBO NA SA P822M

KINUMPIRMA ni Senador Richard Gordon na sa ngayon ay nasa P822.86 million na ang utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross dahil sa mass testing. Gayunman, nilinaw ni Gordon na hindi pa naman nila balak itigil ang testing subalit nakikiusap sa gobyerno na tulungan din sila upang magtuloy-tuloy ang kanilang operasyon.( Kasabay nito, dahil sa kakulangan ng quarantine facilities bunsod ng tumataas na kaso ng Covid19, ipinakukonsidera ni Gordon sa Inter-Agency Task Force na gamitin ang ilang paaralan bilang isa sa mga pasilidad. Sinabi ni Gordon na maaaring gamitin ang…

Read More

Sa pagbabakuna ng pribadong sektor SPECIAL TEAM PINABUBUO

IMUMUNGKAHI ng isang mambabatas mula sa Mababang Kapulungan sa Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 (NTF) na bumuo ng special team na siyang tututok at magiging responsable para masiguro at maayos ang layuning makatulong ang iba’t ibang pribadong kumpanya sa vaccine rollout ng pamahalaan. Kasabay nito ay umapela si Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian sa lahat na huwag basta hatulan ang local tobacco at infant formula product manufacturers partikular sa alegasyon na mayroon lamang umanong ibang interes ang mga ito kung kaya pursigido…

Read More