Mula March 29 hanggang April 4 NCR PLUS ISASAILALIM SA ECQ

IBABALIK sa mahigpit na quarantine protocol ang National Capital Region (NCR) at mga kalapit nitong lugar mula ngayong hatinggabi ng Linggo hanggang sa susunod na Linggo, April 4. Ang tinaguriang NCR Plus bubble ay isasailalim sa ECQ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa live briefing ngayong araw. Nauna rito, hiniling ng UP OCTA research group na palawakin pa ng pamahalaan ang umiiral na NCR Plus bubble sa mga lugar ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Ayon kay OCTA…

Read More

EX-CALAUAN CITY MAYOR SANCHEZ, PUMANAW NA

INANUNSYO ng Bureau of Correction (BuCor) ang pagkamatay ni dating Calauan City Mayor Antonio Sanchez makaraang makaranas ng masamang pakiramdam habang nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Ayon sa BuCor, si Sanchez ay dinala sa NBP Hospital nitong Sabado dakong alas-8:30 ng umaga kung saan ito idineklarang dead on arrival. Nauna rito, dinala si Sanchez sa ospital noong Setyembre 2020 dahil sa community-acquired pneumonia ngunit negatibo sa isinagawang swab test para sa COVID-19. Ngunit napag-alaman na ang dating alkalde ay dumaranas ng hypertension, diabetes at kidney disease. Matatandaang…

Read More

2 KFR SUSPECTS LAGLAG SA PNP-AKG

DALAWANG notoryus na miyembro ng kidnap for ransom group ang nadakip ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/Brig. General Jonnel C. Estomo sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque. Ayon kay P/BGen. Estomo, nadakip sa law enforcement operation si Gabriel Garcia Rabi bandang alas-6:20 ng hapon noong Biyernes sa Road 4, Pasay City, habang alas-11:50 ng gabi naman nadakip si Billy Relcopan Rocillo sa Love St., Multi-national Village, Parañaque City, ng mga tauhan ng PNP-AKG ICMD, sa pamumuno ni P/Lt. Maleo David V. Manzano. Sa…

Read More

TULAK NANLABAN SA PARAK, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban sa mga awtoridad sa buy-bust operation habang nakatakas ang kasama nito at nakumpiska ang tinatayang P680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation noong Biyernes ng gabi sa bayan ng San Pascual sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na natanggap ni Batangas Police provincial director, P/Col. Rex Arvin Malimban kay San Pascual Municipal Police chief, P/Maj. John Eric Antonio, kinilala ang napatay na si Alexander Navarro, miyembro umano ng Perlita Perculeza drug group. Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust…

Read More

302 pagyanig sa loob ng 24-oras TAAL VOLCANO TULOY SA PAG-AALBOROTO

LAGUNA – Mahigpit ang pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Taal dahil sa patuloy na pamamaga ng lupa sa paligid nito matapos muling makapagtala ng halos 302 pagyanig sa loob lamang ng 24-oras. Nagkaroon ng 184 episodes ng volcanic tremor na tumatagal ng halos 12 minuto at nakapagtala ng 118 low frequency volcanic earthquakes na hindi naman naramdaman halos ng mga residente. Nakapagtala rin ng sulfur dioxide emission na may average na 925 tons bawat araw. Nananatili sa alert level 2 ang nasabing bulkan at…

Read More

Inireklamo ng pangmomolestiya LUCBAN COP SINIBAK

QUEZON – Sinibak sa pwesto at nahaharap sa kaso ang chief of police ng bayan ng Lucban sa lalawigang ito, makaraang molestiyahin umano ang isang babaeng pulis noong Marso 25 ng gabi sa Brgy. Wakas, Tayabas City. Ayon sa ulat kay Quezon Province acting provincial director, P/Col. Ericson Dilag, agad sinibak sa pwesto si P/Maj. Rizaldy Merene matapos sampahan ng kasong acts of lasciviousness ng babaeng pulis na hindi pinangalanan. “This act is not virtue of a responsible, respected and disciplined police officer following the PNP’s intensified internal cleansing program,”…

Read More

‘Di na tatanggap ng pasyente 5 MANILA HOSPITALS PUNO NA

INANUNSYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sa anim na pampublikong ospital sa lungsod ay isinara na ang lima sa mga ito at hindi na tatanggap ng mga pasyente ng COVID-19 dahil umabot na sa full capacity. Ito ay sa kabila ng kahilingan ng 42 barangay na ini-lockdown dahil sa napakataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod. Gayunman, inihayag ng alkalde na ang natitirang isang bukas na ospital ay malapit na ring umabot sa maximum capacity sa kabila ng itinalagang quarantine facilities sa lungsod dahil…

Read More

10 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN, MALABON

SAMPU ang naitalang bagong namatay sa COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan noong Marso 26 at umabot na sa 2,321 ang active cases sa dalawang lungsod. Napag-alaman, apat ang patay sa pandemya sa Caloocan at umabot na sa 1,207 ang active cases. Umakyat naman sa 17, 123 ang total confirmed cases habang 15,382 na ang gumaling at 534 ang death toll sa lungsod. Sa kabilang dako, anim ang nadagdag sa COVID death toll ng Malabon City na sa kasalukuyan ay 306 na. Bukod dito, ayon sa City Health…

Read More

5 BRGY. HALL SA NAVOTAS NI-LOCKDOWN

POSIBLENG mahinto ang serbisyo ng lokal na gobyerno dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Mayor Toby Tiangco nitong Sabado. Ito ay bunsod ng pag-lockdown sa lima mula sa 18barangay hall ng lungsod dahil sa pagpositibo sa ilang mga empleyado nito. Pansamantalang ikinandado ang mga barangay hall ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North at North Bay Boulevard South-Proper para sa disinfection at upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus. Ani Tiangco, ang mga opisyal at kawani ng mga barangay…

Read More