2 MMDA TRAFFIC ENFORCERS SIBAK SA PANGINGIKIL

SINIBAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang dalawang traffic enforcer ng ahensya na ang video ng pangingikil sa isang motorista ay nag-viral sa social media. Ani Abalos, matibay ang mga ebidensya laban kina Edmon Belleca at Christian Malemit kaya tinanggal sila sa MMDA. Sina Belleca at Malemit ay regular na mga empleyado ng MMDA. Ang kaso ng dalawa ay patungkol sa pangingikil nila ng P1,000 kay Miel Custodio kapalit ng hindi pagbibigay ng tiket sa huli para sa kasong paglabag sa Republic Act 10913…

Read More

20 NADAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

UMABOT sa 20 katao ang naitalang bagong namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 10, ayon sa city health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, walo ang bagong namatay sa Valenzuela City at 608 ang active cases matapos na 589 ang gumaling at 134 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 18,364 ang confirmed cases sa siyudad, kung saan 17,291 na ang gumaling at 465 ang namatay. Pito naman ang patay sa Caloocan City at 1,318 ang active cases. Sumampa na sa 28,353 ang confirmed…

Read More

BAKUNA SA HOUSE EMPLOYEES UMUSAD NA

SINIMULAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbabakuna sa kanilang mga empleyado nitong Martes. Ayon kay House of Representatives Covax head at Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia II, unang binabakunahan ang mga empleyado na kabilang sa A2 o senior citizens at people with disabilities (PWDs) at A3 o ang mga maysakit. Nangilan-ngilan lamang ang health officials at staff ng Kamara na nasa A1 category kaya isinama na ang A2 at A3 ngunit hindi sinabi ni Garcia kung ilan ang mga ito. Ang Kamara ay mayroong mahigit 2,000 empleyado…

Read More

LESS 2K COVID CASES NA LANG KADA ARAW SA MM

HINDI na aabot sa 2,000 ang bilang ng mga nagkakaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kada araw sa Metro Manila (MM), ayon sa OCTA Research Group. Sa eksakto, umaabot na lamang ito sa 1,930 bawat araw sa loob ng isang linggo, pahayag ni Prof. Guido David. Bahagyang mababa ito kumpara sa naunang isang linggo, patuloy ni David. Mas mababa aniya ang 1,930 ng 65 porsyento kumpara noong kasagsagan ang taas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 sa MM. Umaasa si David na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19…

Read More

STATE OF CALAMITY IDINEKLARA NI PDU30

ANG Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa African swine fever outbreak. Nilagdaan ng pangulo ang Proclamation No 1143 na nagdedeklara ng state of calamity sa buong bansa sa loob ng isang taon, ” unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant.” Nakasaad sa Seksyon 2 ng naturang proklamasyon na “All government agencies and LGUs are enjoined to render full assistance to and cooperation with each other, and mobilize the necessary resources to undertake critical, urgent and appropriate measures in a timely manner to curtail the…

Read More

16M PANG BAKUNA PAPARATING

INAASAHAN na darating sa Pilipinas sa second quarter ng 2021 ang 16 milyong bakuna. Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pamahalaan ang 7,308,400 vaccine doses ngayong buwan ng May at 9,150,000 doses naman sa Hunyo. “So bago po matapos po ang buwan ng June, ine-expect po natin na mayroon na po tayo sa ating inventory na 20,514,000 doses,” ayon kay Galvez sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere, Lunes ng gabi. Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng kabuuang 7,571,000 doses mula…

Read More

Kapag nalusutan sa quarantine guidelines BARANGAY CHIEFS MANANAGOT

PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga barangay official na mahigpit na ipatupad ang community quarantine guidelines sa kani-kanilang hurisdiksyon o mananagot sila sa batas. Ito’y matapos na ihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na ang Caloocan City government ay nakatakdang maghain ng reklamo laban sa mga barangay official at nagmamay-ari ng Gubat sa Ciudad Resort na napag-alamang nag-o-operate sa kabila ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod. Sa larawan na nag-viral sa social media, dinagsa ng tao ang nasabing resort na dapat ay sarado kahit…

Read More

LACSON: MGA BOTANTE, DI DAPAT PADALA SA POLITIKONG MAGALING SA TIKTOK

MATAPOS ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘joke lang’ ang naging pahayag nitong pagsakay sa jetski patungong Spratly Islands para maglagay ng bandila, iginiit ni Senador Panfilo Lacson na panahon na mas maging mapanuri ang mga botante sa pagpili ng susunod na lider ng bansa. Sinabi ni Lacson na hindi dapat madala ang mga botante sa popularidad ng isang kandidato. “You know, that’s the problem of our electorate. Madali ma-sway sa mga jokes, sa mga ‘budot,’ ‘Tiktok’. Medyo shallow,” pahayag ni Lacson. “So there should really be a massive…

Read More

VACCINE ROLLOUT SA PH MAAAYOS DIN

POSITIBO si Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go na maaayos ang vaccine rollout ng pamahalaan bagama’t totoong mayroong kakulangan sa suplay sanhi ng global demand. Sa pahayag, sinabi ni Go na ang mahalaga ay tuloy-tuloy ang pagdating ng bakuna tulad ng 1.5-million doses ng Sinovac mula sa China at 2,030,000 doses ng AstraZeneca vaccine na gagamitin para sa second dose ng mga frontliner. Iginiit ni Go na mahalagang hindi matigil ang pagbabakuna habang pinag-aaralan ng gobyerno ang pag-shift mula sa MECQ patungong general community quarantine bagamat mahirap…

Read More