INAASAHAN na darating sa Pilipinas sa second quarter ng 2021 ang 16 milyong bakuna.
Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pamahalaan ang 7,308,400 vaccine doses ngayong buwan ng May at 9,150,000 doses naman sa Hunyo.
“So bago po matapos po ang buwan ng June, ine-expect po natin na mayroon na po tayo sa ating inventory na 20,514,000 doses,” ayon kay Galvez sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere, Lunes ng gabi.
Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng kabuuang 7,571,000 doses mula sa iba’t ibang brands.
Sa nasabing bilang, 4,009,880 ang naipamahagi na sa 3,410 vaccination sites sa buong bansa.
Aniya pa, ia-adopt ng pamahalaan ang “focus and expand” strategy na nakatuon sa “centers of gravity” sa bansa o yung tinatawag na economic centers. (CHRISTIAN DALE)
