2 MMDA TRAFFIC ENFORCERS SIBAK SA PANGINGIKIL

SINIBAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang dalawang traffic enforcer ng ahensya na ang video ng pangingikil sa isang motorista ay nag-viral sa social media.

Ani Abalos, matibay ang mga ebidensya laban kina Edmon Belleca at Christian Malemit kaya tinanggal sila sa MMDA.

Sina Belleca at Malemit ay regular na mga empleyado ng MMDA.

Ang kaso ng dalawa ay patungkol sa pangingikil nila ng P1,000 kay Miel Custodio kapalit ng hindi pagbibigay ng tiket sa huli para sa kasong paglabag sa Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act and Reckless Driving.

Umaasa si Abalos na wala nang MMDA traffic enforcer na mangongotong sa mga motorista. (NELSON S. BADILLA)

100

Related posts

Leave a Comment