MALAMIG ang pagtanggap ng apat na senador sa mga panukala sa mababang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa pagbabago sa economic provisions sa Konstitusyon. Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, halos wala na rin silang oras para talakayin pa ang panukala dahil mag-aadjourn ang sesyon sa June 4. “I don’t think we have enough time as it is to take a quick look into the proposal. Anyway, the bills certified by the Palace as urgent have passed or are in advance stages in the Senate. We have 5 days…
Read MoreDay: May 27, 2021
CHA-CHA SA KAMARA LUSOT SA SECOND READING
TULAD ng inaasahan, inilusot sa ikalawang pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 o Economic Charter Change (Cha-Cha) na inakda mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco. Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang nasabing panukala noong Miyerkoles ng gabi matapos ang debate at inaasahan na isasalang sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo bago ang sine die adjournment. Gayunpaman, nangangailangan ng 225 votes o ¾ sa 300 miyembro ng Kamara ang nasabing panukala para maipasa ito sa ikatlo at huling…
Read MoreGO, PAGOD NA RAW ‘DI TATAKBO SA 2022
WALA umanong balak si Senador Christopher ‘Bong’ Go na kumandidato sa 2022 Presidential elections dahil sa matinding pagod. “Hindi po ako interesadong tumakbo, pagod na pagod na po ako, pagod na pagod na kami ni Pangulong (Rodrigo) Duterte. Sa hirap po na dinaranas natin ngayon, nasa pandemya po tayo, ay talagang napakahirap,” diin ni Go. Muling binigyang-diin ni Go na kailangan munang malampasan ng bansa ang krisis na kinakaharap ngayon sa COVID-19. “Ang importante sa akin ngayon ay malampasan ang pandemyang ito baka kung hindi natin ito malampasan ay wala…
Read More2 MOTOR SINALPOK NG PICK-UP, 3 PATAY
QUEZON – Tatlo ang patay makaraang araruhin ng isang Ford Ranger pick-up ang dalawang motorsiklong sinasakyan ng mga ito sa Maharlika Highway, Sitio Marikit, Barangay Ibabang Palsabangon, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report ng Pagbilao Police, sumabog ang unahang gulong ng pick-up na galing sa Mindanao at patungong Maynila, kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho at sinagasa ang dalawang kasalubong na motorsiklo. Mag-o-overtake sana ito sa isa pang sasakyan sa kurbadang bahagi ng highway nang biglang pumutok ang kaliwang gulong…
Read MorePAGAWAAN NG BALA SUMABOG, 2 PATAY
BATAAN – Dalawang tauhan ng Primer Composition Mixing Facility ng Explosives Division sa Government Arsenal (GA) ang namatay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa pagawaan ng bala sa bayan ng Limay sa lalawigang ito, ayon sa kumpirmasyon ng Department of National Defense. Ayon sa ulat na isinumite kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ni Arnel Rafael Y. Depakakibo, director ng Government Arsenal, kinilala ang mga namatay na sina Ricardo Solomon, 40, at Marvin Tatel, 38-anyos. Nabatid sa police report, nasugatan din sa insidente ang dalawang tauhan ng…
Read MorePAGBABAKUNA KAY ALICE DIXSON DUMAAN SA PROSESO
WALANG iregularidad o special treatment sa pagbabakuna sa movie at television actress na si Alice Dixson sa Maynila kamakailan. Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso base sa ulat mula kay Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, na nagsasabing mismong ang Department of Health (DOH) ang naglinis sa pangalan ng ospital sa bintang na pinayagan nitong mabigyan ng second dose ang aktres sa isang mass inoculation. Iniulat ni Director Padilla kay Moreno na tulad din ng karamihan na nagpunta ng ospital upang mabakunahan noong Mayo 20,…
Read MoreBRGY. HEALTH WORKERS, MAHIHIRAP TAKOT SA BAKUNA
PUMIYOK si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maraming residente sa mahihirap na komunidad ang nag-aalangan pa rin magpabakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi na 30% hanggang 40% sa class D at E ang nagmamatigas na hindi magpabakuna kontra COVID-19. Marami aniya sa mga tinatawag na well-off sa A, B, at C classes ang mayroong mataas na vaccine confidence. “Doon sa tinatawag nating Group D and E mataas ang hesitancy,” ani Galvez. Aniya, mahigit 90%…
Read MoreGUBAT SA CIUDAD BARANGAY CHAIRMAN SUSPENDIDO
NAGPASA ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod ng Caloocan at inirekomenda ang 60-araw na suspensyon sa chairman ng Barangay 171 dahil umano sa kabiguang ipatupad ang health protocol sa kontrobersyal na resort na Gubat sa Ciudad na nagbunga ng hindi kukulangin sa 20 karagdagang kaso ng COVID-19. Kasalukuyang nahaharap sa kasong administratibo si Barangay 171 Chairman Romeo Rivera dahil sa ilegal na operasyon ng Gubat sa Ciudad resort, kung saan nagkumpulan ang mahigit 500 panauhin sa kabila ng ipinatutupad pa noong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region at…
Read MoreHOLDAPER KUMASA SA PARAK, TIGBAK
PATAY ang isang umano’y holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis habang arestado ang dalawang kasama nito sa Malabon City noong Miyerkoles ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon ang suspek na si Jason Danco, 33, habang arestado sina Arnold Banjola, 31, at Robin Salazar, 38-anyos. Ayon sa report nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon City Police chief, Col. Albert Barot, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa Tactical Operation Center (TOC) ng Malabon Police ang mga tauhan ng Sub-Station (SS-5), SS-2 at…
Read More