CAMANAVA COVID DEATH TOLL UMAKYAT SA 2,514

UMABOT na sa 2,514 ang COVID death toll sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hulyo 27 matapos na dalawang pasyente ang namatay sa Valenzuela City sa nasabing araw, habang lumobo na sa 1,215 ang active cases sa nasabing mga lungsod. Umakyat na sa 557 ang mga namatay dahil sa pandemya sa Valenzuela City, habang 341 ang active cases sa lungsod matapos na 78 ang nagpositibo sa virus habang 38 lamang ang gumaling. Pumalo na sa 21,546 ang confirmed cases sa lungsod, at 20,648 na sa kanila ang nakarekober.…

Read More

8 NABITAG SA P.5-M DROGA SA PAMPANGA

WALO katao ang nadakip habang tinatayang P530,000 ang kabuuang street value ng nakumpiskang hinihinalang marijuana at shabu sa magkasunod na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III at Criminal Investigation and Detention Group sa lungsod ng Angeles sa lalawigan ng Pampanga noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang sinalakay ang isang hinihinalang drug den sa Claveria Street sa Barangay Santa Trinidad kung saan nakuha ang iba’t ibang drug paraphernalia at mahigit sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na P170,000…

Read More

NAPATAY NA 2 AKTIBISTA SA ALBAY, IPINASISIYASAT

IPINASISIYASAT ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang hinggil sa pamamaril ng dalawang pulis na ikinamatay ng dalawang aktibista na nag-spray paint sa pader ng kanilang protest slogan sa Albay. Ayon sa ulat, kinilala ng grupong Defend Bicol ang mga biktimang sina Jemar Palero, 22, at Marlon Naperi, 38, na nakasagupa umano ng mga elemento ng Albay Police sa Barangay Lower Bonigsacan sa Guinobatan, noong Lunes ng umaga. Ayon sa police report, armado umano ang mga aktibista at pinaputukan ang mga pulis naging dahilan upang…

Read More

DRUG SUSPECT NALAMBAT NG PNP-ZAMBALES

“WE are always ready for a fight that never ends,” ani PNP-Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos madakip ang isang drug personality sa ikinasang law enforcement operation sa Subic, Zambales. Ayon kay Col. Cardiño, itinuturing na provincial most wanted person ang nadakip na si Farida Oles Asara ng Brgy. Calapacuan, sa bayan ng Subic, sa nasabing lalawigan. Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Roline M. Gines-Jabalde ng RTC Branch 74, 3rd Judicial Region, Olongapo City, dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous…

Read More

GORDON, POSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senador Richard Gordon na nagpositibo siya sa COVID-19 kahit fully vaccinated na siya ng Astrazeneca. Gayunman, iginiit nito na asymptomatic siya o walang nararamdamang kahit anong sintomas. “Regular nagpapa-test ako. Asymptomatic ako. Kaagad nag-isolate na ako. Ako ay nasa bahay ngayon,” saad ni Gordon sa panayam ng DZXL RMN Manila. Sinabi ni Gordon na naka-dalawang dose na siya ng Astra Zeneca kaya’t tiwala siyang hindi na lalala ang kanyang sitwasyon. Gayunman, pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpa-check up upang matiyak ang lagay ng kanyang kalusugan lalo na’t…

Read More

324K DAGDAG PFIZER VACCINES

PATULOY ang pagpasok ng mga bakuna sa bansa na tinatanggap ng Bureau of Customs (BOC). Ang pinakabagong dumating, sa pamamagitan ng Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ay ang 324,090 dosis ng bakunang Pfizer-BioNTech. Dumating ito noong Hulyo 26 NAIA-Terminal 3. Ang nasabing mga bakuna ay aprubado sa NAIA’s One Stop Shop bago pa dumating sa nasabing pa­liparan. Nang dumating ang mga bakuna ay agad na binantayan patungo sa itinakdang cold storage facility. Ang Pfizer-BioNTech na mula sa United States of America ay isa sa mga bakunang binigyan ng…

Read More

Lampas ng P49.6-B sa 2021 mid-year target BOC PANALO SA KOLEKSYON

PINURI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang labinglimang collection districts matapos lumagpas ang koleksyon ng mga ito sa 2021 mid-year collection target (Enero hanggang Hunyo) ng ahensiya. Ang naturang magandang koleksiyon ay ebidensiyang epektibo ang pamumuno ni Guerrero sa BOC mula noong 2018. Kabilang sa mga ito ay ang Port of San Fernando na nakakolekta ng P2.39 bilyon kung saan ang lampas sa target nito ay P49 milyon. Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na P18.54 bilyon ang nakolekta at P63 milyon ang sobra. Umabot…

Read More

School electrification ng One Meralco Foundation, malaking tulong ngayong pandemya

Ngayong pandemya, isang matinding hamon para sa mga guro at mag-aaral sa mga malalayong paaralan sa bansa ang kawalan ng access sa kuryente. Bago pa man dumating ang COVID-19, libu-libong pampublikong paaralan na sa bansa ang walang power supply. Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa ilan sa mga pinaka-malalayong isla at kabundukan sa bansa. Isa na rito ang Corocawayan Elementary School sa isla ng Camandag, Sto. Nino, Samar.  Ang mismong isla ay dalawang oras kung babangkain mula sa mainland kaya naman hindi ito maabot ng serbisyo ng kuryente. ISA ang…

Read More

326 CONTAINERS, MATAGAL NANG NAKATENGGA SA BOC-DAVAO

Ni JOEL O. AMONGO INAMIN ng pamunuan ng Bureau of Customs-Port of Davao (BOC-Davao) na 326 pa ang mga container na hawak nito hanggang kasalukuyan. Idiniin pa ng pamunuan, sa pangunguna ni BOC-Davao District Collector Erastus Sandino Austria, na “overstaying” na ang 326 containers. Upang malaman ang kondisyon ng mga produktong nakalagay sa mga container, nagsagawa ng inventory ang BOC-Davao noong Hulyo 17 at 18. Layunin nito na pagandahin ang yard utilization at tiyaking gagalaw ang mga kalakal kahit mayroon pang pandemya ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).…

Read More