Pormal na reklamo inihain ni Atty. Larry Gadon sa NBI SCAMMER PINAKASUHAN NI DUTERTE

INATASAN nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Lawrence ‘Bong’ Go (SBG) si Atty. Larry Gadon na maghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa scammer na gumagamit sa kanilang pangalan upang makapambiktima ng mga negosyante. Isang nagngangalang Louie Ceniza na nagpapakilalang malapit sa pangulo at kay Go ang nakahimok sa ilang negosyante na magtayo ng POGO company at humingi ng 3 parts ownership ng kumpanya kung saan ang 1 parte ay pag-aari ni Ceniza at ang 2 parte ay kina Pres. Duterte at Sen. Bong Go umano…

Read More

STL operators pinulong QCPD DIRECTOR NAGPAPASOK NG STL SA QC?

(SAKSI NEWS TEAM) NAGPAHAYAG ng matinding pangamba ang mga pamunuan ng mga barangay sa Quezon City matapos maganap ang pulong ng mga small town lottery (STL) operator sa Camp Karingal noong Hulyo 21 ng hapon. Ayon sa impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source, dinaluhan ng mga STL operator ang pulong na idinaos umano sa tanggapan mismo ni Quezon City Police District Director Brig. Gen. Antonio Yarra. Dahil dito, nag-isip ang pamunuan ng mga Barangay na kailangan palang mayroong “go signal” ng District police ang operasyon ng STL ng Philippine Charity Sweepstakes…

Read More

MAGPAPABAKUNA ‘WAG BASAIN SA ULAN

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Local Government Units (LGUs) na “gamitin ang common sense” at huwag paghintayin ang mga tao sa pila habang umuulan at may baha para lamang mabakunahan laban sa COVID-19. Ang apela na ito ni Pangulong Duterte ay matapos makatanggap ng ulat na sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha ay nakapila pa rin ang mga tao sa vaccination sites sa Metro Manila, kabilang na ang Maynila at Mandaluyong, maturukan lang ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ng pangulo sa kanyang ipinatawag…

Read More

171M DOSES NG BAKUNA MAKAKAMIT NGAYONG TAON

INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng kabuuang 171 milyong doses ng COVID-19 vaccine ngayong taon. Ito ang inanunsyo ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa ipinatawag na special meeting ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Malakanyang kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF), nitong Sabado. Sa pag-uulat ni Dominguez kay Pangulong Duterte, ang nasabing bilang ng bakuna ay “more than enough” para bakunahan ang buong adult population sa bansa. “So the total we are expecting to receive this year is 171 million doses. So that 171 million is more than…

Read More

10PM-4AM BAGONG CURFEW HOURS

PINAHABA ng Metro Manila Council (MMC) ang curfew hours sa National Capital Region. Simula kahapon, umiiral na ang 10 p.m. hanggang 4 a.m. na curfew mula sa dating 12 a.m. hanggang 4 a.m. bunsod ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases at para kontrolin ang transmission ng Delta variant. Ang COVID-19 Delta variant ay itinuturing na “highly contagious with an R Naught (R0),” ito’y isang measure ng contagion o reproduction rate, ng 5 hanggang 8 “that may potentially trigger an exponential surge and local transmission in densely populated areas like…

Read More

NCRPO ALERTO SA SONA 2021

NAKAALERTO na ang buong pulisya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ika-6 at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong Lunes, Hulyo 26, kung saan si P/Major General Vicente Danao Jr. ang overall security commander ng nasabing pagtitipon. Simula pa noong isang taon, ang paghahanda para sa SONA 2021 ay naging kakaiba sa nakaraang mga taon bunga ng pandemya na nararanasan sa buong daigdig, kaya naman sa ilalim ng liderato ni P/M.Gen. Danao ay isang holistic and extensive na seguridad ang…

Read More

5 MANILA AREA MAY DELTA VARIANT CASES

LIMA ang kumpirmadong may kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa limang lugar sa lungsod ng Maynila ngunit walang plano na magpatupad ng lockdown si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Iniulat na may tatlong linggo na umano ang nakararaan nang makumpirmang may Delta Variant sa iba’t ibang lugar sa Maynila Ayon sa alkalde, makaraan ang impormasyon ay nagsagawa ng pulong ang metro mayors, Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang health authorities. “Salamat sa Diyos at itong lima, as of today (July 24), mukhang ligtas na mayroon na lang…

Read More

Sa ikinasang operasyon ng PNP-PRO5 MAG-AMANG NPA SUPPORTER, RAPE SUSPECT TIMBOG

ARESTADO ang mag-amang supporter umano ng komunistang New People’s Army sa probinsya ng Masbate matapos makumpiskahan ng hindi lisensyadong baril at pasabog sa magkahiwalay na law enforcement operation ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-5:37 ng umaga, ipinatupad ng pinagsamang pwersa ng Esperanza MPS; Masbate PECU; 1ST PMFC; PIU Masbate PPO; at Masbate 2nd PMFC, 3rd Maneuver Platoon ang search warrant operation sa bahay ng inakusahang NPA supporters sa Sitio Harapay, Brgy. Villa, Esperanza, Masbate. Isinagawa ang operasyon sa…

Read More

Oplan Paglalansag Omega umarangkada NPA GUNSMITH NALAMBAT NG CIDG-RFU5 *Online seller nabitag sa Camarines Sur

NAGBUNGA ang matiyagang paniniktik ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nakabase sa lalawigan ng Camarines Sur, nang madakip nitong Linggo ang numero unong gunsmith at supplier ng mga baril ng komunistang New People’s Army sa Bicol Region kasunod ng isinagawang law enforcement operation. Ayon kay P/Col. Glenn Silvio, PNP-CIDG Regional Field Unit 5 Director, matagal na nilang puntirya ang notorious gunsmith na si Fausto Delos Santos Danabar, 46, ng Brgy. Tomagodtod, Calabanga, Camarines Sur. Nabatid pa kay Col. Silvio, target ng Oplan Paglalansag Omega si Danabar na kilalang tagakumpuni…

Read More