PARA magkaroon ng patuloy na ligtas na economic activities, umapela ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga establisimyento na ikonsidera na magkaroon ng mas maraming outdoor spaces para sa dining at recreation activities. Ang apela ng IATF sa mga establisimyento ay maglagay ng libreng espasyo para sa outdoor activities at lumikha ng urban green areas. “To enable the safe continuity of economic activities, the IATF asked establishments to consider developing and converting more outdoor spaces into temporary outdoor weekend markets and dining spaces,”…
Read MoreMonth: July 2021
MALAYSIA, THAILAND ISINAMA SA TRAVEL BAN
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang travel restrictions para sa lahat ng mga byahero na manggagaling sa Malaysia at Thailand o may history of travel sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw. Ang mga ito, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay hindi pupuwedeng papasukin ng Pilipinas. “Nagdesisyon na po ang ating Presidente, isinama na po ang Malaysia at Thailand sa mga bansa na kasama po sa travel ban. Ulitin ko po, kasama na po sa mga bansang may travel ban .. ang bansang Malaysia…
Read MorePAGSASARA NG BORDERS IKAKASA KONTRA ‘DELTA’
MAAARING isara ang borders ng Pilipinas sa gitna ng tumataas na kaso ng Delta coronavirus variant. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpapatawag siya ng emergency meeting sa COVID-19 Inter-Agency Task Force at medical experts, ngayong araw (Sabado). Sinabi ng chief executive, ang gobyerno ay maaaring magpatupad ng “more stringent measures” kumpara sa umiiral na protocols, subalit nais muna nitong marinig ang mga input ng medical experts bago pa gumawa ng “drastic decision.” Inamin ng chief executive na ang pangunahin niyang concerned ay ang ulat kung paano ang “highly…
Read More3 TIMBOG SA SHABU SA SEMENTERYO
ARESTADO ang tatlo katao sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Manila Police District makaraang makumpiskahan ng umano’y shabu sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng gabi. Umabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang P170,000 ang street value ang nakuha sa mga suspek na kinilalang sina Aysha Salik y Watamama, 26, online seller; Angelita De Paz, 38, at John Mark Zapata, 35-anyos. Batay sa ulat ni P/Major Pidencio Saballo Jr., hepe ng…
Read MoreHabang nangingisda sa baha MAG-UTOL NASAGIP SA LANDSLIDE
NASAGIP ang magkapatid na mangingisda makaraang matabunan ng lupa habang malakas ang ulan dulot ng Bagyong Fabian at Habagat sa Caloocan City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga biktimang muntik nang malibing nang buhay na sina Jefferson at Justin Alba, residente ng Caloocan City, kapwa nasugatan sa kanilang binti at braso. Ayon sa magkapatid, abala sila sa panghuhuli ng isda sa baha nang biglang umalagwa ang tubig kasunod nito ay naguhuan sila ng lupa. Dagdag ng magkapatid, bukod sa naguhuan ng lupa ay nabagsakan din sila ng bato, yero…
Read MoreWANTED SA MAYNILA NABITAG SA BATANGAS
NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District sa ipinatupad na Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang isang 35-anyos na suspek sa kasong paglabag sa Violence against Women and their Children Act, sa bisa ng warrant of arrest sa Sitio Culet, Poblacion 8, Cuenca, Batangas City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang arestado na si Jomel Sarmiento y Duarte, binata, jobless, nanunuluyan sa Sitio Culet, Cuenca, Batangas, may inirekomendang P72,000 pyansa para sa pansamantala niyang paglaya. Batay sa ulat ng District Investigation Division-Anti Criminality, bandang alas-6:30 ng gabi…
Read MoreP2.3-B SMUGGLED FACE MASKS, ATBP. NASABAT SA VALENZUELA
UMABOT sa P2.3 bilyong halaga ng face masks, ukay-ukay at iba pang inangkat na mga kagamitan at ilegal na ipinasok sa bansa ang nasabat sa Valenzuela City. Natunton ng Bureau of Customs (BoC) ang mga kontrabando sa isang bodega sa Barangay Maysan sa lungsod. Armado ng ‘letter of authority’ na may lagda ni Customs Commissioner Rey Guerrero ay siniyasat ng mga ahente ng BoC ang bodega. Sa bisa naman ng Warrant of Seizure and Detention na inisyu ni Manila International Container Port (MICP) District Collector Romeo Rosales, ay kinumpiska ang…
Read More7 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATHS
PITO katao ang namatay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 sa loob ng limang araw. Mula 1,108 noong Hulyo 17, umakyat sa 1,115 ang total COVID deaths ng lungsod noong Hulyo 22. Bukod dito, umakyat din mula 350 noong Hulyo 17 patungong 377 ang active cases. Sumampa na sa 39,140 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 37,648 na ang gumaling. Samantala, ayon sa Malabon City Health Department, 11 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw at sa kabuuan ay 13,755 na ang positive cases…
Read More8 SENADOR, PISIKAL NA DADALO SA SONA NI PRRD
KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na pito pang senador ang makakasama niya sa pisikal na pagdalo sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Lunes, July 26. Kasama ni Sotto sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Christopher “Bong” Go, Imee Marcos, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Francis Tolentino para saksihan ang ika-anim na SONA ni Duterte. “Only eight manifested their intention to attend the SONA physically. The rest will be virtual,” pahayag…
Read More