PINIGIL ng Premier Volleyball League (PVL) ang nakaskedyul na games ng Perlas team sa ongoing Open Conference matapos na isa sa delegasyon nito ang nagpositibo sa COVID-19. Nasa isolation facility na ang naturang indibidwal habang ang iba pang Perlas members ay naka quarantine sa magkakahiwalay na rooms at muling sasailalim sa RT-PCR testing matapos ang limang araw. “Pending the results (of the tests), the scheduled games of Perlas have been postponed,” opisyal na pahayag ni PVL president Ricky Palou kahapon. Sabado sana ang debut game ng Perlas kontra Cignal sa…
Read MoreMonth: July 2021
21st Asian Women’s Championship PH VOLLEYBELLES SABAK SA AGOSTO
SWAK sa Pool A ang Philippine national women’s volleyball team sa 21st Asian Senior Women’s Volleyball Championship na gaganapin sa Clark sa Pampanga at Subic, Zambales. Ka-grupo ng Pinay volleybelles sa Pool A ang ranked 5th Kazakhstan, 6th Chinese Taipei at unranked Uzbekistan. Pasok sa Pool B ang kapwa podium finisher sa nakaraang dalawang edisyon ng Asian Championship na Thailand (2nd) at Korea (3rd). Kasama rin nila sa grupo ang Iran (7th) at Australia (9th). Ginanap ang virtual draw para sa grouping ng teams sa mismong Asian Volleyball Confederation office…
Read MoreJA Trofeo Bonfiglio girls doubles EALA, US TANDEM KAMPEON
WAGI si Pinay tennis sensation Alex Eala at kapartner na si Madison Sieg ng United States sa JA Trofeo Bonfiglio girls doubles tournament sa Italy Sabado ng gabi (Manila time). Dinomina nina Eala, 16, at Sieg, 18, ang nakalaban sa finals na si Lucija Ciric Bagaric ng Croatia at katandem nitong si Sofia Costoulas ng Belgium, 6-4, 4-6, 13-11. Bago ito, nilampaso ng seeded No. 1 na Filipino-American duo ang Russian pair nina Kira Pavlova at Diana Shnaider, 6-3, 6-4, sa semifinals. Noong nakaraang buwan ay nanalo rin ang Pinay…
Read MoreMotibo ni Duterte sa pagtakbong VP BAYAN O SARILI?
(BERNARD TAGUINOD) MALINAW para kay Rep. Manuel Cabochan III ng Magdalo party-list na hindi ang kapakanan ng bayan ang dahilan kung bakit tatakbo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente kundi para lang ito sa kanyang sariling proteksyon. “Bayan nga ba o sarili? Kung immunity ang habol, walang pagmamahal sa bayan o malasakit sa mamamayan dun. Malinaw na pansariling interes lang ang dahilan kung bakit tatakbo sa pagka-bise presidente si Duterte. In his own words, he is merely going to use the office for immunity. He made it clear, there…
Read MoreSa hirit na P40-B pondo para sa mga barangay SEC. AÑO MAKAPAL ANG MUKHA – SOLON
“MASYADONG makapal ang mukha ni Secretary Año at ng DILG.” Ito ang tugon ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat sa paghingi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ng P40 billion para sa barangay development program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022. Ayon sa mambabatas, hindi nakuntento ang kalihim sa P16 billion na pondo ng NTF-ELCAC ngayong taon na tinagurian ng mga ito bilang “general’s pork” at gusto pa umanong doblehin ito sa 2022. Base sa mga…
Read MoreABUSADONG KOLEKTOR NG PAUTANG IPAKUKULONG
MULING binalaan ni Senador Win Gatchalian ang mga financial service providers, kasama na ang online lending platforms, laban sa kanilang mapang-abusong pamamaraan ng pangongolekta ng utang sa atrasadong bayad ng mga kliyente at sinabing itataguyod niya ang pagsasabatas ng parusang pagpapakulong sa ganitong mga gawain. “Masyado nang mapangahas ang ibang lending companies na nagsulputan. Hindi sila titigil hangga’t walang batas na magpapanagot sa mga maling gawain nila. Umaabot pa sa puntong pamamahiya at paninirang puri ang ginagawa nila sa mga nangutang sa kanila para lang makasingil,” ani Gatchalian. Kamakailan lamang…
Read More3 PA PATAY SA COVID SA CALOOCAN
TATLO pa ang nadagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa Caloocan City noong Hulyo 17. Mula 1,105 noong Hulyo 14, umakyat sa 1,108 ang total deaths sa lungsod, habang 350 ang active cases matapos na 19 bagong kaso ang naitala. Pumalo na sa 38,954 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 37,496 na ang nakarekober. Siyam naman ang nadagdag na confirmed cases sa Malabon City at sa kabuuan ay 13,678 ang positive cases sa lungsod, 78 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso…
Read MoreSa gitna ng banta ng Delta variant NCR PLUS BUBBLE MULING HIGPITAN
(RENE CRISOSTOMO) ISINUSULONG ng OCTA Research Group ang muling paghihigpit ng ‘NCR Plus bubble’ upang maiwasan ang banta ng Delta variant ng COVID-19 habang patuloy ang pagtakbo ng ekonomiya sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan. Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang ideya ng bubble ay makakaiwas para kumalat pa ang Delta variant dahil magiging limitado ang galaw sa essential travels. Sa ilalim ng bubble, ang mga bata ay mahigpit na ipinagbabawal na lumabas ng bahay dahil ang Delta variant ay maaring makapagdulot ng long-term effects ng…
Read MoreDahil sa natukoy na Delta variant HOME QUARANTINE BAWAL NA SA MAYNILA
DAHIL natukoy na may dalawang kaso ng kinatatakutang Delta variant, iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na muling ipagbawal ang home quarantine sa mga indibidwal na kinakitaan ng mga sintomas ng COVID-19 at maging ng mga asymptomatic upang mapigilan ang posibleng pagkalat nito. Umapela ng suporta at pakikipagtulungan si Moreno sa mga apektadong residente at sinabing hindi siya magdadalawang-isip na pairalin ang batas sa mga tatanggi at ipipilit na mag-home quarantine dahil kaligtasan ng mas nakararami ang nakataya rito. Nabatid kay Moreno, binigyan nito ng direktiba si Dr. Ed Santos, assistant…
Read More