NORTH COTABATO – Isang 58-anyos na lalaki ang naiulat na binawian ng buhay habang 47 residente ang isinugod sa ospital dahil sa nararanasang diarrhea sa Barangay Tulalian, sa bayan ng Sto. Tomas, Davao del Norte. Dahil dito, idineklara ni Mayor Ernesto Evangelista ang diarrhea outbreak sa kanyang bayan batay sa inilabas na pahayag kahapon ng Municipal Information Office (MIO). Ang 47 residente ay isinugod sa iba’t ibang pribado at pampublikong ospital dahil sa naramdamang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae. Ayon sa ulat ng Municipal Health Office ng bayan, ang…
Read MoreMonth: July 2021
P11-M SUHOL SA 28 CHINESE?
TINATAYANG humigit 11 milyong piso ang kinita umano ng ilang tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na responsable sa pagbawi sa “exclusion” ng 28 Chinese nationals na hinarang kamakailan sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa ating source, patago umano ang ginawang “Recall of Exclusion Order” upang payagan ang 28 Chinese na makapasok sa bansa matapos silang harangin sa airport ng immigration officers dahil sa kakulangan ng travel documents. Isang maimpluwensyang Chinese handler umano na si alyas “Charlie” ang lumakad ng papeles ng mga ito…
Read More21 NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA SA CORREGIDOR
CAVITE – Nasagip ng Philippine Coast Guard ang 21 pasahero ng isang motorbanca na tumaob sa dagat malapit sa isla ng Corregidor. Ayon sa may-ari ng MB Lady Tricia na si Delfin Mabesa, umalis sa Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite patungong Corregidor Island ang bangka bandang alas-10:00 ng umaga noong Biyernes. Bandang alas-3:30 ng hapon nang magdesisyong bumalik na lamang ito sa paglalayag dahil sa malalakas na alon ang humahampas sa kanilang bangka na naging sanhi ng kanilang paglubog. Nailigtas ng mga mangingisda ang ilang pasahero ng nasabing bangka. Agad namang tumawag…
Read MorePAGHAHANDA KONTRA DELTA VARIANT NG COVID-19
MAHABA na ang pinag-daanan ng bansa sa laban kontra COVID-19 matapos nitong sakupin ang mundo noong Marso 2020. Bagamat may bahagyang pagbaba sa bilang ng dumadagdag na mga positibong kaso kada araw, nananatiling matindi ang laban kontra sa naturang virus. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), nitong ika-17 ng Hulyo ay umabot na sa 1,502,359 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa kabuuang bilang na ito, nasa 47,257, o 3.1%, ang naitalang aktibong kaso. Ang pagbuti ng ating sitwasyon ay hindi nangangahulugang maaari na tayong…
Read MoreTERORISTA NAPATAY, 2 PA TIMBOG SA MAGUINDANAO
MAGUINDANAO – Patay ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group habang arestado naman ang dalawang iba pa sa pagsalakay ng mga sundalo sa ilalim ng Joint Task Force Central, sa pinagtataguan ng mga ito sa Brgy. Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao, noong Sabado ng umaga. Kinilala ang napatay na si Tong Bomber habang arestado naman ang dalawang sina Nondo Sangalan at Tong Sangalan, parehong nasa hustong gulang at nakumpiska ang M14 rifle at dalawang improvised explosive device, habang isang sundalo naman ang sugatan. Ayon sa ulat mula kay Lieutenant…
Read More5 BUWAN ALLOWANCES NG PWD SCHOLARS IPINAMAHAGI SA NAVOTAS
NAGSIMULA nang mamahagi ng cash allowance para sa special education (SPED) students ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Aabot sa 375 benepisaryo ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang P2,500 cash allowance para sa buwan ng Enero hanggang Mayo. Sa nasabing bilang, 341 ang elementary students, 12 ang nasa high school, at 22 ang naka-enroll sa Navotas Polytechnic College. Sa ilalim ng scholarship, nagbibigay ang Navotas sa PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year. Inaasahan namang ang mga iskolar ay dadalo sa…
Read MoreTOP 2 MOST WANTED SA MALABON, ARESTADO
NASAKOTE ng pinagsanib na pwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Station Intelligence Section (SIS) at Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (RMFB-NCRPO) ang top 2 most wanted person ng Malabon City noong Biyernes ng gabi sa naturang lungsod. Ayon kay Malabon City Police chief, P/Col. Albert Barot, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Josie Rodil ng Branch 293, para sa dalawang bilang na kasong rape si Angelo Jao Calizar, 21, sa harap ng kanyang…
Read MoreDESISYON SA DU30-DU30 IPAUBAYA SA TAO – SOLON
HAYAANG magdesisyon ang taumbayan sa nilulutong tambalan ng mag-amang Duterte sa halalan sa Mayo 2022. “Sarah Duterte for president at Rodrigo Duterte for vice president? Mga tao ang magdedesisyon nyan sa Mayo”. Ito ang tugon ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa panayam sa radyo kung sang-ayon siya sa tandem ng mag-amang Duterte bilang president at vice president sa 2022 national election. “Parehong eligible at parehong gusto ng tao, e, why not?” dagdag pa ni Cong. Yap. Aniya, sa araw ng eleksyon magkakaalaman kung gusto ng mga tao ang mag-ama na…
Read MoreIka-129 Malasakit Center, inilunsad sa Tondo HEALTH CARE ACCESS SA MAMAMAYAN MAS PINAHUSAY
PINANGUNAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang paglulunsad ng ika-129 Malasakit Center sa Tondo Medical Center (TMC) sa Maynila noong Biyernes, kasabay ng ika-50 anibersaryo ng pasilidad na nagsimula ng operasyon noong 1971. Nabatid na ang TMC ang ika-26 na pagamutan sa National Capital Region (NCR) at ikalima sa lungsod, na nagbukas ng Malasakit Center, bilang karagdagan sa Philippine General Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, San Lazaro Hospital at Jose R. Reyes Memorial Medical Center. Sa kanyang mensahe sa seremonya, sinabi ni Sen. Go na bagamat ang health facilities…
Read More