Sa gitna ng pandemya 2.3M KABATAAN TIGIL ESKWELA

MAHIGIT dalawang milyong kabataan ang Out of School Youth (OSY) dahil hindi nakapag-enroll ngayong School Year (SY) 2021-2022. Ito ang lumabas sa pagdinig sa budget ng Department of Education (DepEd) sa Kamara na sinabayan ng kilos protesta ng mga militanteng grupo sa harap ng Batasan Pambansa kahapon. Sa deliberasyon sa P773.6 billion pondo ng DepEd, sinabi ni Secretary Leonor Briones na kahapon ng umaga (Setyembre 14) ay umabot sa 26.23 million na ang nakapag-enroll ngayong school year. Gayunpaman, sinabi ng mga mambabatas sa Kamara na kulang pa rin ito ng…

Read More

P12-B kontrata nakopo ng Pharmally

Kaugnay nito, nagtataka si Senador Panfilo “Ping” Lacson kung paano nakuha ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ang P12 bilyong halaga ng kontrata sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) na ipinambili ng overpriced medical supplies para sa Department of Health (DOH). Sa kanyang pagtatanong sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado hinggil sa overpriced umanong medical supplies na nakita sa audit report ng Commission on Audit (COA), sinabi ni Lacson na lubhang nakapagtataka kung paano nakakuha ng P12 bilyon kontrata ang Pharmally na may P600,000 na puhunan. “Paano nangyaring…

Read More

Solon sa transaksyon ng Pharmally sa PS-DBM SHORTCUT SA KORAPSYON

INILAHAD ni Senador Risa Hontiveros na kulang-kulang ang dokumentasyon ng mga transaksyon ng kumpanyang Pharmally, matapos aminin ng incorporator nito na si Krizle Mago na wala pala silang pruweba ng delivery order. Ngunit ayon kay Mago, inisyuhan ito ng delivery receipt. “Bakit may shortcut ang Pharmally? Mukhang shortcut to corruption itong transkasyon ng Pharmally at PS-DBM. Walang order, pero may resibo? Under the table ba ang usapan?Pharmally’s incorporators seem to be naive entrepreneurs, intent on profiteering and making a quick buck, and PS-DBM was a willing enabler,” sabi ni Hontiveros.…

Read More

OFW SA KUWAIT HUMIHINGI NG TULONG SA EMBAHADA

DUMULOG sa AKOOFW ang kapamilya ng isa sa ating kabayani na nasa bansang Kuwait upang humingi ng tulong para makauwi sa Pilipinas. Si Mary Jane Gomez ay nakarating sa Kuwait noong May 8, 2007 sa pamamagitan ng SAM Seven Manpower Services. Ayon sa sumbong na ipinarating ni Mary Jane, tatlong buwan na siyang hindi binabayaran ng kanyang sahod ng kanyang amo kung kaya hindi man lang niya mapadalhan ng pera ang kanyang pamilya. Bukod sa problema sa suporta sa kanyang pamilya ay isa rin sa nagpapabigat ng kanyang kalooban ay…

Read More

QUEZONIAN MAY PANAWAGAN KAY GOV. SUAREZ AT SA DOH

NANANAWAGAN sa ama ng lalawigan at mga opisyal ng Department of Health ang mga Quezonian na gumawa ng agarang aksyon sa tila pagpapabaya ng Lucena City, Quezon Medical Center, isang public hospital, sa mga bangkay ng mga tinamaan ng COVID-19 na naka­tiwangwang lang sa pasilyo ng nabanggit na pagamutan. Ayon sa mga ­Quezonian, bagama’t naka-body bag ang mga katawan ng mga nasawi ay hindi anila kaaya-aya ang simoy ng hangin sa nasabing pasilyo dahil naaagnas na ang mga labi. Ipinagtataka pa ng mga nagrereklamo o saksi, bakit tila hindi ­inaalintana…

Read More

KANYA-KANYANG DAHILAN

HINDI na bago ang naging palusot sa hindi pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay ng maanomalyang transaksyong kumakaladkad sa pangalan ni ­dating Presidential Economic Adviser Michael Yang at sa corporate executives sa likod ng ­kumpanyang pinaniniwalaang nagkamal nang husto sa kontratang iginawad ng gobyerno. Katwiran ng abogado ni Yang – altapresyon. Alibi naman ng Pharmally Pharmaceutical Company na kinakatawan ng direktor nitong si Lincoln Ong, may COVID siya. Sa puntong ito, walang nagawa ang Senado kaya naman ipinagpaliban muli ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng sumambulat…

Read More

Regional PNP chief nagbubulag-bulagan? ILEGAL NA SUGAL SA CALABARZON TALAMAK ULIT

INIREREKLAMO ng ilang konsernadong grupo ang panunumbalik umano ng ilegal na sugal sa mga lalawigang sakop ng Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon o Calabarzon. Partikular na tinukoy ng mga nagrereklamo ang Small Town Lottery ( STL) con jueteng na ginagamit umano bilang prente sa pagbebenta ng droga gaya ng shabu, hindi lamang sa iba’t ibang mga siyudad at bayan sa Batangas kundi maging sa kabuuan ng rehiyon. Kasabay nito, kinalampag nila ang tanggapan ni PRO Calabarzon Regional Director, PBGEN Eliseo DC Cruz para agad tumugon sa naturang ilegalidad sa…

Read More

DRUG SURRENDEREE, HULI SA BUY-BUST

Isang dating drug surrenderee na binigyan ng pagkakataon ng gobyerno na magbagong buhay, ang muli na namang bumalik sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot at nahuli ng mga awtoridad sa buy-bust operation. Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kumagat sa bitag ng Bicol PNP ang suspek na kinilalang si Zarrjay Esperanzate Lasap, 32, residente ng Brgy. Casini, Irosin, Sorsogon. Nakuha sa suspek ang isang puting nakatuping papel kung saan nakasilid ang dalawang pakete ng selyadong plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu. Si Lasap ay…

Read More

ANAK NG MAYOR PATAY SA MOTORCYCLE ACCIDENT

QUEZON – Binawian ng buhay ang anak ng mayor ng Lucban habang isa pa ang kritikal ang kalagayan makaraang masalpok ng isang delivery van ang dalawang motorsiklong minamaneho ng mga biktima sa nasabing bayan noong Lunes ng gabi. Kinilala ng Lucban Police ang biktimang namatay na si Guitahm Oli Salvacion Dator, 17-anyos, anak ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator. Kritikal naman ang 20-anyos na binata at kaibigan ng biktima na si Sydney Mykel Ramos Saliendra, empleyado ng lokal na pamahalaan ng Lucban. Ayon sa police report, nasalpok ng Elf truck…

Read More