IPINALABAS na ng Malakanyang ang guidelines ng bagong alert level systems bilang polisiya para sa lockdown na magkakaroon ng pilot run sa Kalakhang Maynila simula Setyembre 16, 2021. Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang guidelines ay makatutulong para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus variants. “In this new classification framework, we proactively advocate the Principles of 3C’s (Closed, Crowded and Close Contact) Strategy, which shall be applied in Metro Manila starting September 16, 2021,” ayon kay Sec. Roque. Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force guidelines, magiging…
Read MoreDay: September 14, 2021
DROGA SA DAGAT IDINADAAN – PNP
PANIWALA ng Philippine National Police (PNP), sa karagatan idinadaan papasok ng bansa ang sandamakmak na drogang nasabat ng kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong mga nakaraang linggo. Kaya naman agad na inatasan ni PNP director general Guillermo Eleazar ang PNP Maritime Group na paigtingin ang ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay ng karagatan partikular na ang mga seaports bilang bahagi na rin ng pinahigpit na kampanya kontra iligal na droga. Giit ni Eleazar sa kanyang pagbisita sa Batangas PNP Maritime Group at Philippine Ports Authority sa…
Read MorePAGBABAKUNA SA GENERAL PUBLIC IKAKASA SA OKTUBRE
INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na target niyang masimulan ang pagbabakuna sa general public laban sa COVID-19 sa Oktubre ng taong kasalukuyan. Prayoridad dito ang mahihirap. “I’d like the people to know that we are studying the possibility of vaccinating the general population this October, kung meron nang stable vaccine supply,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Martes. “Dapat nang unahin yung walang-wala sa mga far-flung area, unahin muna yung mga mahihirap,” dagdag na pahayag nito. Base sa pinakahuling government data, may 17 milyong…
Read MoreQUIBOLOY, KINASUHAN NI PACQUIAO
IPINAGHARAP na ng P100-million libel at cyber libel case ni Senador Manny Pacquiao ang religious sect leader at self proclaimed “Appointed Son of God” at “Owner of the Universe” na si Pastor Apollo Quiboloy. Personal na nagtungo si Pacquiao sa Makati City Prosecutor’s Office para sa paghahain ng kaso laban sa mga pahayag ni Quiboloy hinggil sa pagkakasangkot ng senador sa maling paggamit ng pondo sa hindi pa natatapos na Sarangani Sports Training Center. Batay pa sa alegasyon ni Quiboloy, ang proyekto ay nagkakahalaga ng P3.5 bilyon. Sa 13-pahinang reklamo…
Read MoreCURFEW SA NCR INIKLIAN
MAGIGING alas-10 na ng gabi hanggang alas-4 ng umaga ang curfew hour kasabay ng pagsisimula ng pilot implementation ng granular lockdown sa Setyembre 16. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na ang dating alas-8 hanggang alas-4 ng umaga sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay binago na. Aniya, nagpulong ang Metro Manila mayors kung saan ay nagkaroon sila ng survey at napagdesisyunan na baguhin na ang curfew hours. “Ang curfew ngayon ay alas-8 ng gabi. So, ito po ay inuusad na. Nagbotohan kami kasama…
Read MoreLOOKOUT BULLETIN VS MICHAEL YANG – DOJ
MAGLALABAS ang Department of Justice ( DoJ) ng ‘immigration lookout bulletin order’ laban kay dating Presidential adviser Michael Yang upang mabantayan ang galaw nito sakaling lumabas ng bansa. “As requested, the DoJ will issue an immigration lookout bulletin order (ILBO) on the person of Michael Yang, also known as Yang Hong Ming,” pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra. Paglilinaw ng kalihim, ang ILBO ay hindi katulad ng hold departure order (HDO) na maaaring hadlangan ang paglabas sa bansa ng sinomang indibidwal. Una nang inilagay sa ILBO sina dating Budget Undersecretary…
Read MoreSENADO ‘DI PAAAPEKTO KAY DUTERTE
NANINDIGAN ang Senado sa kanilang pagiging independent at nangakong itutuloy ang kanilang mandato sa pagtitiyak na nagagamit nang tama ang pondo ng bayan. Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang magpaalam sa kanya ang sinumang opisyal na dadalo sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na prerogative ng Punong Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga polisiya sa kanyang gabinete. Gayunman, iginiit ni Sotto na hindi nito mapipigilan ang kanilang oversight function sa mga proyekto ng gobyerno at maging…
Read MoreCOVID-19 funds ayaw ipadetalye sa Gabinete – solon GAG ORDER NI DUTERTE IWAS BUKING
LANTARAN nang nabuko ang pangungupit ni Pangulong Duterte sa multi-bilyong pondo ng COVID-19 funds partikular sa overpriced medical supplies na binili ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) kaya nagpalabas ng gag order sa Cabinet members. Ganito ang pagtataya ni Senador Leila De Lima matapos atasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng miyembro ng Gabinete na kumuha muna ng clearance sa Office of the President bago dumalo sa anomang imbestigasyon ng Kongreso. Kasalukuyang iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang natuklasan ng Commission on Audit (COA) na overpricing sa…
Read MoreSa gitna ng pandemya 2.3M KABATAAN TIGIL ESKWELA
MAHIGIT dalawang milyong kabataan ang Out of School Youth (OSY) dahil hindi nakapag-enroll ngayong School Year (SY) 2021-2022. Ito ang lumabas sa pagdinig sa budget ng Department of Education (DepEd) sa Kamara na sinabayan ng kilos protesta ng mga militanteng grupo sa harap ng Batasan Pambansa kahapon. Sa deliberasyon sa P773.6 billion pondo ng DepEd, sinabi ni Secretary Leonor Briones na kahapon ng umaga (Setyembre 14) ay umabot sa 26.23 million na ang nakapag-enroll ngayong school year. Gayunpaman, sinabi ng mga mambabatas sa Kamara na kulang pa rin ito ng…
Read More